bc

Sangre 8: Leandro Vivanco; My Love from Hell (Filipino)

book_age18+
548
FOLLOW
1.9K
READ
dark
possessive
contract marriage
age gap
arranged marriage
dominant
kinky
bxg
humorous
first love
like
intro-logo
Blurb

WARNING!

Rated 18

This novel strictly not suitable for minor readers.

Jhen studied veterinary in Spain to proves to her grandfather that she can manage his Zoo and Farm Resort in Cebu. Pero nadismaya niya nang malamang nai-collateral pala ng lolo niya sa kaibigan nitong pinagkautangan ang Zoo.

Nanlumo siya, subalit gagawin niya ang lahat mabawi lamang ang Zoo. Upang makilala ang kaibigan ng lolo niya ay nagtrabaho siya bilang veterinarian sa Zoo. But her first impression was wrong, hindi ugod-ugod na matandang lalaki ang kaibigan ng lolo niya kundi isang hot, young and handsome veterinarian na si Leandro Vivanco.

But again, her impression was wrong, because his appearance was opposite of his attitude. She doesn’t care, her mission is to bring the rights of the zoo back to her. Pero saan siya kukuha ng twenty million na pantutubos sa zoo?

Leandro offer her a marriage deal, so she will have rights and full acc

ess to the zoo. Kakayanin ba niyang tanggapin ang kasunduan gayung sa simula pa lang ay hindi na niya matarok ang ugali ng lalaki?

chap-preview
Free preview
Prologue
Identity: Name:    Leandro Vivanco Age:       420 years old Height:  6’1’ Eyes:      Light Blue Favorite Color: Blue/Black   Special Ability: He can use telekinesis. He can control animals and any endangered species, nature, and elements controlled by nature.       Short Profile: Leandro was one of the dangerous vampires who live in the forest. He can control elements moved. He’s born in Spain but he hides his identity. He cares about animals lives in a wild forest. He was a veterinarian, and he hates humans who tortured animals. Leandro was brave as a Lion. He was known as a ‘Lion Man’, but he was a fierce lover. He became possessive when it comes to a woman he loves.                           Prologue   HINDI tumigil sa pag-iyak ang pitong taong gulang na batang si Jhen, habang pinagmamasdan ang kanyang ama na unti-unting binabalatan ng buhay ng isang pangit na matandang lalaki. Hindi na niya alam kung saan dinala ng mga lalaki ang mama niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata nang marinig niyang sumigaw ang papa niya. Hindi siya makawala sa kamay ng lalaking gumagapos sa kanya. Mga halimaw ang grupong lumusob sa bahay nila. Hindi niya maintindihan bakit ginagawa ng mga walang kaluluwang nilalang ang karahasang iyon sa kanyang pamilya. Mura pa ang kanyang isip upang maunawaan ang nangyayari. Hindi rin niya maipaliwanag ang mga hitsura ng mga lalaking nakikita niya. Mapuputla ang mga ito, mapupula ang mga mata at mayroong mga pangil. Walang tigil ang kanyang pag-iyak dahil sa magkahalong takot at hinagpis. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay napansin niya na hindi na gumagalaw ang kanyang ama, habang nakahilata ito sa ibabaw ng mesang kainan nila. Dumadaloy ang dugo mula sa katawan nito at bumaha sa sahig. Pakiramdam niya’y tumigil sa pagtibok ang kanyang puso, nanginginig siya, natutulala. Bumuka ang kanyang bibig ngunit walang katagang nanulas. Wari nagdilim bigla ang mundo niya nang mahinuha na wala na ang kanyang ama. Nababalot ng sakit at galit ang kanyang kalooban. Iyon ang nagbibigay tapang sa kanya. Nang tumapat sa kanyang bibig ang braso ng lalaking gumagapos sa kanya ay gigil niya itong kinagat. “Ugh!” daing nito sabay bitiw sa kanya. Nang makalaya siya ay sinugod niya ang matandang lalaki na siyang pumatay sa kanyang ama. Gigil niyang kinagat ang kaliwang braso nito. “Aaahh!” sigaw nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kumikinang na malaking singsing na suot ng palasingsingan nito. Hinila niya iyon palabas sa daliri nito, habang hindi niya nilulubayan ng kagat ang braso nito. Iniwaksi siya nito. Tumalsik siya pero nasa kamay na niya ang singsing. Nakatanga lang ang mga alagad nito. “Get her, idiots!” utos ng matanda sa tatlong alalay nito. Nang magsikilos ang tatlong lalaki ay sumuot siya sa ilalim ng lamesa na may bumahang dugo mula sa kanyang ama. Pagkuwan ay gumapang siya palabas. Kinagat niya ang binti ng lalaking humarang sa kanya. “Ugh!” daing nito. Tumalsik siya sa pinto nang iwaksi siya ng paa nito. Mabuti na lang hindi napalakas ang pagwaksi nito kaya kaagad siyang nakabangon at nagkaroon ng pagkakataon na tumakbo. “Get her, dead or alive! She took my ring!” narinig pa niyang sigaw ng matanda. Hindi tumigil sa pagtakbo si Jhen, hanggang sa bumalya siya sa mahahabang biyas ng isang lalaki. Hindi na niya tiningnan ang mukha nito basta bigla na lang niya kinagat ang kaliwang hita nito. Manipis ang suot nitong jogging pants kaya damang-dama niya ang pagbaon ng mga ngipin niya sa balat nito. Diniinan pa niya nang husto ang pagkagat hanggang sa may malasahan siyang dugo. “Ugh! f**k!” sigaw nito, ngunit hindi manlang siya nito magawang sipain, bagkus ay binuhat siya nito at isinama sa pagtakbo palabas ng bahay. Bigla na lang siya nito inihagis sa damuhan sa hardin nila. “Run!” marahas na utos nito sa kanya. Nag-abala pa siyang sumilip sa mga lalaking nagpapalitan ng mga suntok at sipa. Hindi niya alam kung saan sa apat na iyon ang bumuhat sa kanya at naghagis doon sa damuhan. Ginamit na lamang niya ang pagkakataong iyon upang makatakas. Tumakbo siya hanggang sa makalabas siya sa bakuran nila. Malawak na karagatan na ang karugtong ng lupain nila. Subalit pagdating niya sa pampang ng dagat ay saka lamang niya napansin ang dalawang lalaki na sumunod sa kanya. Tumakbo na naman siya, mas mabilis at walang tigil. Mamaya ay inabutan siya ng isang lalaki at kinapitan ang kanang paa niya. Nadapa siya. Pumihit siya paharap at itinatadyak ang isang paa ngunit hindi niya matamaan ang lalaking nakadukwang sa kanya. Mahigpit ang kapit nito sa kaliwang paa niya. Nang hirap na siyang makawala ay dumakot siya ng buhangin at isinaboy sa mukha nito. Napamura ito nang mapuwing. Nabitawan nito ang paa niya. Parating na ang isa pang lalaki. Babangon pa lamang sana siya ngunit naabutan na siya ng isang lalaki. Tinututukan siya nito ng baril sa ulo. “Give me the ring!” utos nito sa kanya. Hindi siya kumikibo. Hinahapong tinitingnan lamang niya ito. Akmang lalapitan siya nito ngunit may kung anong tumama sa noo nito. Bigla itong bumagsak sa lupa. Ang isang kasama nito ay nangangapa pa rin dahil hindi makakita. “Hey! Over here!” narinig niyang sigaw ng isang bata. Paglingon niya sa kanyang likuran ay namataan niya ang batang lalaki na may hawak na munting pana at palaso, na malamang ay iyon ang ginamit nito sa isang lalaki. Hula niya’y nasa sampung taong gulang ito o higit pa. Bago pa man makabangon ang isang lalaki ay tumayo na siya at tumakbo. Nang makalapit na siya sa batang lalaki ay dagli nitong hinawakan ang kanang kamay niya saka sila tumakbo nang mabilis, hanggang sa makarating sila sa kalsada. May iilang sasakyan nang dumaraan pero walang pampasahero. Nang may paparating na kotse ay pinara iyon ng batang lalaki. “We need help! This little girl needs help. Please drop her at the police station,” samo ng batang lalaki sa babaeng driver ng kotse. Tiningnan naman siya ng babae. Duguan ang damit niya at hilam sa luha ang mga mata niya. “Parang awa n’yo na po, tulungan n’yo ako. Pinatay ng masasamang lalaki ang tatay ko,” humihikbing samo rin niya sa babae. “Huwag kang maniwala r’yan, mga pain ‘yan sila ng mga sindikato,” narinig niyang wika ng kasama nitong lalaki, na siyang nagmamaneho ng kotse. Hindi niya masyadong maunawaan ang mga narinig niya, nahihilo na kasi siya. Humagulgol na naman siya. Mamaya ay biglang binuksan ng babae ang pinto saka ito nagmadaling bumaba. Binuksan nito ang pinto sa backseat. “Get in! And you also!” sabi ng babae at idinamay pa ang batang lalaki. “No, I’m staying here,” wika naman ng batang lalaki. Pagkuwa’y iginiya siya ng babae papasok sa sasakyan. Sumunod naman siya. Talima namang sumakay ulit ang babae at pinausad ang sasakyan. Sumilip siya sa salaming bintana. Kinakawayan pa siya ng batang lalaki, habang sila’y papalayo rito. Nang matulin na ang takbo ng sasakyan ay dinukot niya ang singsing sa bulsa ng pajama niya. Masyado itong malaki at walang ni isa sa daliri niya ang magkasya. Kakaiba ang singsing na iyon. Kulay ginto ito at may itim na parang kristal sa tuktok. Nang hipuin niya ang kristal ay kumislot siya nang uminit iyon na tila may taglay na kuryente. “Anong pangalan mo?” Kumislot siya nang tanungin siya ng lalaki, na nakaupo sa unahan niya at nagmamaneho. Mabilis na naibulsa niya ang singsing. “J-Jhen Reala po,” sagot niya. “May iba ka pa bang kamag-anak Dito?” usisa nito. Naalala niya ang lolo niya na nasa Talisay Cebu. “Opo, ang lolo ko po ay nasa Talisay. Antonio De Vega po ang pangalan niya,” aniya. “Okay. Dadalhin ka namin sa police station para sila na ang magdala sa iyo sa lolo mo,” anito. Tumango siya. “Maraming salamat po sa tulong n’yo,” aniya. Nilingon naman siya ng magandang babae. Inabutan siya nito ng isang nakaboteng plastic na tubig. “Uminom ka ng tubig para mahimasmasan ka,” sabi nito. Kinuha naman niya ang bote ng tubig at dagling binuksan. Uhaw na uhaw na talaga siya. Dagli siyang uminom, halos makalahati niya ang laman ng bote. “Umidlip ka muna, mahaba pa ang biyahe natin,” anang lalaki. “Opo, salamat.” Hindi naman siya makatulog. Inihilig niya ang kanyang ulo sa malambot na sandalan ng upuan. Mariin siyang pumikit, inaalala ang masalimoot niyang karanasaan. Tumulo na naman ang kanyang luha. Mamaya ay naisip niya ang batang lalaki na tumulong sa kanya. Dahil sa pagod at takot ay hindi niya masyadong matandaan ang mukha ng batang lalaki. Ni hindi man lang niya nalaman ang pangalan, para sana kapag maganda na ang sitwasyon niya ay mahanap niya ito at mapasalamatan. Pagdating sa police station ay iniwan na siya roon ng butihing babae at lalaki. Doon na niya naramdaman ang matinding pagod at sakit ng katawan. Nang kapain ng mga pulis ang katawan niya ay natagpuan ng mga ito ang singsing. “Huwag po ninyong kunin iyan, akin ‘yan,” samo niya. “Wedding ring ba ito ng tatay mo?” tanong ng isang pulis na lalaki. Hindi niya maintindihan basta tumango lamang siya. Nahihilo na siya sa antok. Pagkuwa’y ibinalik na nito ang singsing sa kanya pagkatapos siyang mabihisan ng malinis na damit. Ipinasok siya ng mga ito sa isang kuwarto na folding bed lang ang higaan. Tinititigan niya ang singsing habang nakahiga siya sa folding bed. Hinubad niya ang kuwintas na suot niya na walang pendanr. Isinuot niya roon ang singsing upang magsilbing pendant. Nang maisuot na niya uli ang kuwintas ay bigla na lang siya ginupo ng antok. Nangingilid ang mga luha niya sa makikinis niyang pisngi hangang inaalala ang sinapit ng kanyang pamilya. Naninikip ang kanyang dibdib. Wala na ang kanyang ama. Hindi niya alam kung nasaan ang mama niya, o kung buhay pa ba iyon. Paano na siya? Hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Nakatulugan na lamang niya ang pag-iyak.   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

OSCAR

read
226.7K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.6K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.4K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook