MALRIK'S POINT OF VIEW Tahimik ang biyahe papunta sa compound. Wala ni isang salita mula kina Zakarin at gano'n din si Valeria. Ang ingay lang ng makina ng sasakyan ang tanging naririnig sa loob ng sasakyan. Ilang sandali lang ay bumungad na agad ang mataas na gate, bantay-sarado ang labas nito at kahit nasa loob ako ng sasakyan ay kitang-kita ko na ang iilan sa mga tauhan ko. Huminto ang sasakyan ay pagkatapos niyon ay agad na akong lumabas. Sa eksenang iyon ay nakuha ko ang kanilang atensyon, lahat sila ay napalingon sa gawi ko at ang kaninang maaliwalas nilang mukha ay unti-unting naging bigo. “Mio Sovrano…” halos sabay-sabay na bulong ng ilan, mahina iyon pero sapat para marinig ko at nang iba kong kasama. Agad silang yumuko, Silng Lahat. As if the ground itself demanded their re

