Kabanata 1

3380 Words
“Aira, be ready. Papasok na ng building si Mr. Benedict Amor. He is with two men beside him and another two from behind. Mayroon ding tatlo sa malayo na nagmamasid sa kanya. Watch your moves and good luck.” I took a deep breathe.   Inayos ko ang shades na aking suot. Kalmado akong naglakad palabas ng isang elevator. Mula sa malayo ay natanaw ko na agad si Mr. Amor na naglalakad papasok ng building. Totoo ngang maraming mga tao ang nakapaligid sa kanya but I’m sure, this will only took me a day.   I acted as if I’m in a hurry as I purposely bumped him. Napaupo ako sa sahig at nagkalat sa aking manipis na damit ang hawak kong miltea. Sakto rin ang naging pag-angat ng aking dress para lumadlad sa harapan ni Mr. Amor ang mapuputi kong hita.   Umambang luluhod sa akin si Mr. Amor para matulungan ako nang pigilan siya ng kanyang mga bodyguards. Inangat niya ang kanyang kamay.   “It’s okay.” Narinig ko ang baritono nitong boses saka lumapit sa akin at itinayo ako. Sinadya kong magpabigat ng katawan at nang makitang gumagamit na siya ng pwersa sa pag-angat sa akin ay nagpadala ako sa kanya. Tumama ako sa kanyang dibdib. I made sure that my boobs hit his chest. Nakita ko ang paglandas ng pagnanasa sa kanyang mukha.   “Oh my gosh! I’m so sorry, sir. Nadumihan ka pa.” Pinagpagan ko ang kanyang damit na bahagya ring nabasa ng milktea. His guards stopped my hand. Malakas na tinapik ni Mr. Amor ang kamay ng guard na nakahawak sa akin at sinamaan iyon ng tingin.   “It’s okay, Miss. Do you want me to lend you some new clothes? Kasalanan namin kaya nabangga ka sa amin. I’m sorry.” Tinanggal ko ang shades na aking suot. Nagtama ang aming mata. I saw the side of his lips rose.   “Really? That would be great. Wala kasi akong dalang damit na extra. Medyo malagkit kasi ito saka malamig. It’s making me uncomfortable, sir...” Mahina kong sabi dito. Sinikap kong lumabas na natural na nang-aakit ang aking boses para lalo kong makuha ang kanyang atensyon.   “I can have it delivered in my room. Sumama ka sa akin.” Kinuha niya ang aking kamay. Bago kami umalis ay nilingon niya ang mga bantay na kasama niya.   “Stay here. Bantayan niyo na lang ang building at ang premises ng lobby. And also, don’t call to interrupt us.” His voice is full of demand. Bakas ang alinlangan sa mga mukha  ng guards niya ngunit wala rin naman silang nagawa kundi tumango at sumunod sa sinabi ni Mr. Amor.   We entered an empty elevator. Seryoso na nilalamig na talaga ako dahil punong-puno ng yelo ang hawak kong milktea kanina at halos buong laman niyon ay natapon sa akin. Pasimple akong sumilip sa aking gilid at nakita ang aking reflection. My chest is almost showing. Bakat na bakat ang aking katawan at basang-basa iyon dahil sa milktea.   Naging alerto ako nang maramdaman ang kamay ni Mr. Amor sa aking bewang. Gumagapang iyon pababa sa aking pang-upo. I felt his body beside me. Lumapit ang kanyang mukha sa aking tenga.   “We can do something exciting while we’re waiting for your clothes...” Mapang-akit na sabi nito. Kahit na nakaramdam ako ng pandidiri ay sinikap kong ngumiti nang malagkit sa kanya. I faced him and kissed him hard. Isinandal ko siya sa pader. Nakita kong nabigla siya sa pagiging agresibo ko. He smirked.   He kissed me back with the same intensity. Gumapang ang aking kamay sa kanyang p*********i. I rubbed his manhood over his pants. Narinig ko ang mahihina niyang pag-ungol sa ginawa kong iyon.   Tumunog ang elevator. Marahas niya akong hinila papasok sa isang room.   “That’s it, Aira. That’s the room. His bag is hidden inside the cabinet. Grab that bag then you’re good to go.” Nawala na ang tunog sa maliit na chip na nakasalpak sa aking tenga.   Pagkasara na pagkasara ng pinto ay agad niya akong idiniin doon. Bumaba ang halik niya sa aking leeg habang ang kanyang kamay ay naglalakbay na sa aking katawan. I took that opportunity to scan the room. Agad kong namataan ang cabinet na sinasabi ni Sir Tristan. I planned out my move to get that bag without being caught.   Mabuti na lang at naiwan ang mga tauhan sa baba. Wala namang sinabi si Sir Tristan na may mga nagmamatyag pa dito kaya naman madali akong makakatakas. May isang helicopter na naghihintay sa akin sa pinakatuktok na palapag ng building na ito. Naroon sila ni Amir at tiyak na kanina pa ako hinihintay.   Nagsalubong ang kilay ko nang maramdaman ang kamay ni Mr. Amor sa aking p********e. Nobody is allowed to touch me there!   Marahas ko siyang tinulak. Naghari ang pagtataka sa kanyang mukha ngunit mabilis din iyong napalitan ng ngisi. I removed my dress leaving my very reavealing underwear infront of him. Itinulak ko siya sa kama. He looked excited and he is kind of anticipating my next moves on him. Napairap ako sa aking utak. Boys will always be boys. Gustong-gusto talaga kapag wild ang babae sa kama.   Sad to say Mr. Amor, but there is no s*x for you.   Naupo ako sa kanyang p*********i. Sinisikap niyang bumangon para mahawakan ako ngunit pinipigilan ko siya. Bumaba ang aking mukha para muli siyang halikan ng malalim sa huling pagkakataon. Pasimple kong kinuha ang isang napakaliit na karayom na nakadikit sa likod ng aking hita. Dahan-dahan kong binaon sa kanyang tagiliran iyon. He did not falter. Patuloy siya sa paghalik sa akin.   I counted mentally. When I reached ten, naramdaman ko ang pagbagal ng kanyang galaw sa aking labi. Bumagsak ang kanyang kamay sa higaan at tuluyan na itong nakatulog.   “Have a good sleep, Mr. Amor.” I smirked as I looked at his eyes completely shut.   Mabilis akong kumilos. Kinuha ko ang maleta ni Mr. Amor at nakitang punong-puno iyon ng dolyar. Kumuha ako ng isang damit sa kanyang kabinet at isinuot iyon. I did not spend a lot of time inside his room. Agad akong nagtungo sa rooftop. Hindi ko na inabala ang isip na mag-alala sa mga CCTV ng hallway na madadaanan ko. Sir Tristan has already did his magic on it. All CCTV from this floor and up are shut down. We planned this very well and there is no way in hell that I will fail in this mission.   Hinubad ko ang aking wig na suot. My blonde pixie hair is now exposed. Pumasok ako sa helicopter at inabot kay Sir Tristan ang bag. He is all smiles when he saw the money.   “Very good, Aira. As expected from you. You really never disappoint.” Umalis na ang helicopter. Bumaling ako kay Amir at nanghingi ng wipes. Masama ang tingin nito sa akin habang pinagmamasdan akong magpunas ng katawan. As if wiping my skin will remove the memory of Mr. Amor touching and kissing me in some inappropriate places.   “I’m really against this, Aira.” Galit na bulong ni Amir.   “What else do you want me to do? Iyon ang pinakamabilis na paraan. Men would never waste a chance lalo pa at nakahain na sa kanila ang pagkain.” Lalong nagsalubong ang kilay niya. Umirap ako at pinagpatuloy ang pagpupunas ng aking katawan.   “Pwede namang patayin na lang agad! Bakit kailangan mo pang hayaan ang mga lalaki na mahawakan ka?! Worst is nakikipag-make out ka pa!” Umismid ako sa kanya.   “Alam mo selos ka lang eh. Sige na nga, mamaya mag-make out tayo.” Napahinto siya.   “That’s not my point, Aira!” Napalakas ang boses niya. Napalingon sa amin sila Sir Tristan at ang ibang mga agent na kasama namin. Hindi ko napigilang mapahalakhak nang makita ang napahiyang mukha ni Amir. Serves you right.   Natahimik si Amir sa tabi ko. Kita pa rin ang galit sa kanyang mukha ngunit hindi na siya muling nagsalita dahil alam niyang mapapatameme ko lang siya ulit.   Lumapag ang helicopter sa building ng Olivion. Some agents welcomed us and congratulated me for a job well done.   Naunang naglakad sa amin si Sir Tristan habang bitbit ang maleta ni Mr. Amor. I checked my phone. Nakita kong isang oras na ang lumipas mula nang maturok ko ang pampatulog sa tagiliran ni Mr. Amor. By now, he should be awake and panicking.   Kawawa naman. Wala na ngang s*x, wala pang pera.   Natanggap ko ang pera mula sa share ko sa mission. Malalaki ang ngiti ko habang binibilang iyon sa loob ng sasakyan ni Amir. Binigyan kami ng isang linggong break. Talagang wawaldasin ko ang mga ito sa buong linggo ng pahinga ko.   Sinabi ni Sir Tristan na dapat kong lubusin ang break na ibinigay sa akin because once I reported for duty by next week, mayroon nanaman akong bagong misyon at kahit hindi niya pa iyon sabihin ay alam kong medyo bigatin iyon.   “So, where do you plan to spend your break?” Kalmadong tanong ni Amir. Nagkibit-balikat ako sa kanya.   Wala naman talaga akong specific place na pinupuntahan sa tuwing off ko bilang agent. I always book some random airplane tickets. Kung saan may available, doon ako pupunta. Wala namang kaso doon dahil walang mag-aalala sa akin. Mag-isa ako sa buhay at sanay akong mamuhay ng independent.   “You know, pwede kitang samahan.” Umangat ang aking isang kilay sa kanya. Pumangalumbaba ako sa kanya.   “Bakit? Para makapag-make out tayo?” Sumama ang tingin niya sa akin.   “Pwede bang huwag mo ng ipasok sa usapan iyan?” Natawa ako nang makita ang napipikon niyang mukha. Hindi naman ito mabiro.   “Alam mo namang ayokong may kasama kapag aalis ako, diba? Gusto kong maglakwatsa ng mag-isa. Basta, hintayin mo na lang ako next week. Makikita mo rin ako ulit.” Huminga siya ng malalim. Alam niyang wala siyang magagawang makakapagpabago sa isip ko. Ilang beses na itong nangyari at paulit-ulit lang ang sinasagot ko sa kanya. Hindi ko maintindihan bakit hindi pa rin siya nasasanay.   “Okay, mag-ingat ka ha.” Ngumisi ako.   “Oo na nga. Huwag kang iiyak ha. Baka ma-miss mo nanaman ako.” Napailing na lamang siya at pinaandar na ang kanyang sasakyan.   Binaba niya ako sa tapat ng building ng aking condo. Inayos ko ang aking damit at sinuot ang malaking sumbrero. Bago bumaba ay humarap ako kay Amir para magpaalam.   “Ayaw mong pumasok muna sa condo ko? Chance mo na ito, make-out na tayo.” Pinahaba ko ang aking nguso at nagpa-cute sa kanya.   Napasabunot siya sa kanyang buhok at masama ang tingin sa akin.   “Damn it, Aira! Stop it!” Binagsakan ko siya ng pinto at hinayaan na siyang mag-alboroto sa loob ng kanyang sasakyan. Kahit naglalakad ako papasok sa loob ng elevator ay natatawa pa rin ako.   Amir is a good friend and I want to keep it that way. Hindi lingid sa akin ang nararamdaman niya. Alam kong may gusto ito sa akin dahil minsan na siyang nadulas sa akin noong lasing siya. Masyadong mababa ang alcohol tolerance niya kaya naman naging madaldal siya habang nag-iinuman kami sa isang party.   Hindi ko alam kung naalala niya ba ang nangyaring iyon o hindi ngunit hindi ko na lang pinansin. Wala namang magagawang maganda kapag pinaalam ko sa kanya na alam kong may gusto siya sa akin. Baka lumayo pa si Amir kapag diretsahan kong na-basted.   Wala akong oras magkaroon ng boyfriend. Sakit lang sa ulo iyan. Saka ayoko ng may nagdidikta sa buhay ko at sa mga kung ano ang dapat kong gawin. I am the boss of myself. I dislike men who act as if they own me. Si Amir nga na kaibigan ko lang ay ang dami ng nasasabi sa trabaho ko, paano pa kaya kung may boyfriend ako?   Habang kumportable akong nakahiga ay nag-browse ako sa internet ng magagandang pasyalan sa Europe. Parang nitong mga nakaraan kasi ay nag-crave ako sa european dish.   I’m so inlove with their pasta and bread. Kakain talaga ako ng marami pagkarating doon. I smiled to myself as I booked my plane ticket. Roundtrip na iyon para wala akong problemahin sa pag-uwi. I’ll explore the whole Europe for seven days! Hindi na ako makapaghintay.   Kinabukasan ay naghanda ako sa aking pag-alis. Hindi naman marami ang dala ko. Isang maleta lang iyon at all out na para sa isang linggong pamamalagi ko sa Italy. Doon kasi ang unang stop ko. Mas maganda na kunti lang ang dala. Pakiramdam ko ay ang hirap gumalaw kapag marami pa akong gamit na dadalhin. I could just buy anything there. Marami naman akong pera.   Binuksan ko ang aking cabinet na nakalaan lamang para sa wigs. I have ten wigs, lahat ay ginagamit ko para sa missions ko. Siyempre ay hindi dapat ako nakikilala ng mga ninanakawan ko. Madalas ay naglalagay ako ng makapal na make-up o minsan may enhancement na ginagawa gamit din ang make-up sa ibang parte ng aking mukha. Sa pamamagitan niyon ay nagiging ibang tao talaga ako kapag sumasabak sa misyon.   Kahit bakasyon ay hindi ko pwedeng pabayaan ang pagkakakilanlan ko. It is for my safety. Alam kong maraming mata ang nakamatyag sa akin at hindi ako tanga para lumabas ng nakalantad ang totoong mukha.   I chose the long-haired brunette wig. Ito na ang gagamitin ko sa buong stay ko sa Europe. Naglagay ako ng light make-up at nagdagdag ng dalawang nunal. Isa sa gilid ng labi at isa sa gilid ng mata. Ngumiti ako sa harap ng salamin. Hindi na ako mag-make up ng sobra dahil hindi naman misyon ang gagawin ko. Tanging ang mga tao lang naman sa agency ang nakakita ng natural kong mukha.   Alerto ako sa paligid habang kalmadong naglalakad sa loob ng airport. Patungo ako sa waiting area kung saan maghihintay ang passengers para sa boarding. May ilang minuto pa bago mag-board kaya naman nang masigurong walang kakaiba sa paligid ay nag-focus na lamang ako sa aking phone.   Hindi ko namalayan ang oras. Halos natulog lang ako sa buong byahe ko patungo sa Europe. Gumigising lang ako para magbanyo at kumain.   Tumama sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Hinanda ko ang aking jacket para maisuot iyon mamaya pagkapasok sa isang sasakyan. Hindi ako marunong magsalita ng lenggwahe nila kaya naman mas minabuti kong mag-english na lang. Maiintindihan naman nila iyon dahil halata naman sa akin na turista lang ako dito.   Nagpahatid ako sa malapit na hotel. Isang araw lang din naman ako dito dahil mamayang gabi ay maghahanda ako sa panibagong byahe para bukas. Pupunta ako sa malapit na mga bansa dito sa Europe. Pagkatapos ng ilang araw ay muli akong babalik dito dahil sa roundtrip nga ang ticket ko dito.   Nagsimula akong maghanap ng mga pwede kong mapasyalan sa isang araw na stay ko dito sa Italy. Bukas kasi ng umaga ay sasakay ako ng train patungong France. Mas maganda talaga dito dahil magkakadikit lang ang mga bansa kaya naman kahit hindi mag-eroplano ay makakarating ka na sa ibang bansa.   Hindi nawala ang mga restaurant sa listahan ko. Takam na takam ako sa mga putahe nila. Italian cuisine is really one of the best! Magandang diet pa iyon dahil kadalasan ng pagkain ay pasta at tinapay lang. Hindi katulad sa Pilipinas na puro karne at kanin.   Malalaki ang ngiti ko nang makapaglibot ako sa malapit na pasyalan sa hotel. Malaki ang Italy at itinatak ko sa aking isip na babalik ako dito para makalibot ng mas matagal. Kapag siguro nabigyan ako ng isa o higit pang buwan na pahinga. Medyo maiksi lang kasi ang isang linggo at limitado talaga sa oras.   Tanaw ko agad ang Eiffel Tower pagkarating ng Paris, France. Bago pa ako makarating dito ay marami na akong nadaanang magandang tanawin habang nakaupo sa tren. Almost seven hours ang byahe. Sulit dahil na-travel ko by land ang magkaibang bansa sa loob lang ng isang araw.   Naglalakad ako sa damuhan. Marami akong nadadaanang couples na nagsasagawa ng picnic doon. Hindi ko napigilang mairapan ang mga ito. It’s a bad thing going here. Ang pangit pala magpunta sa city of love ng single!   Sunod kong pinuntahan ang Switzerland. It was only a three-hour ride by train. I was in awe as I looked on the beautiful view of mountains. Hindi ako makapaniwalang may ganito palang klase ng tanawin na nag-eexist sa mundo. I thought that the pictures I saw from the net were enhanced or edited but it was real! The sight was very breathtaking. Halos buong araw ay ganoon lang ang ginawa ko. Roadtrip sa mga magagandang view ng Switzerland. Busog na busog ang mata ko at para akong na-relax ng sobra.   On my fifth day, nagtungo ako sa Germany. There is no direct train that could lead me from Switzerland to Germany. Gusto ko pa sanang umatras ngunit gusto ko talagang magpunta sa Germany. Based kasi sa nakita ko sa internet, napakaganda ng mga structures nila at mga buildings. Halos malakastilyo ang mga iyon kaya gusto ko talagang makita ng personal. I took a plane for about an hour. Magastos pero okay lang, ang mahalaga nakarating ako kaagad.   This is probably my last stop for this week. Bukas ay babalik na ako ng Italy at balak ko na magbyahe by train. Almost one day iyon but atleast, I will get to see new things dahil iba ang ruta na dadaanan ko pabalik sa Italya.   Habang nasa Germany ako ay halos sumakit ang leeg ko kakatingala sa mga nagtataasang structure doon. Napakaganda at sobrang detalyado talaga. Napuntahan ko rin ang tinatawag nilang King’s Lake. Napaka-relaxing doon. Kahit saglit ka lang na tumulala sa lawa ay parang mawawala na talaga lahat ng stress mo.   Parang ayoko ng umuwi. Gusto ko na lang dito tumira. Mabuti pa dito, kalmado lang at hindi ako stressed. Pwede akong magtrabaho bilang basurera dito. Kahit kasi ata basura nila malinis, pambihira! Wala talagang makikitang kalat sa paligid at napakalinis ng hangin. Hindi makaka-relate ang Pilipinas.   Malaki ang train na sasakyan ko pabalik ng Italy. Siyempre, dahil marami akong pera ay ang pinakasosyal ang pinili ko. Kami ang nasa dulong parte ng train kung saan may mga exclusive rooms ang mga tao. Ang mga pagkain ay hinahatid din ng staff at may common lounge sa pinakadulo kung saan may malaking salamin at may maliwanag na view ng paligid.   Yup, that’s it. You can do anything in this world when you have the money. Iyon na rin siguro ang pinakadahilan kung bakit ko tinanggap ang trabaho na ito. I was initially a government employee. Doon ko binibigay ang serbisyo ko dati sa pagpapanatili ng seguridad sa mga National Banks at isa ang Olivion sa mga agency na nagsisilbing threat sa gobyerno.   Kinausap ako ni Sir Tristan noon at mabilis niya akong nasilaw sa pera. The benefits they have are incomparable than what the government can give me. Totoo pala talaga ang sinabi nila na wala kang mapapala kapag sa gobyerno ka nagtrabaho. Kung mas mataas ang pangarap mo, kailangan mong sumanib sa mga grupo na may mas malaking kapangyarihan kaysa sa sarili nating gobyerno.   We work in the underground world. Malalaking tao ang ninanakawan ng Olivion at kung tatanungin kung saan napupunta ang pera? Napupunta iyon sa mga charity. Yes, may mabuting dulot din naman ang pagnanakaw namin. Well, hindi maganda ang way ng pagkakaroon ng pera but the end is still good.   But one thing is not known in public. May mga lihim na kalakaran ang charity na hawak ng Olivion. Of course, hindi na talaga mawawala ang maduduming gawain sa mga agency ng black market. Talamak ang bentahan sa after party ng bawat charity events ng agency namin. Innocent people can leave the event and those who will participate can stay. Actually hindi na rin naman ako pamilyar pagdating doon dahil hindi na iyon sakop ng trabaho ko.   As an agent of Olivion, isa ako sa gumagawa ng mahihirap at agaw-buhay na misyon para makapagnakaw ng pera. This is my dirty job but I have no regrets on accepting this. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD