Kabanata 3

3289 Words
Tinignan ko ang papel na binigay niya sa akin. Kanina pa siya nakaalis sa harap ko at hindi ko alam kung saan na siya nagpunta.   Checklist nga talaga iyon ng dapat kong magawa sa buong linggo. Bawat araw ay may nakatoka akong dapat na linisan. Pambihira! Sa isang araw halos tatlong kwarto dapat ang malinis ko. Totoo ba ito?!   Bakit parang totohanan naman ang pagiging katulong ko? Barilin ko na lang kaya itong Cedrick na ito tapos hukayan ko na ng libingan sa garden niya para malaya akong makapag-hanap sa vault. Papahirapan pa kong maglinis eh. Ang daming pinapagawa. Sa Linggo lang ang break ko! How am I supposed to find that damn vault in just a day!?   Huminga ako ng malalim. This is too much stress for me. Hindi pa nga ako tuluyang nakakapagpahinga para sa araw na ito tapos ay marami ng nakalinyang gawain para sa araw na ito!   Halos padabog akong patungo sa kitchen. Muntik pa akong maligaw dahil ang dami talagang pasilyo ng bahay. Nagsimula akong magluto ng pagkain para sa tanghalian.   Marunong naman talaga ako ng gawaing bahay. Namumuhay akong mag-isa at alam kong magluto ng pagkain, maglinis at maglaba ng sariling gamit. Hindi ko lang alam kung papasa kay Cedrick. Mukha kasing napakaarte ng lalaking ito at kahit bulag ay hindi papalampasin kapag may hindi ako nalinis ng maayos sa bahay niya.   Pinatay ko ang electric stove at naupo sa hapag-kainan. Nakaramdam tuloy ako ng gutom. Wala pa akong almusal ngayong araw.   Sinilip ko ang pagkaing niluto ko tapos ay bumaling ako sa paligid at nagmasid. Mukha namang wala siya sa malapit kaya naman nagsandok na ako ng pagkain para sa sarili.   Doon na rin ako mismo sa kusina kumain habang nakatayo. Kain-kargador talaga ang ginawa ko. Lamon kung lamon. Grabe kasi talaga ang gutom ko. Dagdagan pa ng matinding pagod. Nasa kalahati pa lang ang araw pero parang gusto ko ng humilata at matulog.   Masarap ang kain ko sa oras na iyon. Tuloy-tuloy ang subo ko nang may narinig akong nagsalita sa likod ko. f**k!   “Aira.”   Bumara sa lalamunan ko yung pagkain. Nalunok ko kasi agad dahil sa gulat. Nagmamadali akong kumuha ng tubig sa ref. Halos maubo pa ako habang umiinom. Sinamaan ko ng tingin si Cedrick. Leche itong lalaking ito, nasaan na ba ang baril ko!?   Huminga ako ng malalim at sinikap na pakalmahin ang sarili.   “Sir Cedrick, bakit po?” Itinabi ko ang plato ko. Hindi ko pa ubos iyon at hindi talaga ako natutuwa na inistorbo niya ako sa pagkain ko.   “Kung tapos ka ng magluto, ihatid mo na lang ang pagkain sa kwarto ko. Check the map so you won’t get lost.” Iyon lang ang sinabi niya tapos ay tinalikuran na ako kaagad. Umirap ako sa kawalan. Bahala ka diyan, basta ako muna ang kakain.   Sumimangot ako saka pinagpatuloy ang pagkain. Bakit hindi ko manlang nararamdaman na kumikilos siya dito sa bahay? Hindi ko manlang naririnig mga yabag ng paa niya. Parang hindi ako agent ah, hindi ko manlang siya napapansin!   Nang matapos akong kumain ay dinalhan ko nga siya ng pagkain. May nakahandang tray doon kaya naman iyon ang gamit ko ngayon. Tinandaan ko ang dadaanan ko patungo sa kwarto niya. Nasa third floor iyon at pinakadulo pa.   