Halos mapunit ang mukha ko sa sobrang pagkakangiti. Ilang linggo ang matulin na lumipas at habang magkasama kami ni Cedrick sa mga panahong iyon ay ramdam kong mas naging malapit kami sa isa’t-isa. I felt him gradually giving in. Kung susumahin, napakalaking pagbabago na talaga ang nangyari mula noong unang beses na nagkaharap kami. Naramdaman ko ang matitipunong braso na pumalibot sa akin. Lalong lumapad ang ngiti ko. I felt him sniffing my neck once again. It has been his habit. Hindi lumilipas ang isang araw na ginagawa niya ito sa tuwing naririto kami sa kusina. He will wait for me to finish cooking in his usual seat or spot. Makikipag-usap siya sa akin tungkol sa mga kung ano-anong bagay at kapag naubusan na kami ng pag-uusapan sa oras na iyon ay saka naman ito lalapit

