Marami akong hindi nalinisan kahapon dahil sa pagdating ng Sophia na iyon kaya naman ngayon ay medyo nagagahol ako sa paglilinis sa buong second floor. Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa aking mukha. Nasa pangatlong kwarto pa lang ako at may apat pa akong hindi nalilinisan. Mas naging matagal ang paglilinis ko ngayon kumapara sa mga nakaraang linggo at nakakainis dahil halatang-halata kung bakit delayed iyon ngayon. “So, you mean to say that there are no guys who tried to hit on you?” Tila hindi pa rin siya kumbinsido sa sinasabi ko. Naiiritang humarap ako sa kanya. Mula nang matapos kaming mag-almusal ay parang aso na itong nakasunod sa akin. He followed and stayed with me while I clean the first two rooms. At habang ginagawa iyon ay panay siya tanong sa buhay ko. Dinada

