Akala ko babalik kami sa university pero nag-iba ng daan si Axid at dumiretso kami sa bahay niya. Bagsak siyang umupo sa sofa nang makapasok kami. Pansin ko ang stress sa mukha niya at lungkot na rin. Tinabihan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay tapos ay pinisil yon. "It's okay Axid, hindi ka na nila makokontrol pa." sabi ko at hinaplos ang mukha niya. He leans into my hand and he sighs heavily. "I'm glad that you're still here. Alam kong galit ka dahil hindi ko sinabi sayo but I didn't expect na kasama niya si Brianna at ang ina nito. I was manipulated again by my own mother!" inis niyang sabi. "Ano ba kasi ang nangyari? Ang sabi mo may meeting kayo with your team." sumandig siya sa upuan. "I was… Matapos ang meeting namin, pupuntahan na sana kita but my mother called. She wan

