bc

Blinded

book_age16+
3.3K
FOLLOW
21.5K
READ
second chance
aloof
brave
comedy
twisted
bxg
mystery
disappearance
enimies to lovers
secrets
like
intro-logo
Blurb

Kilala bilang isa sa pinakamahusay na agent ng Olivion si Aira Valdez. Every mission she takes is a huge success. Mainit ang mata sa kanya ng mga tao lalo na ng mga naglalakihang businessmen sa underground world na ninakawan nito. After her one-week break, she was given another mission related to Cedrick Mercado, a blind man residing in a huge mansion alone at the center of a high-profiled village. Kailangan niyang mahanap ang nakatagong vault doon at nakawin ang lahat ng pera ng lalaki. Magagawa niya kaya ang kanyang misyon kung unti-unti na silang nagkakalapit nito?

Can our heart really go beyond what the eyes can see? Can you love someone who can’t even see the realness in you? Are you willing to take the risk on a person you just met without knowing everything about him? Will you let your heart speak for yourself and let your eyes be blinded of the truth?

****

This is one of the books from the Imperfect Men Series.

Second book: Crippled

Third book: Silenced

chap-preview
Free preview
Simula
“What the hell, Aira!? Gaano ka na ba katagal diyan? I thought you’re the most efficient agent of Olivion?” Narinig ko ang galit na tinig ni Sir Tristan. Napatingala ako at napahinga ng malalim. Mula sa terrace ay sinilip ko si Cedrick na mahimbing na natutulog sa kanyang kama. I closed the sliding door to prevent him from waking up. Bumalot sa akin ang matinding konsensya. “Sir, give me more time…” Marahas siyang bumuga ng hangin at kahit hindi ko siya kaharap ay alam kong nanggigigil na ito ngayon sa akin. “Ilang oras pa ba ang gusto mong ibigay ko sayo? I already gave you six months! I expected you to find that damn vault only for a month. Then now you’re asking me to give you more time?!” Napapikit ako at hindi nakasagot. “One more week, Aira. Kapag hindi mo pa rin nakuha ang laman ng vault na iyon ay pasensyahan na lang tayo. Expect Mr. Amor’s men to haunt you down. Olivion won’t give you the support because you failed to do your job.” Napatanga ako nang binabaan niya ako ng tawag. Naluluha akong tumingin kay Cedrick. Parang pinupunit ang puso ko habang pinagmamasdan siyang natutulog. He had a smile on his face and I can’t believe that I’ll be removing that soon. Bumalik ako sa higaan at sumiksik sa kanya. I heard him moaned as he embraced me with his warm arms. I felt his soft lips on my forehead and from there, I realized how much I love him. Alam kong mayaman siya at kaya niyang kumuha ng tao na kayang protektahan ang buhay niya pero malaking disadvantage ang kawalan nito ng paningin. He wouldn’t know if the men he hired is not really his enemy. I wouldn’t be there to look out for him anymore. I can’t risk him. Kung kapalit ng buhay niya ang hindi ko pagkuha ng kayamanan niya ay hindi ko alam kung kakayanin ko bang hindi gawin ang plano ko. Alam kong kaya niyang makabangon ulit. Kahit na magtanim siya sa akin ng matinding galit, it would be fine as long as I keep him safe. Hindi ko alam kung nakatulog ba ako ng maayos sa gabing iyon. I wanted to spend my last week here with him. Gusto ko, kahit papaano ay maging masaya ako bago ko isagawa ang plano ko. Maaga akong gumising kinabukasan para maipaghanda siya ng almusal. Gusto ko siyang pagsilbihan hindi lang dahil nakilala niya ako bilang katulong kundi dahil bukal ito sa loob ko. I am doing this with a happy heart covered with extreme fear and doubt about our life together. Nakarinig ako ng yabag ng mga paa mula sa hagdan. Agad kong nilapag ang pinggan sa lamesa at dali-daling nagtungo palapit sa kanya upang maalalayan siya pababa. He automatically smiled as I held his waist to guide him. Naamoy ko ang pamilyar niyang bango at nakakamangha na kahit kagigising lang niya ay ganito na kaagad ang amoy niya. Ang mahabang cane nito ay tumatama sa bawat baitang ng hagdan sa aming harapan sa bawat pag-usad namin pababa. Naramdaman ko ang pagpalibot ng kanyang braso sa aking bewang. Nang makarating kami sa baba ay tumigil siya sa paglakad. I looked at him curiously. Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa malayo ngunit bakas doon ang matinding kaligayahan. Buhay na buhay ito ngayon, malayo sa itsura noong unang dumating ako sa bahay, noong unang pumasok ako sa buhay niya. He pulled me in a hug. Siniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg at naramdaman ko ang pagdikit ng kanyang malalambot na labi doon. I sighed as I felt my heart beating faster. Kasabay niyon ay ang tila mahihinang kurot at hapdi na nararamdaman ko dito sa loob ko. His hug tightened. Unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng aking mga mata bago ko gantihan ang kanyang yakap sa akin. “Thank you so much for coming into my life, Aira.” Napakalambing ng kanyang boses. Kinagat ko ang aking labi saka tumango sa kanya. I can’t bear to talk back because I’m sure it would be shaky and wavered. “You don’t know how much you changed me. You bring out the best of me. I can’t wait to see your beautiful face.” Bahagya siyang lumayo sa akin. Nagkaharap ang aming mukha. Kinapa niya ang aking pisngi. I held his hand to guide him. Hindi eksaktong nakatama ang kanyang mga mata sa akin. Kahit na ganoon ay kitang-kita ko ang pagmamahal at ang iba pang emosyon na hindi ko mapangalanan sa kanyang mata. Hindi ko na napigilan ang pagtakas ng isang luha sa aking mata. Agad kong pinunasan iyon ngunit nanatiling naluluha ang aking mata. Lubos kong pinagpapasalamat na hindi niya nakikita ang sakit sa aking mukha ngayon. “I am so inlove with you, Aira.” Parang pinipiga ang puso ko. Bumuhos ang mga luha sa aking mukha at naramdaman niya iyon. He chuckled a little bit. “Why are you crying?” Masuyo niyang sabi habang sinisikap na punasan ang mga luhang patuloy sa pag-agos. “Puro ka nanaman kasi english diyan, hindi ko na naiintindihan…” Maloko kong sabi dito. Nagpakawala siya ng malalakas na halakhak saka mahinang kinurot ang aking pisngi. “You also didn’t fail to make me laugh. Huwag ka ng umiyak, okay?” Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. “Wala, sobrang saya ko lang kasi. Hindi ko lang inaasahan na aabot tayo sa ganito, parang dati lang kasi sa tabi ni Candy mo ako pinapatulog.” Pabiro kong sabi dito. He laughed and shook his head. “Well, because you’re different. Akala ko kasi katulad ka ng ibang tao na may mga hidden agenda sa akin kaya nagpupunta dito. You proved me wrong, Aira.” Napalunok ako sa sinabi niya at agad na naghari sa akin ang matinding konsensya. Iniisip niyang iba ako sa lahat ng nagtangka sa kanya, hindi niya alam na isa ako sa kanila. I will betray him and break his trust. Hinatak ko siya para sa isang malalim na halik. Hindi ko kayang maramdaman ang unti-unting paglamon sa akin ng konsensya ko. Kapag hindi ko napigilan ay baka bigla na lang akong umiyak sa harapan niya at umamin sa lahat ng plano ko. I very well know that I can’t do that. Mabuti sana kung ang buhay ko lang ang mapapahamak. His life is also at stake here and I can’t risk that. We were very happy while eating our breakfast for that day. Ang dami niyang naikwento sa akin tungkol sa personal niyang buhay. Ang tanging nagagawa ko lang ay makinig sa kanya. This is something new for us. Kadalasan ay ako ang madaldal sa aming dalawa. Siya ang tahimik at madalas na hindi palakwento. Alam kong nakakahalata siya kung bakit hindi ako gaanong nagsasalita ngayon ngunit hindi niya isinatinig iyon. Naghuhugas na ako ng pinggan nang maramdaman ang kanyang mga bisig sa akin. He is hugging me from behind. He inhaled my scent and urged me to continue whatever I’m doing while he is resting his face on my shoulders. Napangiti ako. Malaki na talaga ang nagbago sa pagitan naming dalawa and it took me almost three months just for him to let me in his life. The first months are like living in hell. Sobrang malupit siya sa akin. Ilang beses akong nasugatan at nasaktan, if it wouldn’t for the mission ay baka noong unang linggo ko pa lang dito ay ako na ang tumapos ng buhay niya. Nagtiis ako sa pagmamalupit niya sa akin. Kahit madalas ay hindi na makatao ang lahat ng pinapagawa niya sa akin ay talagang sinunod ko. Pinigilan kong kalabitin ang gatilyo ng baril ko sa utak niya para sa misyon ko. Sir Tristan and the whole staff of Olivion wanted him alive even after my mission with him. They did not even disclose his background information to me. Basta ang alam ko lang ay siya si Cedrick Mercado, a blind man who lives alone in this big mansion with a safe vault where his bank accounts are hidden. Akala ko noong una ay normal lang siyang businessman na nanakawan ng aming agency ngunit nang manatili ako dito, unti-unti kong na-realize na may kakaiba sa kanya at hindi siya basta-basta. I still can’t figure it out but it won’t matter anymore. Ang kailangan ko lang ay ang lahat ng pera niya sa vault na iyon and then we will be safe. I will be safe from the Olivion’s threat and Mr. Amor’s men. He will be safe from Sir Tristan’s wrath. “Something is strange. May problema ka ba, Aira?” Malumanay niyang sabi habang nananatili siya sa kanyang pwesto sa likod ko. Hindi ko alam pero napakakumportable niya sa likod ko. Gustong-gusto ko ang pakiramdam sa tuwing malapit siya sa akin. If I could only wish for this to stay forever, but I know that it won’t happen. He will loathe me. He will wish to not meet me at all. “Cedrick, wala. Pagod lang siguro ako...” Nanigas siya sa likod ko. Agad akong bumaling sa kanya. “Aren’t you pregnant?” Napanganga ako sa sinabi niya. Agad ko siyang hinampas. Nagkaroon ng agam-agam sa akin ngunit nang maalala ko ang katatapos lang na menstruation last week ay napanatag ako. Not that I don’t want to carry his child. Kung nasa tamang oras at panahon lang sana, magiging masaya iyon para sa amin. Ngunit iba ang sitwasyon namin ngayon. Carrying his baby would be a problem not just for me, but to the entire agency. “Kakatapos lang kaya ng menstruation ko.” Hindi nakaligtas sa akin ang pagbagsak ng balikat niya. Parang kinukurot ang puso ko nang makita ang lungkot sa kanyang mukha. “Really? I thought I already made it. Kunsabagay, we can just do it again and again.” Nag-init ang aking mukha at kinurot ko siya sa tagiliran. Ipinagpatuloy ko ang paghuhugas habang siya ay nanatili sa aking likuran, mahigpit na nakayakap sa aking bewang. Nang matapos iyon ay nagpasya kaming magtungo sa sala. Doon ay nagkwentuhan kaming dalawa tungkol sa mga bagay-bagay. Masarap kausap si Cedrick. He is a man full of wisdom and he has a deep sense of understanding to every topic we’re conversing. Sobrang dami kong natututunan sa kanya sa tuwing nagkakausap kaming dalawa. Pakiramdam ko nga ay marami pa siyang tinatago sa akin. Alam kong nagkakalapit na kaming dalawa ngunit naroon pa rin ang kahiwagaan sa kanya na naramdaman ko noong unang beses ko siyang nakita. He looked mysterious and full of secrets. Gusto ko mang malaman ang lahat sa kanya ngunit para saan pa? Hindi na rin naman ako magtatagal. Dadating din naman ang araw na kakamuhian niya ako ng sobra.  At first, I tried so hard to not invest my feelings on him. Alam kong walang mangyayari sa akin at magiging balakid lang iyon sa mga plano ko at ng Olivion but as time passed by, nakilala ko si Cedrick. I got a glimpse of him and his life. Nakita ko ang tinatago nitong lungkot at sakit sa kabila ng pagiging malupit niya sa akin. I knew he is going through something and that he needed me to take all of his axiety, doubt and worry. Ang plano ko lang naman sana ay siya lang ang mapamahal sa akin para mapagkatiwalaan niya ako ng maayos. Kailangan kong mahanap kung nasaan ang vault niya at sa oras na nalaman ko na kung paano mabubuksan iyon ay lalayasan ko na lang siya bigla ng walang pasabi. Just like what I did with my other missions. Hindi ko inaakalang mababaliktad na ang mangyayari. “I have something to show you.” Hinawakan niya ang aking kamay saka kami tumayo at naglakad paakyat sa kanyang kwarto. Inalalayan ko siya paakyat para hindi siya mahirapan kahit pa halos kabisado naman niya ang pasikot-sikot ng bahay. Nagtungo siya sa higaan. Lumingon siya sa malapit sa direksyon ko at tinapik ang espasyo ng higaan sa tabi niya. Naupo ako doon at tinitigan siya. Ramdam ko ang lakas ng t***k ng aking puso. May palagay na ako kung ano ang gusto niyang ipakita sa akin. Mas bumilis ang t***k ng puso ko nang kapkapin niya ang headboard ng higaan. Tinanggal niya ang nakaharang na maliit na kutson doon. Bumungad sa akin ang kulay gray na pintura ng pader. Napakagat ako ng labi nang may kinapkap siyang ulit dito. Madiin niyang inusog ang maliit na bakal na nakadikit sa pader. Dahil iisa ang kulay ng pader at ng maliit na sliding na bakal doon ay hindi talaga mahahalata. Nang tuluyan niyang mausog iyon ay tumambad sa akin ang kulay itim na vault. Kasing laki iyon ng mismong headboard ng kama. Dumako ang tingin ko sa kanyang kamay na siyang ginamit niyang pangbukas nang itapat niya iyon sa sensor ng vault. Ilang segundo lamang ang lumipas nang kusa iyong bumukas. Doon ay nakita ko ang mga bankbooks niya na maayos na nakasalansan sa gilid. Mayroon ding ilang maliliit na ginto doon at mga nagkikislapang bato na tulad ng diamonds. Sa tabi niyon ay ang mga cash na nakatali at nakahilera sa buong lapag ng vault at sa dingding naman nito ay ang iba’t-ibang klase ng baril. Mayroong mga piston at riffles. Nanginginig ang aking katawan habang pinagmamasdan iyon. Nasa harapan ko na ang matagal kong hinahanap. Sa wakas ay nagkaroon din ako ng mas maayos na view ng laman nito. Kaya naman pala napakaraming nagtatangka sa kanya. Hindi biro ang kayamanang itinatago niya roon. Cedrick faced my direction once again. Malayo ang tingin niya sa akin saka siya ngumiti. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay. “All of these are now yours too, Aira. This is my way of informing you that I’m giving you now my full trust. Alam ko at nakasisiguro ako na wala kang gagawing masama. If you needed anything, you can just talk to me and I’m willing to give you everything.” Parang may malaking bara sa lalamunan ko habang sinasabi niya iyon. He trusted me so much. Walang alinlangan niyang pinakita sa akin ang vault. Lalong umusbong ang matinding kaba at takot sa buo kong pagkatao. Para akong binabalatan ng aking konsensya dahil sa balak kong isagawa sa lalaking ito na lubos na nagtitiwala at nagmamahal sa akin. I hugged him tight and cried on his shoulders. Hinagod niya ang aking likuran. Sa palagay ko ay naiisip niya siguro na umiiyak ako sa labis na kasiyahan. Hindi niya alam na umiiyak ako para sa kasalanang gagawin ko sa kanya. Nagpaalam ako kay Cedrick na kinabukasan ay bibili ako ng stocks para sa bahay. Binigyan niya ako ng pera at hinayaan akong makaalis. Nang makalabas ng gate ay agad kong sinuot ang aking itim na cap. Naglagay rin ako ng facemask sa aking mukha dahil mahirap na. Alam kong maraming mga mata ang naghahanap sa akin ngayon. Lalo pa at binantaan na ako ni Sir Tristan at ng buong Olivion na isusuplong nila ako mismo sa mga tauhan ni Mr. Amor. Alerto ako habang naglalakad patungo sa pinakamalapit na pamilihan. Madalas akong nagmamasid sa paligid at tinitignan kung may mga nakabantay bang tauhan. Nakahinga ako nang maluwag dahil mga normal na tao at mamimili lang naman ang nasa palengke.  Panatag akong namili ng mga pagkain at iba pang stocks ng bahay. Nakaramdam ako ng init kaya naman hinubad ko muna ang facemask na aking suot saka malayang naglakad-lakad sa palengke. Medyo naparami na ang nabili ko kaya nagpasya akong magtungo sa paradahan ng tricycle para makauwi na. Malapit na ako sa pila nang may humablot sa aking kamay. Mabilis niya akong nabuhat at dinala sa isang itim na van sa hindi kalayuan. Kinabahan ako nang makita ang pamilyar na mga tauhan ng Olivion base sa mga tattoo nila sa kanilang leeg. Pagkapasok sa van ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Amir. “Aira, I can help you. Tumakas ka na habang maaga pa. Hindi maganda ang naririnig kong plano sayo ni Sir Tristan. Whether you bring the money and accounts or not, may gagawin pa rin silang masama sayo.” Pagod akong ngumiti sa kanya. Si Amir ang tanging lalaking naging malapit kong kaibigan sa ahensya ng Olivion. Ilang beses kaming naging partners sa mga misyon namin at nakilala talaga kami bilang isa sa mga mahuhusay na agent doon. Ilang beses siyang nagparamdam ng pagkagusto sa akin ngunit lagi ko siyang pinagsasabihan na wala sa isip ko ang mga ganoong bagay. Isa pa, kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya ngunit likas na makulit talaga si Amir at hindi siya sumusuko sa akin. “Don’t do that. The least thing I want is for you to be involved. I accepted this mission and I knew what will happen to me right from the start.” Mahina kong sabi. Dumaan sa kanyang mukha ang galit. Umigting ang kanyang panga. “You’re willing to sacrifice your life just for that man? Sino ba talaga ang bulag? Ikaw o siya?!” Gigil na sabi nito. “Stop it, Amir. Wala siyang kinalaman dito.” Umiwas ako ng tingin sa kanya pagkasabi niyon. Alam kong kilalang-kilala niya ako at ayokong mahalata niya sa akin na talagang para kay Cedrick, kaya ko isasakripisyo ang buhay ko. “Pero, Aira!” Isang tingin ko sa kanya ay tumigil siya sa pagsasalita. Ngumiti ako sa kanya. “Amir, it’s okay. I promise, I will be okay. Gusto kong magpasalamat sa lahat. You were there for me since the beginning. Sorry if I wasn’t able to reciprocate your feelings for me but please know that you’re really important to me. I care for you as a friend, as a family kaya sana huwag ka ng mangingialam.” Mahinang pakiusap ko dito. He is just looking at me intently. Ramdam kong may mga gusto pa siyang sabihin ngunit mas pinili na lamang nitong manahimik. Nang wala na siyang sinabi sa akin ay lumabas na ako ng van saka pumara ng tricycle. Lumingon ako at nakitang naroon pa rin ang van sa pwesto na iyon at hindi pa rin umaalis. Napailing ako, hindi nga dapat sila nandito. Kapag kasi nalaman ito ni Sir Tristan ay paniguradong madadamay si Amir sa problema ko. He shouldn’t be seeing me right now lalo pa at mainit sa akin ang mata ng Olivion at ng mga tauhan ni Mr. Amor. Minsan talaga ay napaka-impulsive ng lalaking ito. Nag-doorbell ako sa gate. I heard Candy’s loud growl. Hindi nagtagal ay bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Cedrick. Hindi diretsong nakatingin sa aking mukha ang kanyang mata. He is holding his white cane as his guide. “Aira?” Nangingiti ako habang umiiling sa kanya. “Cedrick, ilang beses ko bang dapat na sabihin sayo na huwag kang magbubukas agad ng gate. Paano kung hindi pala ako ang nag-doorbell, edi wala na, napasukan ka na dito sa bahay. Mag-ingat ka naman.” I saw him smiled. “I’m sorry. I’m just really excited. Kanina pa kasi kita hinahantay na makauwi.” Sabay kaming naglakad papasok ng bahay. Napalingon ako sa kulungan ni Candy nang marinig ang pagkalampag niya ng kanyang kainan. Naglalaway na rin ito habang nakatingin sa akin. Siguro ay naamoy ang mga pagkaing dala ko. Don’t worry, Candy. Habang nandito pa ako, I will spoil you with a lot of foods. Gusto kong protektahan mo ang amo mo sa mga masasamang tao. Tahimik akong naghahanda ng makakain namin para sa tanghalian na iyon. Mula sa kusina ay narinig ko ang pag-ring ng aking phone. Naghugas ako ng aking kamay at nagtungo sa sala ngunit ganoon na lang ang pagkabigla ko nang makita si Cedrick na hawak ang aking phone. Patuloy na tumutunog iyon at dahil sa hindi niya makita ang screen ay hindi niya iyon masagot. Napalunok ako nang makita na ang tunay na phone ko pala ang tumutunog. It’s my f*****g Iphone! Marahan kong kinuha ang phone na iyon kay Cedrick. Nakita kong si Amir ang tumatawag kaya naman agad ko iyong pinatay. “May bago kang phone?” Napakagat ako sa aking labi at pilit na nag-isip ng palusot. “Ah, kasi ano... nag-swap kami ng isang katulong doon sa kabilang bahay. Gusto niyang masubukan ko magkaroon ng ganyang cellphone. Naninibago nga ako.” Peke akong tumawa. Matagal bago siya nakapagsalita. “I can just buy you the latest phone. Hindi mo na kailangan makipag-swap. Ibalik mo na sa kanya iyan at bibigyan kita ng bago.” Sumilay ang maliwanag niyang ngiti sa akin. Napahinga ako ng malalim. Muntikan na.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
226.9K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
831.9K
bc

Reckless Hearts

read
256.4K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.1K
bc

Be Mine Again

read
99.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook