Chapter 8

1039 Words
~(AIZEN SANTOS POV) "Vodka," sabi ko sa barista. Tumingin ako sa direksyon ni Chan at Hailey na sumasayaw sa dance floor. They really loved music at hindi nila mapigilang hindi sumayaw lalo na kapag may tama na ng alak. Kung kantahan naman ang pag-uusapan, magaling rin silang dalawa. Ako lang talaga ang pinagkaitan ng talento ng mundo. Iinumin ko pa lang ang alak na hawak ko pero may pamilyar na mang-aagaw ang pumwesto sa tabi ko. "Mrs. Sandoval," she said smirking. "How's it? How's being a fake Sandoval? Enjoying it?" Kung gaano ko gustong saktan si Kevin, ganoon ko rin ito kagustong saktan. Pinigilan ko ang sarili ko. Gusto kong piliin lang ang laban ko. Hindi na ako magtatakang kilala ako nito. Malamang, matagal na niyang alam na May fiancée na si Kevin at pinili lang talaga nila akong paikutin at lokohin. Kung hindi ako nagkakamali, Steph ang pangalan nito. Kay Chantal ko lang nalaman iyon. "Fake? Excuse me, are you talking to yourself?" Lalong lumawak ang ngisi nito. "Can you explain that?" Sinundan ko nang tingin ang daliri niyang nakaturo sa kung saang direksyon. Napalunok ako. That guy. May kahalikan itong babae. Pakiramdam ko ay bahagyang piniga ang puso ko. Pakiramdam ko ay niloko ako ng pangalawang beses kahit pa hindi ko pwedeng i-consider as cheating ang ginagawa niya. Wala naman kaming karapatan sa isa't isa. Paulit-ulit na nagpe-play ang ginawang kababuyan ni Kevin at ng babaeng nasa harap ko ngayon. I just couldn't forget it. "Oh, is that your husband? You really think he likes you, hmm?" She chuckled. "You are nothing but a pathetic gold digger," mariing sabi nito. My jaw clenched. Mangingimi ko na siyang sabunutan pero may grupo ng lalaki ang lumapit sa amin. Dinaanan lang siya ng mga ito na halos matabunan siya. "Hi, miss, Brent nga pala." Agad lahad ng kamay sa akin ng isang matipunong lalaki. He looked charming, ang ganda ng asul na mga mata niya at matangkad rin ito. Humarang naman ang isa pang matangkad na lalaki at siya naman ang naglahad ng kamay sa akin. "Jade, miss, and you are?" Matamis ang ngiti nito. Gwapo rin ito at mukhang alaga rin ng gym. Napatingin ako sa lalaking nasa likod nila na nakangisi lang sa dalawa. Kung hindi ako nagkakamali, his name was Gabe. Nakita ko na siya noong kinasal kami ni Kier. Siya 'yong lalaking kasama namin sa kasal. "Hi," bati nito at ngumiti. Nakita ko na naman ang malalalim nitong dimples. "Hi," bati ko pabalik dito and smiled a little. Hindi ko alam kung bakit nakuha ko pang tumingin saglit sa direksyon ni Kier. Bahagya akong nagulat na masama itong nakatingin sa akin pero agad ko ring tinaggal ang tingin rito dahil sumasakit ang mga mata ko sa babaeng nakakandong sa mga hita niya. No, sumasakit ang mata ko sa kanilang dalawa. He was a flirt. Napanguso ang dalawang lalaki sa harap ko sabay tingin nang masama kay Gabe. Nakatingin lang ako sa mga ito nang naramdaman kong may malamig na kung anong bumasa sa damit ko. Bahagya akong napanganga seeing that b***h smirking at me. What the heck was wrong with her? "Oops, sorry, natapon." "Wuoh..." saad ng dalawang lalaki sa harap ko na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa damit kong natapunan ng beer. I realized na nakasuot ako ng manipis na puting sleeves and I looked like wearing nothing. Bago ko pa matakpan ang dibdib ko ay may humablot na sa balikat ko at sumubsob ako sa mabangong dibdib nito. "What the hell are you looking at?" singhal nito. I was speechless. I found it weird na nagwawala na naman ang puso ko realizing that it was him— Kier. Muling may humablot sa akin and it was Chan. "Anong ginagawa niyo sa kaibigan ko, ha?" palabang anito sabay tingin nang masama sa mga lalaki. "Mga bastos kayo! m******s!" Segunda naman ni Hailey sabay hampas ng bag kay Kier, kay Jade, Gabe at Brent. Napatigil si Hailey nang maharap siya kay Steph. Tumingin siya sa baso na hawak nito sabay tingin sa damit ko. "This b***h looks familiar?" tanong nito sa akin habang nakaturo kay Steph. "The boyfriend stealer," naniningkit ang mga matang saad ni Chan. Bago pa ako makapag-react ay nahila na ni Hailey ang buhok nito. Binitiwan ako ni Chan at tinulungan niya si Hailey sa pagsabunot rito. "Bal, stop!" suway ko sa kanila pero parang wala silang naririnig. Nakahiga na si Steph sa sahig na abot ang ilag sa kanila. 'Yung mga boys naman ay nakangangang nakatingin kina Chan, Hailey, at Steph. "You are such a b***h, huh!" sigaw ni Hailey rito. Sinusubukan ko silang pigilan nang may kumuha sa wrist ko. Kinaladkad ako nito papuntang carpark. "Bitiwan mo nga ako!" Binawi ko ang braso ko sa kanya and glared at him. No, Zen you're not gonna lose it. Tumalikod ako sa kanya at akmang lalakad palayo pero muli niyang kinuha ang braso ko at siniil ako ng halik. "Ano--" I said between his aggressive kiss. "Stop!" Naitulak ko ito at agad sumayad ang palad ko sa pisngi niya. Nagulat rin ako sa ginawa ko. I've never slapped anyone in my 24 years of existence. Halos mapaso ako sa nagbabaga niyang mga mata. Marahas niyang kinuha ang braso ko. "Nasasaktan ako," agresibong sabi ko. "I own you, and I can do whatever I want to you." Lalong kumabog ang dibdib ko sa sinabi nito pero ayokong magpakita ng kahit anong bakas ng intimidation. Binawi ko ang braso ko at tinulak ang dibdib niya. "I accept this marriage for a reason at alam mo kung bakit. You cannot just pull me and kiss me dahil hindi ako katulad ng mga babaeng kinakama mo! No. You don't own me because nobody owns me but myself alone. And no, you cannot always get what you want." His jaw clenched, "I can always get what I want," hindi ko alam pero kinilabutan ako sa pagkakabigkas nito. "Anything and everything I want, by hook or by crook."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD