Kabanata 2

3415 Words
Delayed ang flight ko pabalik ng Pilipinas. Sinabihan ko na si Amir na sunduin na lang ako sa airport at didiretso na kami sa office ng Olivion para sa bago kong mission. Hindi ko naman na kailangang magpahinga dahil sapat na ang naging tulog ko sa byahe.   Tadtad ng mga tawag at text ang aking phone galing sa mga boss ko sa Olivion. Pangunahin na doon si Sir Tristan. May ilang messages din galing kay Amir na nagsasabing nasa labas na siya ng airport.   Hinawi ko ang aking mahabang buhok at nagsuot ng isang cap. Naglagay na rin ako ng shades para wala gaanong makapansin sa akin. Masyadong bare ang mukha ko ngayon kaya baka may makatunog na ito talaga ang itsura ko. Mahirap na.   Agad kong nilapitan si Amir nang makita ko siya. Niyakap ko siya nang mahigpit at ginantihan naman niya iyon.   “Miss mo ko ‘no?” Ngumiti ako ng pang-asar sa kanya. Nangingiti siya habang umiiling sa akin.   Dumiretso na agad kami sa Olivion. Habang nasa byahe kami ay tumawag ulit si Sir Tristan.   “Where the hell are you, Aira?” Ang malalim nitong boses ay galit na galit.   “Malapit na, sir. We’ll be there in five.” Pagkasabi ko niyon ay agad niya akong binabaan. Ang sungit nanaman! Akala mo hindi ko nabigyan ng sandamakmak na pera last week.   “Hayaan mo na lang, lunukin mo na lang ulit ang galit niya mamaya.” Magaang sabi ni Amir. Napasimangot ako at hindi na nagsalita.   Dahil nga sa ako ang tinuturing na isa sa mga magagaling na agent ng Olivion ay hindi mawawala ang mga maiinit na mata sa akin na naghihintay ng mga pagkakamali ko. Isa na doon si Sir Tristan. Mabait lang ang gunggong na iyon sa akin kapag hawak ko na ang pera pero kapag nakalipas na ang ilang araw ay masungit nanaman. Kairita!   Pagkarating sa office ay agad akong nabulyawan ni Sir Tristan.   “We’ve been waiting for an hour! Magaling ka lang sa mismong mission pero sa mga ganitong bagay, napakapalpak mo!” Pigil na pigil ako sa pag-irap. Kung hindi ko lang boss ito ay baka kinalabit ko na gatilyo ng baril ko sa utak ng lalaking ito.   Hinintay ko munang matapos siya sa seremonyas niya sa akin. Wala na nga akong pakialam dahil sanay na sanay na ako sa kanya. Bahala siyang maubusan ng laway kakadaldal niya.   Sumulyap ako kay Amir at nakitang pinapanuod niya lang ang reaksyon ko. Ngumisi ako sa kanya at kumindat. Agad naman siyang napaiwas ng tingin at bumaling kay Sir Tristan.   “Nagkakaintindihan ba tayo, Aira? Ayoko na ng ganito sa susunod. You’re wasting our time. Kung kanina pa sana tayo nagsimula ay tapos na ang meeting na ito.” Nagsalubong ang kilay ko.   Sino kaya ang kanina pa daldal ng daldal diyan? Kung sinabi na lang niya agad pagkarating ko ang mission edi tapos na ang usapan. Gilitan ko na kaya ang leeg nito mamaya?   “So you have a new mission. Mayroong isang malaking mansyon sa gitna ng siyudad ng Quezon City. Mahigpit ang seguridad doon at kami na ang bahala kung paano ka makakapunta doon. I just want you to do your part. The earlier, the better.” I crossed my arms. Naatat na ako. Dami pang introduction.   “Cedrick Mercado is the only son of Frederick Mercado who owns the biggest manufacturing company here in the Philippines. Marami silang mga products na sakop.” Tumango-tango ako. Nilabas ko ang aking phone para mag-take down ng notes sa lahat ng sasabihin niyang importanteng impormasyon.   “Olivion and other agencies have already sent countless of men who could find the hidden vault in his mansion. Lahat ng mga pinadalang iyon ay hindi nagtagumpay at tumitiklop. Hindi ko alam kung bakit hindi nila magawa ang misyon samantalang bulag naman ang Cedrick na iyon.” Nagsalubong ang kilay ko.   Bigla akong nakuryoso sa sinabi ni Sir Tristan.   “Cedrick is 26 years old and he lives alone in his mansion in Quezon City. Your job is to find his vault. Kunin mo ang lahat ng perang laman niyon then you’re good to go. I’m giving you three months. Alam kong mabigat itong misyon na ito kaya gusto kong pagplanuhan mo ito ng mabuti.” Nag-umpisang lumipad ang utak ko. Three months! That’s too long!   “Ikaw na ang bahala sa diskarte mo pagkapasok mo doon. I will give you your fake documents in a few minutes. You’ll need to apply as his personal maid dahil naghahanap siya niyon. It won’t be that suspiscious if you act on it. May tanong ka ba?” Seryosong sabi ni Sir Tristan.   “Magkano ang porsyento ko dito? Three months is not a joke, Sir. Saka kung maraming agents ang hindi nagtatagumpay then it will be hard and risky. Kailangan ko ang malaking bayad dito.” Pahayag ko sa kanya. Umangat ang isang kilay niya. He smiled as if mocking me.   “Yes, sure. You can get one third of the money. Basta ba ay mahanap mo.” His voice is taunting. Hinahamon niya ba ako? Minamaliit niya ba ako? Pinantayan ko ang tingin niya sa akin.   Hindi ko uurungan ang pangit na tulad mo ‘no.   Nang makaalis ako sa building ay agad akong dumiretso sa condo. Namili ako sa cabinet ko ng bagong wig at mga pangmahirap na damit.   Sa condo ko kasi, cabinet at walk-in closet ang pinakamalaki. Marami akong mga damit at gamit doon para sa pagpapalit-palit ko ng katauhan. Pakiramdam ko nga minsan ay cosplayer ako dahil may mga outfit ako ng iba’t-ibang profession. May pulis, nurse, teacher, janitor, school uniform at iba pa.   Meron din akong mga damit na ginagamit kapag may mission ako na nangangailangan ng formal na damit. Meron ding mga pangpalaboy. I can be whoever I want.   Nilagay ko sa isang lumang backpack ang mga pangmahirap na damit. Sa misyon kong ito, kakailanganin kong magpanggap na mahirap at kawawang babae. Madali lang iyon. Ilang beses ko naman ng nagawa iyon.   Napili ko ang kulay brown na buhok. Maiksi iyon at hanggang sa balikat lang. Nakasuot ako ng plain na t-shirt at kupas na maong. Nakasuot din ako ng lumang sapatos. Alam ko naman na bulag si Cedrick Mercado pero mas mabuti ng maging maingat. Malay ko ba kung may mga nakamasid pala doon.   Hindi ko alam kung anong meron sa mansyon na iyon kaya naman kailangan ko talagang mag-ingat.   Nagpahatid ako sa taxi sa address na nakasulat sa aking palad. Hindi naman naging ganoon katagal ang byahe dahil halos alasnuebe na ng umaga. Lumampas na ang rush hour at hindi na marami ang sasakyan sa kalsada.   Nasa harap na kami ng subdivision nang harangin kami ng gwardya. Nakiusap ako sa mga ito kung pwede ba na ihatid ako sa bahay ni Cedrick Mercado dahil ako ang katulong na nag-apply sa lalaki.   “Sorry po, Ma’am. Hindi pwede magpapasok ng taxi dito. Mahigpit na protocol iyon ng home owners.” Nagsalubong ang kilay ko. So maglalakad ako!? Hindi ko nga alam kung saan ang bahay ng hinahanap ko eh!   Nilingon ako ng taxi driver at mukha itong humihingi ng paumanhin. Ilang beses pa akong nakiusap at nagpaawa sa gwardya pero ayaw talaga. Mga walang puso! Wala akong nagawa kundi magbayad na sa taxi at bumaba. Tinandaan ko ang mukha ng gwardya. Pagkatapos ko talaga sa misyon ko dito tatamaan kayo sa akin.   Huminga ako ng malalim at tinignan ang kalsada na nilalakad ko. Parang walang katapusan iyon! Ang kinaiinis ko pa ay noong tinanong ko kung saan ang bahay ni Cedrick Mercado ay sinabi nila na nasa pinakadulo raw iyon ng subdivision. Napakawalanghiyang gwardya talaga!   Hinihingal na ako sa paglalakad. Medyo umiinit na ang sikat ng araw. I think my skin is already two shades darker! Grabe ang pahirap nito ha!   Pagod na ko! Gusto ko ng murahin pati mga halaman na nadadaanan ko. Wala pa akong pahinga. Galing ako sa byahe galing Italy tapos ito agad ang bubungad sa akin!? Nakakainis talaga. Ni tubig nga ay wala akong dala. Nauuhaw na ako!   Sa wakas ay natapos na ang kalsada. Bumungad sa akin ang isang napakalaking bahay. May matataas itong gate at unang tingin ay alam ko na agad na may sensor ang bahay. Hindi siya kayang akyatin dahil may tutunog na alarm sa buong kabahayan.   Kaya pala gusto akong magpanggap na katulong. Tumikhim ako at nag-doorbell.   Unang pagpindot ko ng doorbell ay walang sumagot. Understandable naman dahil sa laki ba naman ng bahay, baka hindi talaga niya mapansin. Isa pa, mag-isa lang ito dito at walang katulong. Ako lang kung sakali.   Shit. Unti-unti kong na-realize ang nangyayari. Bahagya akong lumayo sa gate at sinilip ulit ang kabuuan ng bahay. Front view pa lang ito at napakalaki na. Hindi ko pa nakikita kung gaano kahaba iyon sa loob. So lilinisin ko itong lahat ng mag-isa!? What the f**k!   Nag-isip ako ng mabuti. Hindi ko naman siguro kailangan na maging literal na katulong dahil bulag naman ang amo ko. Hindi naman niya malalaman kapag hindi ko nalinis ang ibang bahagi ng bahay. Muli akong lumapit at pinindot ang doorbell. Still, no response.   Nagsisimula na akong mairita. Direkta pa naman ang sikat ng araw dito sa pwesto ko! Bakit kasi magpapatayo ng ganitong bahay tapos mag-isa naman pala. Hindi tuloy naririnig kapag may nag-doorbell. Sasamain din talaga sa akin itong Cedrick na ito.   Hindi na ako natutuwa. Tinadtad ko nang pindot ang doorbell pero wala pa ring sumasagot! Wala pa ring nagbubukas ng gate sa akin!   So sobrang pagkainis ay kinalampag ko ang pwedeng makalampag sa gate niya.   “Tao po! May tao po ba!?” Galit kong sabi.   Napahinto ako sa pagwawala nang may narinig akong malakas na kalampag kung saan at kasabay niyon ay ang pag-iingay ng isang hayop. Nagulat na lang ako nang may kumalampag din sa gate mula sa loob. Narinig ko ang sunod-sunod na galit ng isang lion.   Lion!? What the hell! Bakit may lion dito?   Napaatras ako nang bumukas ang pinto. Lumabas doon ang isang napakagwapong lalaki. May hawak itong cane. Seryoso ang mukha nito at ang mata ay nakatingin sa malayo.   Mula sa kanyang likod ay natatanaw ko ang mas malaki pa sa tao na lion. Bigla akong nanginig sa takot. Sanay akong makipagpatayan sa tao, hindi sa hayop! Anong laban ko sa laki ng lion na ito? Kasing laki nga lang ata ako ng paa nito!?   “Who are you?” Matagal akong hindi nakapagsalita. Natameme talaga ako. I’m not aware that lion is now considered as a pet! May saltik ata sa utak itong bulag na ito.   Gumalaw ang hawak niyang cane patungo sa akin. Sinundan ko iyon ng tingin at hindi ako nakaiwas nang tumama iyon sa aking dibdib. Malakas kong tinapik iyon.   “Aray, sir! Dibdib ko naman iyon!” Hindi ko napigilang magtaas ng boses. Kanina pa ko pikon na pikon at wala ako sa mood magkunwaring mabait. Nauuhaw na ako at nanlalagkit sa pawis.   Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Cedrick.   “Sino ka?” Pagod kong hinawi ang aking buhok. Huminga ako ng malalim at pinilit ang sarili na kumalma.   “Nag-apply po ako bilang katulong dito. Sabi po ng agency ko ay ngayong araw ako magsisimula.” Kalmadong sabi ko dito. Ayoko sanang lumingon sa likod niya ngunit napapatingin talaga ako sa lion sa likod niya. Masama ang tingin nito sa akin at mukhang lalapain ako sa oras na makapasok ako doon.   “Aira Batungbakal? That’s you?” Napangiwi ako. Ang baho pakinggan ng Batungbakal. Ewan ko ba naman kay Sir Tristan! Hater ko talaga iyon. Pipili na lang ng apelyido, ang pangit pa. Sana naman yung kasing bango ng Valdez!     “Opo, sir.” Tumango siya at niluwagan ang bukas ng pinto. Napatunganga ako sa kanya.   Is he expecting me to come inside while his pet is intently watching me!?   “S-Sir, ang alaga niyo po. Baka pwede niyong ikulong.” Sinundan ko ng tingin ang laway na tumutulo sa kanyang bibig. s**t! Mukhang nagugutom na iyon at ako ang natipuhang pananghalian.   Saglit siyang hindi nagsalita bago ako pinagbagsakan ng pinto. I heard him calling his pet. Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa aking mukha. Ramdam ko rin ang pawis na gumagapang mula sa aking leeg pababa sa aking dibdib. Sana naman ay papasukin na niya ako!   Pagkaraan ng ilang minuto ay muli niyang binuksan ang pinto.   “Come in.” Malamig na sabi nito. Dahan-dahan akong naglakad at lumapit sa pinto. Ipinasok ko ang aking ulo at nilibot ng tingin ang paligid. Baka mamaya kasi nandyan pa pala ang lion na iyon.   Nakita ko itong nakakulong na sa isang malaking kwadra sa kanan. Nakahinga ako nang maluwag at tuluyan ng pumasok. Gumilid ako at ako na mismo ang nagsarado ng gate.     Ngayong nasa loob na ako at wala na ang lion na iyon sa paligid ay nagkaroon ako ng pagkakataon na mapagmasdan ng maayos ang kanyang mukha.   Infairness naman ano? Gwapo siya. Halata lang na hindi ito friendly at palangiti.   “Follow me.” Tinalikuran niya ako. Confident siyang naglakad habang ang cane na hawak niya ay gumagabay sa kanya sa mga dinadaanan niya. Kahit ganoon ay halatang memorize naman niya ang pasikot-sikot ng bahay.   Kung titignan nga siya ngayon mula sa likod ay hindi mahahalatang bulag ito. Diretso lang kasi siya maglakad at ni minsan ay hindi nagkamali ng nilakaran.   Bumungad sa akin ang lamig ng buong kabahayan pagkapasok. Napangiti ako. Mabuti naman! Baka hindi ko kayanin kung napakainit dito sa loob.   Pinagmasdan ko ang mga kagamitan doon. Normal lang naman. Kung ano ang nakalagay sa mga mansyon ay iyon din naman ang nandito. Mamahaling gamit like vase and paintings. May mga ilang indoor plants din at siyempre, ang mga appliances ay talagang may ibubuga sa presyo.   Sinundan ko si Cedrick at nakitang naupo ito sa mahabang sofa sa sala. Ginaya ko siya at naupo din sa kanyang gilid.   “Sir, teka lang ha. Nauuhaw na kasi ako. Pwedeng uminom muna?” Nakita ko ang isang pitsel sa maliit na lamesa sa tapat ng sofa. Hindi ko na siya hinintay na pumayag at kinuha ko na ang baso saka uminom. Hindi ko mabilang kung nakailang baso ako pero halos maubos ko ang pitsel.    “Ayan na, okay na.” Malalaki na ang ngiti ko sa ngayon. Ligo na lang ang kulang pero makakapaghintay naman iyon. Malamig naman sa buong bahay at medyo nagiging kumportable na ako.   Seryoso ang mukha ni Cedrick. Hindi siya nakaharap sa akin ngunit ramdam ko ang masungit niyang aura.   “From which agency did you come from?” Halos manlamig ako lalo sa boses niya. Sobrang walang emosyon iyon. Halata na hindi siya natutuwa sa mga nangyayari.   “Maid provider po.” Nilabas ko ang mga papel na hinanda sa akin nila Sir Tristan. Na-review ko na iyon kanina habang nasa byahe kaya alam ko na ang mga isasagot tungkol sa bagay na ito.   “What are your experiences as a maid? Maasahan ka ba? Hindi ba malikot ang kamay mo? You should know how to do the chores perfectly.” Masungit na sabi nito. Ang dami namang tanong ng lalaking ito. As if naman makikita niya ang pinaggagawa ko sa loob ng bahay niya.   “Sir, una po sa lahat, bente-dos pa lang ako. Galing po ako ng probinsya. Inalok lang ito sa akin ni Aling Nene kaya namasukan ako bilang katulong sa agency. Hindi pa po ako gaanong matagal na nagtrabaho bilang katulong pero masisiguro ko naman po sa inyo na maayos ako kumilos sa bahay.” Suminghot ako. Nag-isip ako ng mga pelikulang nakakaiyak para makaramdam ako ng lungkot at maiyak.   “Sir, tanggapin niyo po ako. Parang awa niyo na po. Ako na lang po ang inaasahan nila Nanay at Tatay. Kailangan ko pong magkaroon ng trabaho. Sisikapin ko pong maging maayos ang trabaho ko.” Pinunasan ko ang isang luhang pahirapan na mailabas kanina pa. Hindi ko naman kailangan galingan umiyak dahil hindi niya naman nakikita.   “Wala akong pakialam kung ikaw ang bumubuhay sa pamilya mo. Ang gusto kong malaman ay kung magagawa mo ba ng maayos ang trabaho mo. If I feel satisfied then you’ll have this job but when you disappoint me, I’ll have to throw you out of my house.” Napanganga ako.   Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Totoo ba iyon? Napakawalang-puso naman ng lalaking ito. Kawawa naman pala ako kung sakaling totoo ang kwento ko kanina. Pambihira! Mayaman nga, napakahambog naman!   “You stay here for one week. I’ll be giving you your schedule. Bawat araw ay may nakatoka kang gawain maliban sa pagluluto. Of course you need to do that everyday, three times a day.” Napatango ako.   Hinatid niya ako sa isang kwarto at walang sabi-sabing iniwan ako. Grabe, sa laki ng mansyon niya ay talagang kabisado niya ito. Kahit bulag siya ay hindi siya maliligaw. Mukhang aabutin pa nga ata ng ilang araw bago ko mamemorya ang pasikot-sikot ng bahay na ito.   I locked the door of my room. Una kong ginawa ay ang magmasid sa paligid ng room. I checked for hidden cameras and mic. Kinapkapan ko lahat ng maaaring pagdikitan o pagsuksukan ng maliliit na chip bilang recording. Nakahinga ako nang maluwag. Safe ako dito.   Sinarado ko ang bintana at muling tinignan ang pinto kung naka-lock na iyon. Nang masigurong okay na ang kwarto ay kinuha ko sa aking gamit ang blueprint ng bahay. I located this room on the map and draw a mark. Pagkatapos niyon ay tinignan ko ang kabuuan ng bahay.   Ilang minuto ko rin atang tinitigan iyon hanggang sa sumakit ang ulo ko. Napakalaki ng bahay at sobrang daming kwarto. Marami ring mga pasilyo at kung bago ka talaga ay maliligaw ka. Bakit naman kasi ngayon lang binigay ito ni Sir Tristan? Sana hinayaan niya muna akong makabisado ang pasikot-sikot ng bahay para mas mapabilis ang trabaho ko!   Tinupi at itinabi ko muna iyon. Siguro ay mamaya ko na lang pag-iisipan ang plano ko kung paano ako mag-uumpisang maghanap ng vault. Ngayon ko naiisip na mukhang hindi sapat ang tatlong buwan na bigay sa akin.   Napagpasyahan kong maligo muna. Grabe talaga ang panlalagkit ko. Sobra kasi akong pinagpawisan kanina. Nakakaloka ha. Hindi ko inexpect na ganito ang mararanasan ko. Isang araw pa lang pero parang grabe na ang pagod ko.   Mas gusto ko pang makipagbarilan na lang kaysa sa ganito!   Nagsuot ako ng kumportableng damit. Lumabas ako ng kwarto at halos mapatalon ako nang makita si Cedrick sa tapat ng aking kwarto. Pambihira! Wala manlang akong narinig na mga yabag. May lahi bang pusa ang lalaking ito?   “S-Sir! May iuutos po ba kayo?” Umiling siya at may inabot na papel. Napansin ko sa isa niyang kamay na may iba pa siyang papel na hawak.   “Please check if this paper contains the full checklist of the things you need to do for the whole week. Sa likod dapat niyan ay ang mapa ng bahay.” Inabot ko iyon at binasa.   Hindi iyon checklist. Bank statement iyon. Napalunok ako nang makita kung gaano kalaki ang pera niya sa banko na iyon.   “Sir, hindi ko maintindihan ang nakasulat. English kasi saka puro numbers. May pangalan ata ng bangko.” Agad niyang kinuha iyon sa akin.   “This one?” Kinuha ko iyon at binasa. Another bank statement ngunit sa ibang bangko iyon. Lalo akong nalula dahil mas malaki ang pera niya doon. Napakaraming zero!   “Sir, puro number din. Gusto niyo ako na lang ang maghanap?” Hindi siya sumagot at hinablot ulit ang papel. May binigay siya muli.   “How about this?” Lihim akong napangiti. Sa wakas, checklist na ang nakuha niya. Bumaling ako sa ibang papel na hawak niya. Ilang bank statements pa kaya ang naroon? Grabe. Hindi talaga biro ang yaman niya. Talagang matutuwa sa akin ang mga boss kapag nasimot ko ang lahat ng iyon.   “Ayan na nga ata, Sir. May mapa akong nakikita sa likod.” Tuluyan na niyang binigay sa akin ang papel. Tinupi ko iyon at binulsa.   “I will observe you for a week. Kapag hindi ko nagustuhan ang trabaho mo, aalis ka dito. Hindi ko kailangan ng pabigat sa bahay ko. Do you understand?” Sumimangot ako.   Ang sama naman ng mga lumalabas sa bibig ng bulag na ito! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD