Orion’s POV Pagkatapos ng meeting namin with our coach, tumambay kami sa grounds ng campus para naman maka relax ang katawan namin kahit sandali lang. Bukas na ang game and everybody is on the edge. Napansin kong naunabng umalis si Axid at sinabi ng kasamahan ko na pupuntahan niya daw ang mother niya so good luck with that. I hate his parents very much, very manipulative at matapobre. Alam kong ayaw nila ako na maging matalik na kaibigan ng kanilang anak because of my preference pero dahil mayaman ang pamilya namin, nakikisama na lang sila. Ano na naman kaya ang kailangan ni Mrs. Stone? I hope she won’t torment him na imposibleng mangyari. Nasa ilalim kami ngayon ng malaking puno at pinag-uusapan ang mga past experience namin sa makakalaban namin. Pag nanalo kami ngayon, isang game na lan

