Aizen's pov: Ilang araw na lamang pero bakit!? Bakit napakatagal!? Parang nananadya ang oras. Kapag hinihintay, saka naman sya bumabagal! Nakatayo ako sa may veranda habang nagpapahangin. Hawak-hawak ko ang laket na bigay sa akin ni Vishnu no’ng bata pa ako. Sa loob ng ilang araw, bibitawan ko na ang titulong ‘Prime’ at ako na ang magiging pinuno ng Mafia. Kasabay nang tuluyang pag-alis ko ng aking maskara ang mas mabigat na tungkulin na aking kakaharapin. Nalalapita na… ang takdang panahon. Handa na ba talaga ako para dito!? Handa na ba akong tawaging... Mafia Lord? "Bakit nand’yan ka? Nasaan ang Harriet?” Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang boses ng aking ama. Lumapit sya sa akin; kasama nya din si Brahma at Zurie na ngayon ay tinatawag ng Archon at sya na ang namamaha

