Tumayo si Dreyfus, isa pang batang lalaki na nakatira din sa ampunan. Kabaliktaran ni Edward, si Dreyfus ay tahimik at palaging may hawak na libro. Pangarap ni Dreyfus maging isang abogado kaya naman nag-aaral talaga siya palagi. “A-ANO BANG GINAGAWA MO DITO? HINDI BA SABI KO HUWAG KA NG PUPUNTA DITO?” tila umuusok ang ilong na sabi ni Edward. “Tahimik kasi dito,” tugon ni Dreyfus. “Ang lakas ng loob mong pagbawalan ako, hindi mo naman pagmamay-ari ang lugar na ito!” “A-Anong baka gusto mong,” –kinuha ang isang tubo na itim at binali ito— “pasabugin kita!” Ang tubo pala ay binabalahan ng malalaking bato at tila isang maliit na kanyon kung gagamitin. Itinutok niya ito kay Dreyfus at akmang patatamaan. “Ano ba ang bagay na iyan!?” tanong ni Harris. “Kanyon!” tugon ni Edward na nakangis

