Chapter One

3221 Words
NAWINDANG si Jhen nang aminin ng lolo niya ang totoo tungkol sa kalagayan ng Zoo nila sa Cebu. Malaking pagkadismaya niya sa kanyang natuklasan. Excited pa naman siya dahil nakapagtapos na siya sa pag-aaral sa kursong veterinary. Nakapasa na rin siya sa licensing exam. Pinili niya ang kursong iyon dahil gusto niyang maging karapat-dapat siyang tagapagmana ng zoo at farm resort ng lolo niya. Para siyang binagsakan ng langin na napaluklok sa couch. Nanlumo siya. “Bakit, Lo? Bakit naman isinanla ninyo ang zoo?” naiiyak na tanong niya sa seventy-one years old niyang lolo. Tatay ito ng kanyang ina. Kararating lamang niya sa bahay nila mula sa outing nilang mga dating kaklase. Masaya pa naman siyang ibinalita sa lolo niya na pumasa siya sa licensing exam at isa na siyang licensed veterinarian katulad nito. Ang sabi kasi nito, kapag naging veterinarian na siya ay ililipat na nito sa pangalan niya ang rights ng zoo at farm resort. Pero mukhang mapupurnara pa. “I’m sorry, hija. Wala na akong mapagkukuhaan ng pera noon para sa maoperasyon ng lola mo at maintenance ng gamot niya. Hindi sapat ang kinikita ng resort para matugunan ang agarang gastusin para sa lola mo. Isa pa, itong bahay ay kailangan ko ring bayaran buwan-buwan para may matirahan tayo. Alam mo namang ayaw umuwi ng lola mo sa Pilipinas. Kailangan mo pa ng panggastos  at iyon nga ang ginastos sa exam mo,” paliwanag ni Antonio. Nakadikuwatro ito habang nakaupo sa katapat niyang couch. Katabi nito ang lola niya na nakaupo lang sa wheel chair at nakikinig. Hindi niya napigil ang kanyang emosyon. Napaluha siya. Marami nang naging sakripisyo ang lolo niya para maipagamot ang lolo niya na na may malubhang karamdaman Kamakailan lang itong naoperahan sa puso at bato. Malaki rin ang ginastos ng lolo niya sa kanyang pag-aaral. At dahil naibenta ang nag-iisang bahay nito sa Madrid Spain, umuupa na lamang sila sa maliit na bahay na pag-aari ng kaibigan ng lolo niya. Labis siyang nalulungkot. Paano na ang mga alaga niyang hayop sa zoo? She can take it. She has to do something to save the zoo. All her life, she lives with animals and she grew up there. She can’t afford to lose her right. Halos dalawang dekada na siyang nakatira sa zoo at farm kaya hindi siya papayag na mawala iyon nang tuluyan. “Kanino po ba kayo nagkautang?” pagkuwa’y tanong niya. Sinubuan muna ni Antonio ang asawa ng salad. Hirap pa rin magsalita ang lola niya dahil sa nagdaang mild stroke bago tuluyang naoperahan. Hirap na itong maglakad kaya naka-wheel chair na lang.  “Nagkautang ako sa kaibigan ko, na naging kaklase ko rin noong college. Pumayag naman siya na ang zoo ang i-collateral ko. Nagkaroon kami ng kasunduan, na mababawi ko ang zoo sakaling mabayaran ko na ang lahat ng utang ko sa kanya. Pero nangako siya na hindi niya papalitan ang pangalan ng zoo. Pero once hindi ko nabayaran ang utang ko sa loob ng limang tao, o kung mamatay ako na hindi pa nababayaran ang utan, awtomatikong makukuha niya ang buong rights ng zoo at farm at maililipat na ito sa pangalan niya. May abogadong saksi sa aming kasunduan at hawak nito ang kasulatan namin. Isa siyang mahusay na veterinarian, kaya nasisiguro ko na maalagaan mabuti ang mga hayop,”  kuwento ni Antonio. Nakapag-isip-isip niya. Paano pa mababayaran ng lolo niya ang utang nito kung wala na itong pinagkukuhaan ng malaking pera? Pensiyon na lang nito ang inaasahan nito, tapos sustentado pa ng gamot ang lola niya. Kung tutuusin utang niya lahat sa lolo niya. Kinupkop siya nito at pinalaki ng maayos. Limang taon lang ang palugit. Paano pa makkabayad ang lolo niya? Wala na silang ibang inaasahan. Hindi pa sigurado kung makapagtrabaho siya kaagad. Eh kasi may trabaho na siya, hindi naman basta makakabayad ng utang ang susuwelduhin niya. Dalampung taon na ang nakalipas magmula noong danasin ng pamilya niya ang masalimuot na karahasan, ngunit tila kahapon lang ang lahat. Sariwa pa rin sa isip niya ang mga naganap. Nakatulong ang pagdala sa kanya ng lolo niya sa Spain upang maibsan ang pighati niya. Spanish national ang lola niya at mayroon itong hotel business doon noon pero naibenta rin noong nagpasya ang lolo niya na sa Pilipinas sila titira. Limang taon lang siyang tumira noon sa Spain. Umuwi sila sa Pilipinas at doon siya nagpatuloy ng pag-aaral hanggang high school. Bumalik lang sila sa Spain noong hiniling ng lola niya na doon ito magpapagamot. Kaya doon na siya nag-aral ng college. May tauhan ang lolo niya na nag-aasikaso sa zoo, na matagal na nitong empleyado. “Huwag po kayong mag-alala, ‘Lo, gagawin ko ang lahat para mabawi ang zoo,” teterminadong sabi niya. “Anong gagawin mo?” nababahalang tanong ng lolo niya. “Uuwi ako sa Pilipinas pagkatapos na maasekaso ko na ang credentials ko,” aniya. “E saan ka naman titira roon? Huwag mo sabihing babalik ka sa bahay ninyo sa Mactan?” “Wala na po akong choice. Kailangan kong asikasuhin ang bahay namin. Baka may ibang tao na roong nakatira.” “Paano kung balikan ka ng mga walang kaluluwang nilalang na pumatay sa tatay mo?” “Lolo, masyado na pong matagal iyon. Baka nga namatay na ‘yong mga naghahabol sa akin. Isa pa, hindi ba pinag-aral ninyo ako sa martial arts school para matuto ako ng self-defense? Isa na po akong matapang na tigre,” pagmamalaki niya. Tumawa ang lolo niya. Pagkuwa’y nilapitan siya nito at niyakap nang mahigpit. Hinalikan nito ang noo niya. “Ganyan nga, apo. Dapat maging matapang ka. Kalimutan mo na ang mga hindi magandang nangyari sa buhay mo at asikasuhin mo rin ang paghahanap sa mama mo,” anito. “Opo. Salamat po pala sa lahat ng sakripisyo ninyo para sa akin. Babawi po ako.” “Wala iyon, apo. Alam mo namang ikaw lang ang nag-iisa kong apo, at tanging alaala na naiwan ng mama mo. Mahal na mahal kita, hija.” “Mahal ko rin po kayo ni lola.” Nangilid na naman ang luha niya sa kanyang pisngi.   Nang makuha ni Jhen ang credentials niya ay umuwi siya ng Pilipinas dala ang pangako sa kanyang lolo, pangako na tutubusin niya ang zoo at farm. Halos pitong taon din siyang nawala sa bansa. Marami nang nagbago. Pagdating niya sa Cebu ay  kumuha muna siya ng apartment na matutuluyan niya. Dahil sa excitement ay hindi na siya nagpahinga. Dumeretso na kaagad siya sa De Vega Zoo and Farm Resort. Mabuti naman hindi pinabago ng kaibigan ng lolo niya ang ilang gusali. Nagbayad siya ng entrance na good for one day. Nag-ikot siya sa paligid habang nag-iisip ng paraan kung paano siya makalapit sa kaibigan ng lolo niya na pansamantalang may-ari ng zoo. Tumambay siya sa front office ng resort. Nang hindi na busy ang receptionist ay nilapitan niya ito. Bagong empleyado ito kaya hindi siya kilala. Maraming bagong empleyado, maging security at cleaner. “Yes, Ma’am?” nakangiting bungad sa kanya ng magandang receptionist. “Uhm, can I talk to your boss?” tanong niya. May suot pa rin siyang sunglasses. She wore a black blouse and skinny gray jeans, with black boots. Isinisang tali niya ang gabaywang niyang buhok na tuwid, medyo mataas. Lumitaw tuloy ang Spanish beauty niya. “Uhm, sorry, Ma’am, our boss didn’t accept any appointment in the morning or afternoon,” malungkot na sagot nito. Nabasa niya ang name tag ng babae sa uniporme nito. Her name is Lyka. Ang ganda nito, puwede nang kandidata ng Ms. Universe. She felt a bit insecure, medyo kinulang kasi siya sa hight. Pero matangkad na siya sa taas na limang talampakan at apat na pulgada. Maganda rin naman siya, in her own way. “Ganun ba? What time siya available?” pagkuwan ay tnaong niya. “I’m not sure, Ma’am. Nagre-report lang siya rito kapag gabi.” “Gabi?” manghang bulalas niya. “Yes, Ma’am. Never ko pa pong nakita sa umaga si boss.” Nawewerduhan siya sa kaibigan ng lolo niya. Dapat ang matatanda ay hindi na nagtatrabaho sa gabi. O baka doon na rin ito nakarita sa resort, o kaya sa mansiyon ng lolo niya. Hindi na lamang niya kinulit ang babae. Umalis na siya roon nang may dumating na guests. Hinanap niya ang mga dating empleyado na siguradong kilala siya. Nang makita niya ang matagal na nilang katiwala na si Mang Gustin ay dagli niya itong nilapitan, habang ito’y abala sa pagwawalis ng mga nahuhulog na tuyong dahon ng halaman. “Mang Gustin!” tawag niya rito. Nagulat pa ang ginoo. Nabitawan nito ang hawak na walis at dustpan. “Ma’am Jhen!” nasasabik ding wika nito. Sinalubong na niya ito at niyakap. Parang hindi nadagdagan ang edad ng ginoo, malakas pa rin ito. Naluha siya dala ng excitement. Si Mang Gustin ang talagang pinagkakatiwalaan ng lolo niya. Ito rin ang inuutusan ng lolo niya noon na ihatid sundo siya sa school sakay ng kotse ng lolo niya, na naibenta na rin. “Mabuti umuwi ka, hija. Pero alam mo na ba ang nangyari rito sa zoo?” malungkot na sabi nito. “Opo. Kaya nga po ako nandito para asikasuhin ang zoo,” aniya. “Mabuti naman kung ganoon. Sana nga mabuwi mo ito.” Nanamlay ang ginoo. “Bakit ho? Hindi po ba maganda ang ugali ng bago ninyong amo?” aniya. “Maayos naman ang mamamalakad ni boss, kaso nga lang masyadong masungit at mahigpit sa mga tao. Sa sahod wala namang problema. Stay-in pa rin naman ang ibang empleyado. Ang kaso, may ibang dating empleyado na nag-resign dahil sa hindi kinaya ang higpit ni boss,” malungkot na kuwento nito. “E, ano ba ang balak mong gawin?” Bumuntong-hininga siya. Naalala niya, nakalimutan niyang itanong sa lolo niya kung magkano ba talaga ang kabuoang inutang nito sa kaibigan. Ang sinabi lang nito ay limang milyon ang inisyal na inutang nito pero nadagdagan dahil may binayarang malaking utang ang lolo niya sa ibang ahensiya ng gobyerno. “Hindi ko nga po alam kung paano ako makapag-stay rito. Wala po bang hiring na trabaho rito?” aniya. “Meron, kaso veterinarian ang kailangan. Wala kasing nagtatagal na veterinarian dahil sa sobrang maselan ni Boss.” Bigla siyang na-excite. Pagkakataon nga naman. “Tamang-tama po, licensed veterinarian na po ako ngayon!” sabi niya. “Talaga? Aba mabuti kung ganun! May dala ka bang resume nang maipasa ko sa admin office?” ani Mang Gustin, tila nabuhayan ng pag-asa. Mabuti na lang dala-dala niya ang maliit niyang malita at naroon ang ilang kopya ng resume niya. Pakay rin kasi niya na mag-job hunting. Inilapag niya sa lupa ang maleta at inilabas ang naka-folder niyang resume saka ibinigay kay Mang Gustin. Mamaya ay iginiya na siya nito sa lobby ng hotel. Iniwan muna siya nito roon upang ibigay nito ang resume niya sa admin officer. Makalipas ang isang minuto ay nakabalik na si Mang Gustin. “Ma’am, mabuti naroon si Miss. Anna. Pumasok na raw po kayo sa opisina,” anito. “Salamat po.” “Iwan mo na muna sa akin ang maleta mo,” sabi naman nito. Iniwan na niya rito ang maleta niya saka siya nagmadaling pumasok sa admin office.  Mabuti naman naroon pa ang matandang dalaga na nag-aalaga sa kanya noon. Pagpasok niya’y sinalubong siya ng admin staff ng mainit na pagbati. “Welcome back, Ma’am Jhen!” panabay na bati ng mga ito. Uminit ang mukha niya. Naiyak na naman siya sa galak. Mababaw talaga ang luha niya. “Ano ba kayo, hindi na ako ang amo n’yo. Umayos nga kayo,” naiilang na sabi niya. Nilapitan naman siya ni Miss. Anna at niyakap ng mahigpit. Napaiyak ito. “Miss na miss ka na namin, Jhen. Kumusta ka na at si Don Antonio, si Donya Esperanza?” anito pagkakalas sa kanya. “Okay lang ako at si lolo. Si lola lang ang hindi okay. Kayo, kumusta kayo?” aniya. “Heto, trabaho hard para ma-satisfy si boss,” anito. “Bakit, malupit ba siya?” “Malupit tumingin!” sabad naman ni Mica, na halos kasabay niyang lumaki sa zoo. Stay-in worker ang mga magulang nito roon since bata pa ito. Kinikilig pa ang bruha. Ang weird. Kinilig pa ito sa matandang boss. Sa bagay, mahilig talaga sa sugar daddy si Mica. Si Miss. Anna ang matandang dalaga na kinupkop ng lola niya. Ulilang lubos na ito. Maawain talaga ang lola niya sa mga bata. Nanlilimos lang noon sa kalsada si Anna. “Basta, mahirap sikmurain ang ugali ng bagong boss, hay! At ano naman itong resume mo?” mamaya’y sabi sa kanya ni Miss. Anna, nang makaupo na sila sa bench. “Sabi kasi ni Mang Gustin hiring ng veterinarian,” aniya. “Ay, oo. Paano naman kasi, wala pang isang buwan ang bagong hired na veterinarian umaalis na dahil hindi raw makain ng aso ang ugali ni boss pagdating sa trabaho. Masyado raw mataas ang standard,” sumbong ni Anna, habang binabasa ang resume niya. “Bakit, natuloy ba ang plano mong maging veterinarian?” “Opo. Kapapasa ko nga lang ng exam.” “Wow!” panabay na sabi ng staff. Mga dating emplayaro ang naroon at panay babae. Naroon pa ang nerd na si Jesel, ang hopeless romantic na si Shella. “Kung gano’n, tanggap ka na!” excited na sabi ni Anna, at bigla ring nalungkot. “Pero kailangan ka pa ring ma-interview ni boss,” anito. Napayakap siya kay Anna. “Thank you!” “Be ready sa interview. Ilabas mo ang sagot na pang-Q and A ng Ms.. Universe. Malupit si boss,” anito. “Talaga ba?” natatawang sabi niya. “Sige, ihahanda ko na ang sarili ko para sa paghaharap namin. Kailan ko ba siya makakausap?” “Mamayang gabi pagdating niya,” ani Anna. “Mamayang gabi talaga?” “Oo, dahil hindi siya tumatanggap ng appointment sa umaga. Magmula nga noong siya na ang humahawak ng zoo ay hindi pa namin siya nakikita na pagala-gala ng umaga rito.” “True,” sabi naman ni Mica. Nahihiwagaan na talaga siya sa kaibigan na iyon ng lolo niya. Well, mostly talaga sa mga matatanda mainitin ang ulo. Pero ang lolo niya, kalmado pa rin, young at heart. Tantiya niya’y kaedad na ng lolo niya ang bagong boss, kasi naging kaklase raw ng lolo niya noong college, eh. Mabuti malakas pa. “Baka sa sobrang katandaan ay sinsitibo na sa sikat ng araw,” amuse na sabi pa niya. Nagkasabay na humagalpak nang tawa ang mga staff. Kunot-noong pinagmasdan naman niya ang mga ito. Si Mica ay nakasandal sa office table nito. Sina shella at Jesel ay nakaupo sa working table ng mga ito at nakaharap sa computer. Napapatigil sa trabaho ang mga ito. “Don’t you dare, Miss Jhen, baka bigla mong lunukin ang dila mo kapag na-meet mo na si boss in person,” nakangising sabad naman ni Jesel. “Bakit? Ano bang meron sa kanya?” takang tanong niya. “Basta, malalaman mo rin,” pa-suspense namang sabad ni Mica. Pagkuwan ay inakbayan siya ni Anna at sabay silang tumayo.  “Sumunod ka sa akin, ikukuha kita ng komportableng kuwarto. Akong bahala sa iyo. Kailangan kang makilala ng mga baguhang empleyado,” anito. Sabay na silang lumabas ng opisina. Sumunod naman siya rito. Naantig siya sa mainit na pag-welcome sa kanya ng mga dating staff ng hotel. Pero nalulungkot siya sa tuwing naiisip ang sitwasyon ng zoo. Mabait ang lolo niya sa mga tauhan kaya ganoon na lang ang taas ng respeto ng mga ito sa kanya. Binibigyan ng lolo niya ng trabaho ang mga tambay at walang sapat na pera upang makapag-aral. Doon na nga tumanda ang ibang manggagawa at nagkapamilya. HINDI namalayan ni Jhen ang oras. Napasarap ang tulog niya sa inuukupa niyang hotel suite. Bumalikwas siya ng bangon nang malamang alas-ocho na ng gabi. Alas-ocho pa naman ang sinabi ni Anna na darating ang boss nito. Nagmadali siyang naligo at nagbihis. Kailangan na pala niyang harapin ang kaibigan ng lolo niya. Nagsuot lamang siya ng pulang half-shoulder dress. Siyempre, kailangan presentable siyang tingnan. Tamang-tama pagdating niya sa lobby ng hotel ay sinalubong siya ni Anna. “Ready ka na? Parating na si boss,” anito. Tumango lamang siya. Aywan niya bakit siya kinakabahan nang ganoon, samantalang ang nai-imagine niyang mukha ng magiging boss niya ay kulubot na ang balat, namumuti na ang mga buhot at may tungkod na, katulad ng lolo niya. Ano pa nga ba ang dapat niyang asahan? Lahat ng kaibigan ng lolo niya ay mga senior citizen na. Katabi niya si Anna na nakatayo sa tapat ng front office, habang inaantabayanan nila ang pagdating ng boss, na tila hari kung ituring ng mga empleyado. May mga nakaabang pang security at staff ng hotel sa entrance. Doon daw kasi dederetso ang boss bago tutuloy sa mansiyon na dati nilang tirahan. Mamaya’y may humintong Limousine sa tapat. “Ayan na si boss,” bulong sa kanya ni Anna. Todo titig naman siya sa magarang sasakyan kung saan bumukas ang pinto sa driver side. Napatingin siya sa bumabang lalaki, na siguro driver ng boss, pero sobrang guwapo naman ito at mukhang desente para maging driver. Nakasuot ito ng abuhing tuxedo, may clean-cut ang buhok na medyo mahaba ang bangs na nakahabi palikod. He’s tall, around six feet something, hindi kaputian pero obvious na makinis, may katutubong balbas at bigute sa mukha. Mukhang hindi ito pinoy, Spanish o Latino ang hilatsa ng mukha. May bitbit itong maliit na itim na maleta. Wala namang iba pang bumaba mula sa magarang kotse na iyon, sa halip ay may lumapit na security at kinuha ang susi sa lalaki. Ito ang nag-drive ng kotse papuntang garahe. “Buenas noches, Señior!” magalang na bati ng staff sa lalaki na deretso ang hakbang patungo sa front office. Matabang na ngiti lamang ang tugon ng lalaki sa mga empleyado. Nang nasa tapat na nila ito ay biglang yumugod si Anna, maging ang receptionist. “Buenas noches, Señior!” panabay pang bati ng mga ito. Nagtatakang nakamasid lang si Jhen sa pangyayari. Mamaya ay kumislot siya nang pisilin ni Anna ang braso niya. “Bakit hindi ka bumati?” bulong nito sa kanya. “E, sino ba siya?” ‘takang tanong niya na napalakas pa ang boses. Marahas na nahagip sila ng tingin ng lalaki. Tingin pa lang, pamatay na. Para itong kakain ng tao kung makatitig, pero kahit ganoon ito kung makatingin, hindi nabawasan ang kaguwapuhan nito, bagkus ay lalong umangat ang karesma nito. Kumabog ang dibdib niya nang magtama ang mga mata nila. “Siya si boss, si Dr. Leandro Vivanco,” ani Anna, tinutukoy ang lalaki. Natigagal si Jhen Paulit-ulit siyang napalunok. Kumurap-kurap pa siya, baka ika niya’y nagmamalikmata lang siya. Pero hindi, siya ang nagkamali sa first impression niya sa kaibigan ng lolo niya. Hindi ito uugod-ugos na matanda, kundi isang hunk, stunning, and with dominating aura. He his appeal was powerful, parang hari. Bigla na lang nangatal ang mga tuhod ni Jhen. Malayo ito sa imagination niya. And why is this man making her nerves shaking so hard in just a glance? “Ahm, excuse me, Boss, I have someone to introduce to you,” mamaya’y pigil ni Anna sa lalaki nang akmang aalis na ito. Humarap naman sa kanila ang lalaki. Kunot-noong tinitigan siya nito. “And who is she?” masungit nitong tanong. “She’s a new applicant. She was a licensed veterinarian,” ani Mss. Anna. He seriously looked at her from head to foot. “Are you kidding, Anna?” pagkuwan ay  tanong nito kay Anna, tila nang-uuyam. “No, sir,” mabilis na sagot ni Anna. Ganoon na lang ang agarang pag-alab ng bunbunan ni Jhen. May attitude nga itong si Dr. Vivanco. Sinuyod na naman siya ng tingin. “Fine. I can’t talk to her tonight. Report at my office tomorrow night at eight o ‘clock,” pagkuwa’y sabi ng lalaki saka sila tinalikuran. Inakbayan naman siya ni Anna. “Bukas na lang daw ng gabi,” anito. Bumuntong-hininga siya. Sayang ang porma niya. “Okay lang. Bukas ulit,” sabi niya. Bumalik na lamang siya sa inuukupa niyang kuwarto.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD