Ang pasimula. “S-Saan nyo ako dadalhin!? B-Bitiwan nyo ako!!!” ani ng isang batang lalaki na marungis ang mga paa at nakasuot ng sira-sirang damit. “Huwag kang matakot iho, tutulungan ka namin!” pagpapakalma sa kaniya ng matandang babae. “Isasama ka namin sa ampunan. Doon hindi ka na mamalagi dito sa kalye; makakakain ka na ng sapat at may matutulugan ka nang maayos,” dagdag ng dalagang kasama niya na si Lara. “A-Ampunan? B-Baka saktan niyo lamang ako! Baka bugbugin niyo lamang ako tulad ng mga magulang ko!” nangingiyak na saad ng bata ngunit pinipilit pa rin ipakita ang katapangan. “H-Harris, kumalma ka! Wala kaming gagawing masama sa iyo!” pilit na pangungumbinsi ni Lara. “Sinungaling!” hiyaw ng bata na nagkuyom na ng kaniyang mga palad. “G-Ganiyan din ang sinabi ng aking ina n-ngu

