Dylan's pov: Magdadalawang buwan na pala ang lumipas pero… wala pa ring pagbabago sa lahat. Hindi pa din nagigising si Aizen, ngunit ang sabi ni Leviticus ay maayos na ang kanyang kalusugan. Wala na ring mga nakakabit na tubo sa kanya ngayon bukod sa swero at para na lamang talaga syang natutulog. ‘Yon na lamang talaga ang kulang… ang idilat nya ang kanyang mga mata at bumangon na sa kanyang higaan. Gumaling na ang mga galos nya at pati na rin ang mga malalalim nyang sugat medyo umimpis lang ang kanyang pisngi ngunit marahil ‘yon ay dahil sa pagkakahimbing nya ng matagal nang di man lang kumakain ng kahit ano. Pero… bakit nga kaya? Bakit hindi pa rin sya gumigising? ... Napalingon kami ni Venice nang marinig ang katok sa pinto ng kwarto ni Aizen kung nasaan kaming mag-asawa. Marahang

