Dylan's pov: Pagbalik naming ni Venice ng Mafia Mansion, agad na bumungad sa amin ang ilan sa mga tagabantay. "Dumating na ba ang Harriet!?" Tanong ko sa mga tauhan. "Kararating lamang din po nila!" sagot ni Stan at tinanguan ko na lamang siya. Nagpatuloy kami ng aking asawa na pumasok sa loob ng mansyon. Nang marating naming ang ang malawak na living area na para talaga sa mga bisita, bumungad sa amin doon sina Callix at Sashna. Nnag mapansin nila ang aming pagdating ay agad silang napalingon sa amin at ngumiti sa akin si Sashna. “Dylan!” sambit nya sa pangalan ko. “Hmn, kamusta ka na… Sashna?” tangong ko sa kanya at nginitian ko din sya. Medyo nakaramdam ako ng pangingilabot. Bahagya pa lang nakatingin sa akin si Venice ng matalim! E-Eh? Lagot! Ahahaha! “Maayos na ako, salamat!”

