Callix's pov: It's been hours since the party started… malapit na maghating gabi pero ang halos lahat ay nagsasaya pa din. Hindi ako sanay sa ingay o mga ganitong kasiyahan kaya medyo nakakaramdam na talaga ako ng antok. Nakailang canned beer na ba ako? Mukhang nakadagdag din ang iniinom kong beer sa antok na nararamdaman ko. Hmn. Ilang oras na ang lumipas pero… hindi pa rin ako nagkakaroon ng tyansang makausap man lang si Kirsten, nakakainip talaga. Mula sa sulok ay pinagmamasdan ko lamang sila na sumasayaw. Kasama nya ang kapatid ko ay mukhang nasisiyahan naman sila sa birthday party na ito ni Dylan. Hindi ko masosolo si Kirsten dahil sinasamahan nya ang kapatid ko. Napainom na lang ako ng beer ulit at napapapikit sa mapait at malamig na lasa nito. Ang sarap! … "Hoy, tara na!!!" y