Hingal na hingal ako sa pag-akyat ng hagdan. Bakit hindi niya naisip na magkaroon ng elevator!? Ang dami pa namang step ng hagdan niya! O kaya naman, escalator! Marami naman siyang pera pero bakit hindi niya naisip iyon? Mas convenient pa iyon dahil bulag siya. Hindi siya mahihirapan mag-akyat baba sa mansyon na ito.   Saka ang tapang niya pa talaga ha. Siya na ang bulag na may kwarto sa pinaka-itaas at pinakadulo ng mansyon. Nakakaloka!   Kumatok ako ng tatlong beses. Medyo nangangalay na ang kamay ko sa bigat ng dala ko. Nilagyan ko na rin kasi ng inumin niya iyon. Mahirap na ‘no, ayoko ng pabalik-balik. Wala akong narinig na sagot. Sinubukan ko ulit na kumatok, mas madiin at malalakas iyon ngayon pero wala pa rin. s**t! Akala ko bulag lang, bingi rin pala!   Binalanse ko ang tray gamit ang isang kamay at sinubukan na pihitin ang doorknob ngunit naka-lock naman iyon. Galit akong kumatok. Kapag itong lalaking ito ay hindi pa rin ako nilabas, itatapon ko talaga itong tray na hawak ko!   Padarang na bumukas ang pinto. Nakita ko ang galit na expression ng mukha ni Cedrick. Aba! Siya pa ang galit!? Siya na nga ang hindi nagbubukas ng pinto? Feeling niya ba magaan itong dala ko? Isampal ko kaya sa mukha niya itong tray na hawak ko? Nako, nanggigigil talaga ako!   “Will you please stop doing that!? You can knock on my door, twice or thrice then just wait for me to open the door for you!” Galit na sabi nito. Ang kapal talaga ng mukha!   “Sir, huwag ka pong mag-english ng sunod-sunod! Hindi ko naiintindihan!” Hindi ko napigilang magtaas ng boses.   “Are you stupid!? Basic english lang, hindi mo pa maintindihan?” Napanganga ako sa sinabi niya. Wow! Of course, I could very well understand everything he said pero hindi naman ako si Aira Valdez ngayon. Ako si Aira Batungbakal, hindi nakapagtapos ng pag-aaral at hindi marunong magsalita at makaintindi ng english! Napaka-judgemental ng gunggong na ito?!   “Sir, kunin niyo po muna itong pagkain kasi kanina pa po ako naghihintay! Ngalay na ngalay na ako.” Nagsalubong ang kilay niya. Padabog niyang kinuha ang pagkain at dinala sa loob ng kwarto. Sumunod ako sa kanya sa loob at muling nagsalita.   “Una sa lahat, hindi po ako nakatapos ng pag-aaral! Taga-probinsya ako sir, sa kadulu-duluhan ng Pilipinas at pahirapan ang pag-aaral doon! Pasensya naman po kung hirap akong makaintindi!” Galit siyang bumaling sa direksyon ko.   “Get out of my f*****g room!” Umalingawngaw ang matinding galit sa kanya. Nakaramdam ako ng kaunting takot. Kakaiba ang tingin niya kahit hindi direktang nakatama sa akin ang mata niya. Nang hindi ako nakagalaw sa pwesto ko ay lumapit siya sa akin.   Nagulat ako nang makuha niya ng eksakto ang braso ko. Madiin niya iyong hinawakan at dinala ako palabas ng kwarto niya. Halos ma-out of balance ako dahil sa lakas ng pagkakadala niya sa akin sa labas. Akala mo gamit lang ako na pwede niyang itapon kung saan!   “Wala kang karapatan na pumasok sa kwarto ko. Naiintindihan mo ba ako?!” Hindi niya ako hinintay na makapagsalita. Binagsakan niya ako ng pinto pagkatapos niyon. Nakanganga ako habang nakatingin sa kanyang pinto. Grabe, siya na ata ang pinakamasungit na taong nakilala ko.   Lahat ng taong ninanakawan ko, na kadalasan naman ay lalaki ay hindi ako magawang masungitan. Paano, nadadala naman kasi sila sa ganda at alindog ko. One thing in common is that they are after s*x. Kaunting landi lang sa mga iyon ay tiyak mahuhulog na sila sa patibong ko kaya naman ngayon ay hirap na hirap ako. Paano ko papaganahin iyon kung bulag naman ang nanakawan ko. Mas mahirap nga talaga itong misyon na ito kaysa sa inaakala ko.   Hinayaan ko si Cedrick na magkulong sa kwarto niya. Papalamigin ko muna ang ulo. Masyado siyang galit. Napaka-init ng ulo! Pinaglihi ata sa sama ng loob ang lalaking ito. Kung hindi seryoso at walang emosyon, lagi namang nakasigaw at galit. Buti hindi siya pumapangit kahit lagi siyang nakabusangot.   Bumalik ako sa sala at naupo doon. Nilabas ko ang papel na nagsisilbing checklist ng mga gagawin ngayong linggo. Sumasakit talaga ang ulo ko kapag napapatingin dito. Lalo akong tinatamad umpisahan kasi bumungad sa akin ang napakaraming gawain. Bakit isa lang ang kinuha niyang katulong? Ang unfair naman ata nito!?   Para sa araw ng Lunes at Martes, bukod sa mga pang-araw-araw ng gawain tulad ng pagluluto, paghuhugas, paglinis ng sala at kusina ay kailangan ko ring linisan ang lahat ng kwarto sa buong first floor. Nanlaki ang mata ko nang makita na pati ang nasa labas ay kailangan ko rin palang linisan. That include’s his lion’s huge cage! f**k, seryoso ba!?   Ang Miyerkules at Huwebes naman ay para sa second floor, kasama ang mga balcony at mga naglalakihang bintana ng bahay. Halos nasa anim ata ang kwarto sa second floor. Napakarami talaga! Hindi ko alam kung hanggang kailan ba ako magrereklamo dito pero naiinis talaga ako!   Sa Biyernes naman at Sabado ay ang third floor ang lilinisin ko, kasama ang atique! Pambihira. Sana naman kasi tatlo ang katulong niya para tig-iisa ng floor! Parusa ata itong pinunta ko dito eh, hindi misyon! Siguro ay sinadya talaga ito ng hinayupak na Tristan na iyon. Inggitero kasi ang pangit na iyon! Palibhasa nasa akin ang atensyon ng mga boss nitong nakaraan kaya galit na galit lagi sa akin.   Napagpasyahan ko ng tumayo at sinimulang linisin ang mga kwarto sa first floor. Hindi rin naman gaanong maalikabok ang mga gamit pero kahit na, ang dami pa rin. Nagwalis at naglampaso ako ng sahig pagkatapos kong mapunasan ang mga ibabaw.   Napahinto ako sa paglampaso ng sahig nang may makita akong maliit na kulay pulang umiilaw sa halaman. Agad kong iniwas ang aking tingin doon. Alam ko agad kung ano iyon. Camera iyon at sigurado akong may maliit na chip doon para sa mic. Umarte ako ng normal. Nagawa ko pang sumayaw-sayaw at kumanta. Hindi na ako ulit tumingin sa gawing iyon ngunit nakatatak na sa akin kung saan may nakapwestong camera. Ilalagay ko sa notes ko iyon mamaya.   Naulit ng ilang beses iyon sa ibang mga kwartong nilinisan ko, minsan ay hindi lang iisa ang nakikita kong camera, minsan ay dalawa at tatlo pa. Bigla akong naging alerto sa kilos ko. Bakit may mga camera dito at para saan? Para mabantayan ni Cedrick kung ano ang ginagawa ko dito o ng ibang tao sa bahay niya? Paano naman niya magagawa iyon kung bulag nga siya?   I stood frozen when realization hits me. Pwedeng hindi siya bulag at nagpapanggap lang. Mas mamanmanan ko siya ngayon. It is not possible. Pwedeng pwede niya iyon gawin.   Pinunasan ko ang aking pawis habang lumalabas sa huling kwarto na natapos kong linisin. Halos mapatalon ako nang sumulpot si Cedrick at dire-diretsong naglakad. Dala niya ang tray ng pinagkainan niya. Mukhang hindi niya ako napansin sa gilid niya. Nanliit ang aking mata sa cane na hawak niya. Pinapatama niya iyon sa sahig at sa magkabilang gilid ng nilalakaran niya para siguro malaman kung may matatamaan siya sa paglalakad.   Sinundan ko siya. Nakita kong bahagya siyang tumigil sa isang bahagi ng pader at may hinawakan siya doon. Saglit lang iyon at pagkatapos ay saka siya kumanan patungo sa sala. Ganoon din ang ginawa niya sa pader sa pagitan ng sala at kainan. Hanggang sa makarating na siya sa kusina at nilagay doon ang tray.   Napagilid ako at halos magpigil ng hininga nang humarap siya at naglakad na pabalik at paakyat sa lungga niya. Nakakakaba naman iyon. Pakiramdam ko nasa isang pelikula ako at bawal akong marinig o mahalata ng Cedrick na iyon. Napailing ako.   Sinundan ko ang nilakaran niya kanina at nilapitan ang pader na hinintuan niya kanina. Nanliit ang mata ko at nilapit ang mukha. Mayroong mga nakaumbok doon na tuldok. Kinapa ko iyon at nagliwanag ang mukha ko nang malaman kung ano iyon. Isa iyong braille! Ito ang mga ginagamit ng bulag para makapagbasa. Napatango-tango ako. Now I know.   Hindi naman pala talaga niya memorize ang buong bahay. May mga guide lang talaga sa pader kaya parang alam na alam niya ang pasikot-sikot ng bahay. Hindi iyon mapapansin agad dahil kakulay ng pader iyon at makikita lang talaga kapag nilapitan.   So bulag talaga siya? Eh para saan ang mga camera? Umiling ako saka nagpatuloy na sa pagiging katulong.   Kailangan kong mag-ingat sa kilos ko. Siguro ay isasabay ko na lang sa paglilinis next week ang paghahanap sa vault. Para hindi halata. Lalo pa at may camera sa paligid na nagmamatyag ng kilos ko. I need to be more extra careful. Isang maling galaw ko lang ay maaari akong mahuli dito.   Hindi ko pa lubusang kilala si Cedrick Mercado. Sir Tristan did not go deep in giving me his informations. Gusto niya atang ako na ang makatuklas ng mga bagay-bagay dito sa mansyon niya. Basta ang alam ko lang ay anak siya ng mayamang negosyante. Walang duda iyon dahil sa mga bank statements na nabasa ko sa kanya.   Kinagabihan ay muli akong nagluto para sa pagkain naming dalawa. Ang kaunting natirang ulam noong tanghalian ay itinabi ko para sa pagkain ng kanyang lion. Matapos kong magluto ay hinanda ko na ang pagkain ni Cedrick at hinatid iyon sa kanyang kwarto.   Kumatok ako ng tatlong beses at pagkatapos niyon ay naghintay na lang ako na pagbuksan niya ako. Inabot nanaman ako ng ilang minuto na nakatayo doon bago niya ako pinagbuksan. Mabuti na lang talaga at bulag siya kaya hindi niya nakikita ang reaksyon ko! Pigil na pigil ako sa aking sarili na sapakin siya sa ilong.   “Nalinis mo ba ang lahat ng kwarto sa first floor?” Malamig na tanong nito. Umirap ako sa kawalan.    “Opo sir, nalinis ko po kanina.” Mahinahon kong sabi.   “Even the garage? My lion’s cage room?” Napahinto ako sa huli niyang sinabi. Hindi ko pa iyon nagagawa dahil paano!? Mahal ko pa ang buhay ko!   Kanina ngang lumabas ako para magtapon ng basura at maglinis ng garahe ay agad iyong nagwala sa kulungan niya. Halos kalampagin na ng lion na iyon ang malalaking bakal sa harap niya para lang masunggaban ako tapos gusto niyang ipalinis sa akin ang kulungan na iyon? Is he out of his mind?   “Sir, yung lion kasi…” Kinuha niya ang tray na hawak ko.   “Umakyat ka dito pagkatapos mong kumain ng hapunan. Papalayain ko muna sa Candy habang naglilinis ka ng kulungan niya. Prepare for his food para distracted siya mamaya.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinagbagsakan na niya ako ulit ng pinto.   Napatunganga ako. Akala ko pa naman tapos na ang araw ko na ito. Akala ko pwedeng hindi na muna gawin yung paglilinis sa labas pero kailangan pa rin pala! Nanakit na ang likod ko sa dami ng ginawa ko sa araw na ito! Hindi ito makatarungan dahil hindi naman talaga ako katulong! Nakakabwisit talaga.   Galit ako habang kumakain. Ang gusto ko na lang ay ang matulog at magpahinga! Bakit kailangan na makaharap ko pa ang lion niya na iyon?   Mabilis lang akong kumain. Hinanda ko ang pagkain ni Candy. Marami iyon dahil malaking bulas din ang lion na alaga niya. Hindi ko alam kung ilang taon na iyon pero wala akong balak na malaman pa iyon.   Pagkatapos kong maihanda ang pagkain ay umakyat ako sa kwarto ni Cedrick. Medyo nagiging pamilyar na ako sa daan patungo sa kanyang kwarto, ang problema lang talaga ay nakakapagod at nakakahingal. Masakit sa paa!   Kumatok ako ng tatlong beses.   “Sir, papakainin na po ang alaga niyo.” Malakas kong sabi. Pagkaraan ng ilang segundo ay binuksan niya ang pinto. Hawak niya ang tray at pinadala sa akin. Nauna siyang naglakad pababa at sumunod lamang ako sa kanya.   Pinagmasdan ko ang kanyang katawan habang naglalakad siya sa harapan ko. Nakasuot siya ng simpleng t-shirt na kulay puti. Sakto ang sukat niyon sa kanyang katawan. Pumoporma ang kanyang mga muscles sa manggas at ang kanyang malapad na likod ay kitang-kita rin.   Bumaba ang aking mata sa kanyang puwitan. Nawala ang kairitahan sa akin nang makita ko ang matambok niyang puwit. Sexy naman pala niyan!   Pagkarating namin sa first floor ay dumiretso muna ako sa kusina at siya ay nagtungo na sa labas. Mamaya ko na huhugasan ang mga pinggan pagkatapos kong harapin ang lion ni Cedrick. Higang-higa na ko!   Hindi pa ako nakakalabas ng bahay ay rinig ko na agad ang ingay ng alaga ni Cedrick. Nasa kabilang dulo siya, malapit sa garahe. Nakatali ito gamit ang malalaking chain ng bakal habang pinapakain siya ni Cedrick. Maingat akong naglakad palabas.   Kinuha ko ang mga gamit panglinis at lumapit sa kulungan. Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Cedrick. Napatakip ako ng aking ilong nang maamoy ang pinagsamang ihi at tae doon sa loob. Napakabaho naman! Pambihira! Do I really need to this!?   “Your time is limited. Dapat ay malinis mo na ang kulungan na iyan pagkatapos kumain ni Candy dahil ibabalik ko rin siya diyan kaagad. Sa oras na natapos si Candy at nandyan ka pa rin ay bahala kang maglinis ng nasa tabi mo siya.” Pagkasabi niya niyon ay tinalikuran niya ako. Naghari na nanaman ang pagkairita ko sa kanya.   Gustong-gusto kong ipukpok sa kanya ang mahabang kahoy na may brush sa ulo niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Talagang masusubok ang pasensya ko sa lalaking ito!   Agad kong inumpisahan ang paglilinis. Halos masuka ako habang winawalis at nilalagay sa dustpan ang sandamakmak na taeng nagkalat sa sahig. Ang iba pa nga doon ay naapakan na ng Candy na iyon! Kadiri, s**t! Ano ba itong pinasok ko!?   Binuhusan ko ng tubig ang sahig upang mabawasan ang panghi doon. May maliit na floor drain naman sa dulo kaya hindi maiipon ang tubig. Sinilip ko si Cedrick na hinahagod ang balahibo ni Candy. Mabilis itong kumakain at halos manlaki ang mata ko nang makita na halos mangalahati na ang pagkain niya. s**t, nag-uumpisa pa lang ako!   Minadali ko ang pag-brush ng sahig. Gusto kong magwala sa tuwing may tumatalsik sa aking paa habang sinasagawa iyon. Kadiri talaga! Nakakaiyak itong pinapagawa niya sa akin!   Ilang beses kong inulit ang pagsasabon at brush ng sahig. Ganoon din ang ginawa ko sa dingding. Tinadtad ko na rin ng zonrox ang paligid para mawala na ang mabahong amoy ng kulungan na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit umabot ng ganoon kadumi. Kailan ba ito huling nalinisan!?   Naging alerto ako nang marinig ko ang tunog ng mga bakal. Napalingon ako kay Cedrick at nakitang tinatanggal na niya ang bakal sa sabitan. Mabagal silang naglakad patungo sa pwesto ko. Nagkatinginan kami ni Candy. She growled loudly. Kita ko ang matinding galit ng mata nito sa akin.   Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko panlinis. Pinunasan ko pa ng isang pasada ang sahig bago mabilis na tumakbo palabas doon.   “Good. You’ll do this every week. Bukas ay isabay mo na ang pagpapaligo kay Candy.” Agad akong umalma. Ang sama nga makatingin sa akin ng lion na ito tapos gusto niya pa na ako ang magpapaligo!? Gusto niya bang mawalan ako ng kamay?!   “Sir naman! Hindi pa naman po ako kilala niyang si Candy!” Biglang nagalit ang lion pagkabanggit ko ng pangalan niya. Napatalon ako sa gulat at mas lalong lumayo nang bigla itong lumapit sa pwesto ko at tila gusto akong lapain.   “Hindi naman iyan nangangain ng tao. Huwag ka ngang maarte. The more you’ll show her how scared you are, the more she’ll do that to you.”   Muntikan kong maihampas sa kanya ang kahoy na hawak ko. Ako pa ang nag-iinarte ngayon!? Buti sana kung aso lang ang alaga niya, iyong tipong mas malaki ako at kaya kong ma-control. But hell no! Mas malaki pa ang lion na iyon sa akin!   Nauna ng pumasok sa akin si Cedrick. Saglit pa muna akong nakipagsukatan ng tingin kay Candy. Narinig ko ang nanginginig nitong galit sa akin. Pinandilatan ko siya ng mata at tinahulan. Tumalon siya at kinalampag ulit ang kulungan niya. Napaatras ako sa takot. Joke lang eh!   Bumalik ako sa loob ng bahay ng basang basa. Napapikit ako nang makita ang ilang mga talsik ng tae sa aking binti. s**t, makakatatlong hilod ata ako ngayong gabi.   Maginhawa akong napahiga sa higaan. Pagod na pagod ako! Unang araw ko pa lang ito ha! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD