Chapter 4

1591 Words
“Isa pa.” Napangiwi si Amelia noong marinig niya ang utos ni Maxine. Kanina pa siya nagsusubok na tamaan ito ng hawak niyang arnis, ngunit hindi niya iyon magawa. Nakasimangot na tumayo siya at hinarap muli si Maxine. Mula kasi noong magising siya ay hindi mawala sa kanyang isipan ang lalakeng lobo na kanyang nakita sa kakahuyan. Kaya kahit anong gawin niyang pagpokus ay hindi niya magawa. Tuwing umaga, bago sila mag-almusal ng kanyang nana ay nag-eensayo na sila. Kahit na hindi pa niya gustong tumayo mula sa kanyang higaan ay wala siyang magawa dahil hindi siya titigilan ng kanyang nana. Tumaas ang kilay ni Maxine. “Sumusuko ka na ba, Amelia?” tanong niya sa alaga. Walang ganang umiling si Amelia. “Hindi po– Ahh!” Napahiyaw siya nang malakas noong biglang hinampas ng arnis ni Maxine ang kanyang braso. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ito. Magsasalita pa sana siya ng kanyang reklamo ngunit muli siya nitong inundayan ng hampas. “Nana!” sigaw niya habang umaatras at iniiwasan ang mga hampas nito. Nasundan pa kasi iyon ng mga palo. Panay naman ang pag-iwas niya habang sinasalag iyon ng arnis. “Nana!” tawag niya muli rito. Ngunit para pa rin itong walang naririnig. Hanggang sa muli siyang bumagsak dahil siya ay natapatid ng bato. Hindi niya alam kung ano ang kanyang hahawakan. Kung ang pwet-an ba niya na nanakit dahil sa kanyang pagbagsak, o ang kanyang mga braso at kamay na tinamaan ng palo ng kanyang Nana. Hindi naman iyon problema dahil mabilis lang mawawala ang mga sakit niyon. Dahil sa likas na mabilis siyang gumaling. Ang mga kagaya niyang mayroong dugong bampira ay madali lamang gumaling ang mga sugat. Hindi lang niya maiwasang hindi indahin iyon. “Ano ba ang nangyayari sa ‘yo, Amelia?” puno ng pagtatakang tanong ni Maxine sa kanyang alaga. Pasikat pa lang ang araw ay nag-eensayo na silang dalawa. Hindi naman mukhang antok si Amelia, ngunit kanina pa niya napapansin na hindi ito hindi makapagpokus sa kanilang ensayo. Madalas ay nasasabayan na naman siya nito. Kanina pa rin niya sinusubukan na basahin ang iniisip nito. Ngunit maging iyon ay magulo. “May problema ka ba?” Lumabi si Amelia. Binitawan niya arnis at hinayaan iyong mahulog sa Bermuda. Saka niya pinagpagan ang pang-upo at nakasimangot na tumingin kay Maxine. “Wala po.” Lalong nangunot ang noo ni Maxine. “Baka nakakalimutan mo na ako ang nagpalaki sa ‘yo, Amelia? Mula noong sanggol ka pa lang ay ako na ang nag-aalaga sa ‘yo.” Nag-iwas ng tingin si Amelia sa kanyang Nana. Kinagat niya ang likod ng kanyang labi at bumuntonghininga. Tama ito, wala siyang maitatago sa kanyang nana. “Nana, ano ang ibig sabihin kapag may maramdaman kang kakaiba sa isang tao–Ah, mali. Sa kagaya natin?” nag-aalangang tanong niya. Natigilan si Maxine. Sinuri niya ang mukha ni Amelia. “Ano ang ibig mong sabihin?” balik-tanong niya. Bagamat na uunawaan niya ang ibig sabihin nito dahil naramdaman na rin niya iyon. Ngunit gusto lang niya makasiguro dahil para sa kanya ay imposible na makakita ng kapareha si Amelia. Hindi ito nakakalabas sa kanila. Natigilan si Amelia. Hindi pwedeng malaman ni Maxine na may nakita siyang lobo kanina. Sigurado siyang pagbabawalan siya nitong pumunta sa gubat, at hindi niya iyon gustong mangyari. Hindi pwedeng malamang ni Nana. Ano ang hindi ko pwedeng malamang? tugon ni Maxine sa kanyang isipan. Nanlaki ang mga mata ni Amelia. Nakalimutan niya na namang nababasa nga pala nito ang kanyang isipan kagaya ng kanyang tiyo. Mabilis siyang umiling. “W-Wala po, Nana.” “Amelia. H’wag mo sabihing lumayo ka pa sa gubat?” tanong ni Maxine na may himig ng pagbabanta. “H-Hindi po, Nana! Hindi ako lumalayo kagaya ng bilin mo,” mariing tanggi ni Amelia. Pinagkrus ni Maxine ang kanyang mga braso at pinaka titigan pa ang alaga. Sanggol pa lamang ito ay siya na ang nag-aalaga rito. Kilalang-kilala na niya ito mula ulo hanggang sa paa nito. Alam niya kapag ito ay nagsisinungaling. At sa tingin niya ngayon ay nagsasabi ito ng totoo. Pero mayroon itong tinatago. “Ano ang hindi ko dapat malaman?” “Ahm… I-Ihahanda ko lang po ang almusal natin,” pag-iiba ni Amelia sa usapan nila. Mabilis niyang kinuha ang kanyang arnis at patakbong pumasok ng mansion. Hindi na nakapagsalita pa si Maxine at napailing na lamang. Mabait na bata si Amelia. Masunurin din ito. Ngunit nag-aalala siya dahil ito ay ganap ng isang dalaga. Na sa edad na rin ito na makikita na nito ang magiging kapareha nito sa buhay. Hindi niya alam kung hanggang kailan ito susunod sa kanila ni Stavros. Nakahinga ng maluwag si Amelia nang makarating siya sa kusina. Muntik na siyang mabuko ng kanyang Nana. Halos araw-araw na lamang niyang naririnig iyon sa kanyang tiyo kaya hindi iyon pwedeng malaman ni Maxine. Lumapit na siya sa refrigerator at binuksan iyon. Dahil wala silang mga serbedora ay silang dalawa lang ng kanyang nana ang magkatulong na gumagawa ng gawaing bahay sa mansion. Noong tumuntong siya ng edad na kinse ay tinuruan na siyang magluto ni Maxine. Hindi naman mahirap dahil isang piraso lang ng karne ang palagi nilang kinakain. At tuwing umaga lang sila kumakain niyon. Ang mga kagaya nilang kalahating lobo at kalahating bampira ay hindi gutumin. H’wag lang sila makakakita ng dugo. Na aalala pa niya noong una siyang makaamoy ng dugo na hindi galing sa inihain ni Maxine. Nawala siya sa sarili, at noong bumalik siya sa ulirat ay wala ng buhay ang usa. Labis siyang na lungkot noon dahil ibig lang sana niya itong tulungan. Kaya mariin siyang pinagbabawalan ni Maxine na lumabas ng mansion nila at makihalubilo sa iba, lalo na sa mga tao. Isang beses lang siya nakalabas papunta sa bayan, at hindi na iyon na ulit pa. Kumuha na siya ng dalawang pirasong karne. Baboy ramo iyon na siya pa ang humuli noong nakaraang araw. Ang isang na sa tamang edad na na baboy ramo ay umaabot sa kanila ng isang buwan. Dalawa lang naman sila ng kanyang nana ang kumakain niyon. Mayroon din silang dugo na nakaimbak na. Iyon ang palagi nila iniinom. Bilang isang bampira ay hindi nila mapigilan ang pagkatakam sa dugo. Hindi na alam ni Amelia kung saan iyon nanggagaling dahil ang kanyang nana naman ang nakuha niyon. Kumuha siya ng kawali at binuksan ang kalan. Hinawi niya ang iilang buhok na tumatabing sa kanyang mukha at isinabit iyon sa likod ng kanyang tainga. Noong mag-init na ang kalan ay inilagay na niya ang isang piraso ng pabilog na karne roon. Hindi pa man nakakaisang minuto ay binaliktad na niya iyon. Hindi niya rin iyon pinaabot ng isang minuto ay hinango niya na iyon. Isinalin niya sa pabilog na plato at inilapag muna sa lamesa. Isinunod niya ang isa. Pagkatapos niyang lutuin ang mga karne ay kumuha naman siya ng dalawang bag ng dugo sa ref. Napapapikit pa siya habang inaamoy ang dugo. Malansa iyon, ngunit sa tuwing umiinom siya ay para iyong matamis na prutas na nilagyan ng sili. Inilagay na niya ang mga pagkain nila sa mahabang lamesa sa kabilang kwarto. Magkatapat ang pwesto nila ni Maxine sa lamesa. Sa kanan ay si Maxine, at sa kaliwa naman ay siya. Walang pumu-pwesto sa kanila sa gitna dahil para iyon sa kanyang tiyo. Kahit na minsan lang ito bumisita sa kanila ay nirerespeto pa rin nila ang lugar nito. Patapos na sa paghahanda si Amelia noong marinig niya ang mga yabag ng kanyang tiya. Paglingon niya sa kanyang likuran ay nakita niya itong papasok sa loob ng silid na kanilang kainin. Hindi pa rin ito nagbibihis kagaya niya. Sa tanang buhay ni Amelia ay isang kasuotan lamang ay nakita niya sa kanyang nana Maxine. Itim na blusa at hapit na hapit na salawal. Matingkad din ang pagkaitim niyon, at ang alam niya ay gawa iyon sa balat ng hayop. Matanda na si Maxine, pero kung titingnan ito ay mukha lang silang magkapatid ni Amelia. Pero bawat galaw ni Maxine ay makakakitaan mo ng pagiging sopistikada. Hindi kagaya ni Amelia na may pagkamahiyain. Maganda rin naman si Amelia, mahaba ang kanyang buhok na may bahagyang pagkakulot. Mapupungay ang kanyang mga mata natural na kulay itim. Ang kanyang labi ay pulang pula, ni hindi na nga niyon kaylangan pa ng lipstick. Sa unang tingin ay para siyang hindi makabasag pinggang. Ngunit kapag nakahawak na siya ng armas ay nagbabago ito bigla. Ngumiti si Amelia kay Maxine. Pinilit niyang kalimutan ang naging usapan nila kanina at pinasigla ang sarili. “Maupo na ho kayo, Nana. Maghuhugas lang po ako ng mga kamay,” ani Amelia. Tumango si Maxine at nagtuloy-tuloy sa pwesto nito. Mabilis namang tumalima si Amelia at naghugas ng kamay. Sa sobrang pagkatensyon niya kanina ay hindi na siya nakapaghugas ng kamay bago magluto. Pagkatapos niya ay muli siyang bumalik sa kanilang silid kainan. Na abutan niyang nag-uumpisa nang maghiwa ng karne si Maxine. Tahimik siyang umupo sa kaharap nito at nag-umpisa na ring kumain. “Nahanap mo na ang iyong kapareha.” Natigil sa paghiwa ng karne si Amelia noong biglang magsalita si Maxine. Patuloy pa rin ito sa pagkain at nakatuon lamang ang tingin sa plato. “Ano po?” “Iyong tinatanong mo kanina. Ang ibig sabihin no’n ay nakita mo na ang iyong kapareha.” Na iawang ni Amelia ang kanyang bibig. Napalunok siya at hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Ibig sabihin ay ang lalakeng lobo kanina ay ang kanyang kapareha?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD