Chapter 5

1371 Words
Hindi mawala sa isipan ni Amelia ang sinabi ni Maxine. Sa tuwing makakaramdam ng kakaiba o makakaamoy ng isang halimuyak na tanging sa tao o bampira o lobo lamang na iyon maamoy. Ayaw niyang maniwala. Ang lalakeng iyon ang aking mate? Imposible! protesta niya sa kanyang isipan. Hindi sila pwedeng maging magkapareha! Halos matapos na niyang basahin ang libro sa matematika ngunit wala siyang maunawaan. Paulit-ulit kasing pumapasok sa kanyang isipan ang lalakeng lobo. Nag-aalala siya dahil lobo ito. Kung totoong ito ang kanyang kapareha ay mariing tututol ang kanyang tiyo. Napabuntonghininga siya. Ibinaba niya ang libro na kanyang hawak at naglakad malapit sa bintana. Sumabog na ang liwanag sa labas at tirik na rin ang araw. Hindi kagaya ng ibang uri ng mga bampira. Ang mga kagaya niyang Vaz Luna ay kayang maglakad sa ilalim ng araw. Ganoon din ang kanyang tiyo na isang Vaz Hallow. Madalas ay napapaisip siya kung bakit magkaibang uri sila ng kanyang tiyo. Ngunit pilit na lamang niyang isinisiksik sa kanyang isipan na parehas silang nakalalakad sa ilalim ng araw. Kaya sa tingin niya ay magkadugo sila. Mula pa lang noong magkaroon siya ng isip ay ito na ang kanyang nakagisnan at ang kanyang Nana Maxine. Noong una ay ang akala niya ang dalawa ang totoo niyang magulang. Ngunit habang siya ay nag-aaral ay may nakita siyang dalawang larawan ng isang babae at lalake. Sinubukan niyang itanong iyon kay Maxine ngunit wala siyang nakuhang sagot. Noong ang kanyang tiyo naman ang tinanong niya ay nagalit ito. “Ngunit paanong siya ang naging kapareha ko?” tanong niya sa sarili. Kasalukuyang wala ang kanyang nana Maxine kaya Malaya siyang nakakapag-isip. Ang mga lobo, mga taong kayang magpalit ng anyo. Hindi nalalayo sa kanya ang mga ito dahil nagagawa niya ring maging lobo. Ang kaibahan niya lang ay isa rin siyang bampira. Ang sabi ng kanyang nana Maxine ay kakaunti lamang sila na ganoon. Isang matinding kalaban ang mga lobo ng lahi ng mga bampira, kaya malaking karumihan kung magkakaroon ka ng dugo ng mga iyon. Pero mariing sinasabi ng kanyang nana na dapat pantay-pantay lamang ang tingin niya sa kahit na ano’ng uri. Mapabampira man ito o normal na tao, o kaya naman ay isang lobo. Napagdesisyonan niyang bumaba na lamang ng kanilang bahay at magpunta sa kakahuyan. Hindi pa man siya nakalalabas ng mansyon ay agad na siyang sinalubong ni Leo, ang kunehong kanyang palaging nakakasama. “Leo! Magandang tanghali!” bati niya rito. Agad naman itong humuni bilang tugon. Hinaplos niya si Leo at lumabas na. Noong makarating siya sa bakuran ay huhubarin na sana niya ang kanyang suot na bestida noong makaramdam niya ng isang presensya. Napasinghot si Amelia at lumingon sa paligid. Kumunot na ang kanyang noo. Hindi iyon ang kanyang nana Maxine. Hindi niya pinansin ang paghuni ng kanyang kuneho na wari ba ay binabalaan siya. Naglakad siya mahabang daan papunta sa kanilang gate. Ngunit hindi pa man siya nangangalahat ay nakarinig siya ng pagkaputol ng mga sanga at pagkadurog ng mga natuyong dahol mula sa ‘di kalayuan. Muling sininghot ni Amelia ang hangin. Pinatalas na rin niya ang kanyang mga tingin. Lalong tumalas ang kanyang pakiramdam. Halos magtayuan lahat ng balahibo niya sa katawan noong maamoy niya ang pamilyar na amoy ng mga lobo. Agad na tumalas ang kanyang mga pangil. Lumingon siya sa kaliwa at humalo sa mabilis na pag-ihip ng hangin. Kung titingnan siya sa ginagawa niyang pagtakbo ay hindi na makikita ang katawan ni Amelia dahil nagmistula siyang hangin sa kanyang bilis. Noong makarating siya sa loob ng gubat ay tumigil siya. Humaba na ang kanyang mga kuko sa daliri at naging lila na ang kulay ng kanyang mga mata. Naningkit ang kanyang mga mata noong tila lumaki sa kanyang paningin ang pagtakbo ng isang lalake mula sa unahan niya. Napakalayo na niya rito ngunit malinaw pa ring nakikita ni Amelia. Humaba na ang kanyang pangil at muli siyang tumakbo. Ilang sandali pa ay unti-unti na niya itong na aabutan. Napakunot ang kanyang noo at unti-unting gumalaw. Pakiramdam niya kasi ay pinapasunod lamang siya nito. Noong lumingon siya sa kanyang likuran ay nakalayo na siya sa mansyon. Mas malayo pa iyon sa may talon na palagi niyang pinupuntahan. Pagtingin niya sa kanyang harapan ay nanlaki ang mga mata niya noong na sa harapan na niya ito. Agad siyang umungol na parang lobo at umatras. Inunday niya agad dito ang kanyang matatalas na kuko ngunit hinawakan lang nito ang kanyang palapulsuhan. Isusugod din niya sana ang isa niyang kamay ngunit hinawakan lang nito iyon. “Bitawan mo ako!” sigaw ni Amelia. Nagpumiglas siya ngunit noong mapatitig siya sa mga mata nito ay natigilan niya. Para siyang na hipnotismo sa mga titig nito. Walang ekspresyon iyon at para bang binabasa ang buo niyang pagkatao mula sa kanyang mga mata. Muli niyang na amoy ang kakaibang amoy mula rito. Nagwala na rin ang kanyang puso. Napalunok siya at umatras ng isang hakbang. “B-Bitawan mo ako,” nanghihinang sabi niya. Unti-unting bumalik ang kulay ng kanyang mga mata sa itim at nawala ang matatalas niyang mga kuko. Gayon din ang kanyang mga pangil. Para siyang naging maamong lobo sa presensya nito. Lalong nagwala ang kanyang puso noong lumitaw ang pantay-pantay at mapuputing ngipin nito. Umaliwalas na rin ang ekspresyon ng mukha nito. Pero hindi pa rin nawawala ang higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang palapulsuhan. “Wala akong balak na saktan ka, Amelia,” anito. Halos manginig ang buong katawan ni Amelia noong sambitin nito ang kanyang pangalan. Nanunuot sa kanyang kalamnan ang malalim na boses nito. Ano’ng nangyayari sa akin? Lalong napangiti ang lalake. “Nararamdaman mo rin ba?” Nangunot ang noo ni Amelia. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanang kamay niya. Pagkatapos ay iginiya nito ang kanyang kamay sa dibdib nito. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata noong maramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Awtomatikong naging malakas sa kanyang pandinig ang malakas na pagkabog niyon. Mabilis niyang tinanggal ang kanyang kamay na para bang napaso siya. Ngunit hindi pa rin iyon binitawan ng lalake. “Ano ba?!” pagalit na sabi ni Amelia. “Bitawan mo ako!” “Bibitawan kita. Pero hindi mo na ako susugurin.” Napataas ang kilay ni Amelia. Nag-iwas siya ng tingin dito. Hindi niya alam kung bakit hindi niya matagalan ang mga titig ng manilaw-nilaw nitong mga mata na halos magkulay ginto na. Hindi tama ito. Bakit nagkakaganito ako? “O-Oo na,” ani Amelia. Napangiti si Vhal. Unti-unti niyang binitawan ang mga kamay ng dalaga. “Ako si Vhal. Vhal Gerald,” pagpapakilala niya rito. Sandali itong tinapunan ni Amelia ng tingin. Tumango lamang siya at tumalikod na rito. Hindi siya pwedeng makipag-ugnayan pa rito. “Sandali!” Hinawakan ni Vhal ang braso ni Amelia kaya napatigil ito sa paglalakad. Mabilis itong lumingon sa kanya at pinandilatan. “Umalis ka na rito. Hindi ka pwede rito.” Pilit na tinanggal ni Amelia ang pagkakahawak nito sa kanya. Ngunit hinigpitan lang ni Vhal ang hawak nito sa kanya. “Bitawan mo ako,” aniya na may himig ng pagbabanta. “Gusto ko lang naman makipagkilala sa ‘yo.” Hinatak nang malakas ni Amelia ang kanyang kamay. Kaya wala itong nagawa kundi bitawan siya. “Umalis ka na.” “Alam kong nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko, Amelia.” “Paano mo ba nalaman ang pangalan ko? Espiya ka ba?” Mabilis na umiling si Vhal. “Hindi.” “Ano’ng ginagawa mo rito? Pribado ang lugar na ito kaya imposibleng may ibang makapunta rito.” Napabuntonghininga si Vhal. “Alam ko. Pero malinis ang intensyon ko sa ‘yo, Amelia.” “Itigil mo nga ang pagtawag sa pangalan ko!” Napangisi si Vhal. “Bakit?” Humakbang pa siya papalapit dito kaya napaatras na ito. “Alam ko na parehas tayo ng nararamdaman, Amelia. Alam kong alam mo na rin kung ano ako sa ‘yo. Hindi ba ako pwedeng makipaglapit sa aking kapareha?” Nanlaki ang mga mata ni Amelia. Kumibot-kibot ang kanyang labi. Gusto niyang tanggihan ang sinabi nito ngunit parang na putol na ang kanyang dila at nawalan ng boses. “Amelia Cortez, I claim you as my mate.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD