Chapter 7

916 Words
~(AIZEN SANTOS POV) Nakabalik na kami ni Kier sa lungsod after few days of vacation. Tambak ang paperworks na dapat kong basahin, pirmahan at i-aprove pero nakuha ko pang mag-isip ng kung anu-anong bagay. "Bal," Umangat ang tingin ko sa tono ng boses ni Chan na mukhang naubos ko na ang pasensya. "You are not paying attention." Sa aming tatlo ay ito talaga ang may pinaka-strong ang personality, pinaka topakin at pinaka harsh. "Hmm?" Tumaas ang kilay nito. "What are you thinking?" "Nothing," mahinang sabi ko. "Stop lying. Nakakarami kana," sabi nito nang may pagbabanta. Bumuntong hininga ako at umupo nang maayos. "I was just thinking... kung... ano 'yung kailangan niya sa akin." Kumunot ang noo niya."Ha? Tanong pa ba 'yan? Eh, 'di virginity. 'Yan lang naman gusto ng mga 'yan," natatawangang saad nito. Bumuntong hininga ako. "Sa looks, sa estado ng buhay niya, makakakuha siya ng kahit ilang babaeng gusto niya. Hindi niya ako kailangan sa gano'ng bagay." "Hmmm..." Napa-isip ito sa sinabi ko. "Well, you have a point. May agreement ba kayo?" Naalala ko ang sinabi nito noon sa rooftop. "Who are you?" I asked. "It doesn't matter." "I'm not out of my mind yet." "Make him cry the way he made you cry." Hindi ako nakasagot. Napatitig lang ako sa mukha nito. I couldn't help it. Humakbang ito papalapit sa akin at hindi ko alam kung bakit kumakabog ang dibdib ko. Habang papalapit siya ay naaamoy ko ang mabango nitong amoy. Napatingin ako sa card na inabot nito. "Call me." Binaling ko rin sa mga mata nito ang tingin ko. Pakiramdam ko ay sandaling tumigil ang paghinga ko. Nakakatigil hininga ang view ng mukha nito. He looked so... perfect. Hindi ko alam kung bakit inabot ko nag card na iyon. "I'll find you if you don't," he added. Sandali akong napapikit. Matagal kong tintigan ang calling card na binigay nito noon pero kailanman ay hindi ko ito tinawagan. At katulad nang sinabi niya sa rooftop, he would find me. I was so lonely and hurt, hindi ko alam kung anong sumanib sa akin na pumayag sa offer nito. "He told me na one year or less lang ang kailangan naming dalawa, after that, pwede na kaming maghiwalay. Tutulungan niya ako kay Kevin at tutulungan ko siya sa bagay na hindi niya sinabi kung ano. Basta... we have to get married." "Baka naman brokenhearted din, bal?" Naisip ko na rin na baka 'yung Aine na iyon ang dahilan kung bakit nito gustong magpakasal. "I don't know..." "One year lang naman pala, mabilis lang 'yon not unless..." Binitin nito ang sasabihin. "Magustuhan niyo for real ang isa't isa." I rolled my eyes at her. "I cannot invest feelings anymore, you know that." She smirked and shrugged. "Malay mo naman, hindi ba? We don't know what the future holds. Anyway, baka gusto mong mag-invest ng money not feelings. Opening ng 7th bar and I'm invited. Hailey already said she's coming." "Marami pa akong gagawin, bal, next time na lang siguro." Magsasalita pa sana ito pero may kumatok sa pinto. Pumasok si Alex. "Ma'am?" Hinintay ko lang itong magpatuloy. "Nasa lobby po si Mr. Verde." "Oh, Kevin Verde?" tanong ni Chan. Kumirot ang dibdib ko by just hearing his name. "Yes po, Ms. Lane." Nagkatinginan kami ni Chan. She just shrugged. "Tell him that I don't accept visitors especially at this hour." "Eh, ma'am, sinabi ko na nga po na kailangan niya ng scheduled appointment. Hindi raw po siya aalis doon hangga't hindi niyo siya kinakausap." My jaw clenched. Pumikit ako nang mariin bago ko sinara ang folder sa harap ko. "Lead him to con 3." "Okay po, ma'am." "Stay here," I said to Chan and stood up. "Good luck," mapang-uyam na anito. Agad itong tumingin sa akin nang makita akong pumasok sa pinto. Sinara ko iyon. "Zen," agad bigkas nito. "Why are you here?" Mabilis itong lumapit sa akin. Akmang hahawakan niya ang braso ko pero agad ko iyong iniwas sa kanya. "Don't you dare, Kevin," nanlilisik ang mga matang sabi ko rito. "Gusto kong humingi ng tawad sa'yo, please forgive--" "I'm not interested. If you have nothing important to say, then leave." "Zen, kung kailangan kong magmakaawa sa 'yo gagawin ko..." mangiyak-ngiyak na sabi nito. Hindi ko alam kung tama ba ang sincerity na nakikita ko sa mga mata niya. But I couldn't trust him anymore. Nakaya niya akong lokohin nang hindi ko nararamdaman, I should expect na magaling itong magkunwari. "You don't have to do that. I don't give a s**t about what you did anymore." "I still love you... akala ko kaya ko but... damn..." Tumulo ang luha nito. Pinigilan ko rin ang luha ko. Gusto ko itong saktan. Gusto kong sabihin na kung mahal niya ako hindi niya magagawang lokohin ako. Pero hindi ko na gustong maging emosyonal sa harap niya. Ayoko lalong magmukhang talunan. "We're done. Accept it." Kumirot ang dibdib ko sa sarili kong mga salita. May parte sa akin na gustong mag protesta. "I'm married now and I should thank you. I found someone better." Lumabas ako at diretsong naglakad pabalik sa opisina ko. Gusto kong umiyak pero nasa loob pa pa rin si Chan. Hindi siya nag tanong, mukhang nakita na nito sa akin kung anong sagot. "Come on, puntahan natin 'yung bar na sinasabi mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD