bc

If This Is Love

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
fated
drama
no-couple
campus
office/work place
cruel
seductive
like
intro-logo
Blurb

Shiloah, just a girl with mental health issues but not crazy, tries to look for the love she needed. Would she be able to find her genuine love despite her condition?

chap-preview
Free preview
Simula
SIMULA Isang ordinaryong umaga nanaman, with the same routine: waking up, getting ready, going to work, dinner and sleep. I just recently turned down by someone and it hurts my pride and my ego. Actually, he did not say it. I have the final say pero hindi naman ako manhid kaya nag paubaya na rin ako. Mas maganda ako pero bakit hindi ako ang pinili? Mabait naman ako at talented, top agent din ako sa trabaho namin and sociable. Anong kulang sakin? Or did I just mistakenly thought his friendliness as romance? Mga babae eh, kaya tayo nasasaktan kasi umaasa tayo sa "Actions Speak Louder Than Words" na kasabihan na 'yan. I'm in denial with the fact na mahal niya lang talaga si Myrle kaya kahit ako ang kasama ni Christopher ay si Myrle pa rin ang hinahanap niya. Ang sakit mag kunwari sa araw-araw kong kasama si Christopher, at the end of the day si Myrle pa rin ang pipiliin. Napabuntong hininga ako, bumangon na ako ng kama at nagsimulang mag ayos ng sarili. Isang oras mahigit ang byahe ko papuntang trabaho kaya naman maaga akong nagigising. "Alis na ako bes," paalam ko kay Ruth na bagong gising. She's my bestfriend. Naninirahan siya pansamantala sa boarding house ko kasama ang boyfriend niya. Medyo mahirap nga lang kasi isinakripisyo ko ang personal space ko para sa boyfriend niya. Kung dati ay pagkauwi ko galing trabaho nakakapag hubad na ako agad ng damit at nakakatulog ng naka-underwear lang, ngayon ay kailangan sa cr ako dapat laging mag bihis at kailangang maging maingat ako sa mga galaw ko kasi kahit boyfriend siya ni Ruth, lalaki pa rin siya. Habang nasa byahe, hindi pa rin mawala ang isip ko sa mga nangyayari. Alam kong pinag uusapan ako sa trabaho bilang isang mang aagaw. Hindi ko rin naman kasalanan na nag ka gusto sakin si Christopher at nagustuhan ko lang siya pabalik dahil lagi niya akong pinapatawa lalo na kapag malungkot ako. Parehas din kami ng point of views at ng rason kung bakit nag tratrabaho malayo sa pamilya. We have many similarities kaya siguro mabilis din kaming nag kasundo at napadalas ang paglabas labas kahit na alam kong nililigawan niya si Myrle. "Good morning, RTA", bati ko nang makarating sa office. Tumango lang ito at naglakad na ako sa table ko. Dumungaw agad sakin si Christopher at Lei tapos nag bulungan sila nang makita akong pumasok. Dalawang lamesa lang ang pagitan ko sa dalawa. I am wearing a black milano blazer and crop set and michael kors crepe wide leg pants na tinernuhan ko ng white converse run star hike sneakers. Naka ayos din ako ng buhok katulad ng mga uso ngayon na space buns kung tawagin at syempre hindi mawawala ang curtain bangs ko. "Tingnan mo Chris oh, kalmado pa ring maglakad akala mo hindi late ng 30 minutes." Pang aasar ni Lei, sumang ayon naman si Christopher doon at nag tawanan sila. Oo, ang aga aga ko na ngang umalis sa boarding house, nalate pa rin ako. Tinaasan ko lang sila ng kilay bago sumagot. "Syempre bakit pa ako mag mamadali kung late na rin naman ako." Nagtawanan pa ang mga ito lalo. Sinimulan ko na ang trabaho, buong araw sa computer lang kami nakatingin. Bumibilis lang ang oras kapag nag uusap usap kami o kaya nag aasaran. Wala naman masyadong pinag bago samin ni Christopher bukod sa hindi na sya ganoon ka-touchy katulad nung dati. "Una na ako, uuwi girlfriend ko ngayon eh," paalam ni Lei. I hugged her before saying goodbye. Yes, she's a she. She's lesbian but I'm comfortable with her. Napailing ako nang maalala na ginawan din ako ng chismis na nilalandi ko daw si Lei, hindi lang ako malapit sa mga babae o binabae dahil alam ko ang takbo ng isip nila at puro paninira lang sa tao ang lumalabas sa bibig. Pero napaisip ako, muntik-muntikan ko na din siyang patulan. At the end, naging crush ko na lang siya and we became sweet with each other but other than that, we're just friends. Maybe I'm really the problem, akalain ko lang sa actions nila na mahal nila ako handa na agad akong makipaglaban para sa pag mamahal na iyon na akala ko lang pala. Sabi nga ni Azrael Montefalco, "Balang araw, mamamatay ako para sa pag-ibig ko." Sana hindi mangyari iyon saakin... Tumunog ang chatbox ko, nag chat si Christopher. Chris: Saan tayo mamamasyal mamaya? Even though things happened, we're still friends and ikinatutuwa ko iyon. Me: Ipapasyal kita sa Camp John Hay. I can't wait. Halos nakatitig na lang ako sa segundong pumapatak sa orasan ng computer ko. Ang bagal ng oras! Christopher is chatting me and keeping me entertained but still! 58 59 4:00 PM "Yes!" Agad agad akong nag punch out at nag ayos ng gamit ko. Nauna na akong lumabas at nag ayos muna ng sarili para naman hindi haggard tingnan. Lumabas na rin ang ibang kasamahan namin. "Anong plano niyo?" tanong ko. "Diretso uwi!" sabay sabay naman nilang sabi ng pabiro, napagod na din siguro silang laging namamasyal pagkatapos ng trabaho. Sumakay kami ng jeep at bumaba sa Scout Barrio, this soccer field is very special to me kaya kahit na puro puno lang ang matatanaw mo sa paligid non, lahat ng kaibigan ko ipinapasyal ko talaga dito. Bumili kami ng snacks sa tindahan at nag lakad sa papuntang field. Mayroong naglalaro ng soccer kaya hindi kami nakapasok sa camping area. "Wow, ang ganda naman dito." manghang komento ni Chris. I proudly looked at him, "told ya, marami ka pang makikitang kagandahan dito sa Baguio." Galing si Chris sa Leyte at nag pakalayo layo lang talaga siya kaya ito napadpad sa Norte. "Na-try naming mag camping dito. Kung gusto niyong mag camping dito, kailangan niyo munang mag paalam sa barangay para payagan kayo." Nagsimula na itong kumuha ng mga larawan. Pagkatapos namin sa Scout Bario ay naglakad kami papuntang Camp John Hay, medyo may kalayuan na kaunti pero dahil malamig naman ang hangin ay hindi mo rin ramdam ang pagod. "Dito yung Concentrix, 'yang building na 'yan." Turo ko sakanya dahil nabanggit niya noon na dati siyang empleyado ng Concentrix. "Grabe ang ganda naman dito, ang peaceful tingnan ng mga puno." mangha pa rin niyang sabi. "Wala pa tayo sa tuktok niyan," excited kong sabi. Habang paakyat kami, hindi nawawala yung kulitan at kwentuhan namin. Napaka comportable namin sa isa't-isa, too bad, Myrle is his ideal girl kasi matangkad na payat. She has a rectangular body shape at parang tomboy kung umasta samantalang ako, gustuhin ko man, mukha talaga akong babae. I have a pear shaped body, malaki ng konti ang balakang ko at may laman din yung mga thighs ko pero flat naman iyong abdomen ko dahil nag gi-gym ako noon. Kapag mag susuot ako ng maluluwang na damit or gagayahin ko yung mga pormahan ni Myrle, magmumukha lang akong mataba. Tss. "Andito na tayo, tara dun sa bench." "Sana pala dinamihan natin yung tubig na nabili, nakakauhaw pala akyatin to." sabi nito na medyo hinihingal ng kaunti. "Next time sa yellow trail kita dadalhin," natawa ako dahil halos dalawang oras ang trail na iyon. "Ang ganda ng sunset, wait lang tumatawag si mama ko." Sinagot nito ang video call ng ina, nag pakita sa screen nito ang isang cute na batang babae na siguro ay nasa apat na taong gulang. "Hi Princess, nagkaon ka na?" Bati ni Chris. "Kanina pa umiiyak yan hinahanap ka," sabi ng mama niya. "Bakit umiiyak ang prinsesa namin?," Pag aalo ni Chris. "Miss you tito," pabulol naman na sagot ni princess, ang cute. Hindi ko napansin na tinutok pala sakin ni Chris ang camera kaya nag tanong ang mama niya kung sino ako at kung nasan kami. Napag kamalan pa akong girlfriend niya. "Namamasyal kami ma, si Shiloah pala kaibigan ko." "Ang ganda naman ng kasama mo." Kinilig ako sa sinabi ng mama niya. Nag pasalamat ako. Hindi rin nag tagal ay natapos na rin ang pag uusap nilang dalawa. Palubog na din ang araw, mga alas-cinco na yata. "Ang payapa no?" Panimula ko. "Anong papaya?" Natawa naman ako. "Sabi ko ang peaceful," Kapag si Chris ang kasama ko lagi na lang akong tumatawa pero kahit ganoon, hindi pa rin mawawala ang redflags. Ang redflag sakanya ay mahilig siya mag laro ng Mobile Legends at hindi ako magaling mag laro noon, si Mryle magaling mag marksman. At isa pa, hindi niya alam mag luto tho natututunan naman iyon. Ang pinaka malalang redflag sakanya ay malapit siya sa babae at mabilis din siya mag kagusto sa babae. Napatunayan ko iyon nung nagustuhan niya ako habang nililigawan niya si Mryle. Pakiramdam ko kapag si Christopher ang naging boyfriend ko, magiging toxic lang ako sa sarili ko. At tyaka nabanggit niya din sakin na kapag nagka girlfriend siya gusto niya live in na agad. Malibog ata iyon eh. "May sasabihin ako Chris," panimula ko habang nakatingin sa kanya.. Tumingin ito saakin at binalik ang tingin sa papalubog na araw. Ngumiti ako, "Mag mo-move on na ako saiyo. Bibigyan ko ng chance si Nicolson. Tanggap ko na din naman na hindi na pweding maging tayo. At alam ko ding mahal mo si Myrle." Tahimik lang ito habang nakikinig saakin. "Siguro yung pagiging caring mo, pagiging thoughtful mo sakin ay kabaitan lang pero inakala kong pagmamahal iyon at umasa akong pweding maging tayo. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin, maybe I just want to feel loved kasi I feel so lonely." "B-bagay kayo ni Nicolson." sabi nito habang nakatitig sa mata ko. "Kinakausap ko sina Alvin, tungkol saatin sabi nila bakit hindi na lang ikaw ang piliin ko...pinag isipan ko din kasi masaya ako kapag kasama kita tapos ayoko ng nalulungkot ka kaya lang baka hindi ko kayang panindigan yung pagiging boyfriend sayo at alam ko ding pang long term na yung hanap mo." Yumuko ito bago nag patuloy sa pagsasalita, "Siguro kapag naging kayo na ni Nic, iiwas na ako para hindi niya ako pagselosan." "Pwede pa rin naman tayong maging mag kaibigan kahit na ganito ang nangyari." Agap ko. Umiling siya. "Baka magselos lang din ako." Sabagay, may punto siya doon dahil alam kong gusto niya din naman ako. "Salamat Bubbles, kasi nandyan ka para dumamay nung namatay yung lolo ko. Nandyan ka palagi kapag nagiging damsel in distress ako. Isang chat lang sayo sa STC, ang bilis mo kaagad mag reply. Thank you din kasi kahit na sa kaunting panahon na nagkasama tayo, hindi ko naramdaman yung lungkot tho nag tampo at nasaktan lang naman ng konti pero nirerespeto ko din ang desisyon mo." sabi ko. Bubbles. Naalala ko pa kung bakit ko siya tinawag na bubbles. Kasi nagkataon na pumasok ako sa trabaho, naka blue jacket siya, si Alpha naka green dress at ako ay naka red jacket. Para kaming Power Puff Girls na tatllo kaya tinawag ko na siyang Bubbles simula noon, ngayon hindi ko na siya matatawag na ganoon. Mag aalas-siete na ako nakasakay ng jeep, naiwan si Chris sa hintayan dahil sa kabilang dako ang uuwian niya. Niyakap ko siya bago ako sumakay ng jeep. Nakakalungkot lang kasi nawalan ako ng kaibigan na masarap kasama. Tama nga ba ang desisyon ko na bigyan ng chance si Nicolson? Hindi ko naman siya mahal pero matututunan ko naman yung sarili kong mahalin siya hindi ba? Maybe it's my pride talking. Pagkauwi ko ng bahay, sinalubong ako ng maamong mukha ni Nico. Pogi naman ito, matangos ang mukha at matangkad na payat. Sa kahihiyan na natamo ko dahil kay Christopher, I needed an escape plan and Nicolson is the perfect fit for it. I'll just break up with him, after all, sa dinami rami ng naging boyfriend ko ay wala ni isa sa kanila ang tumagal ng isang taon. The longest lasted for 11 months and if this will last for a year, I would probably marry this person.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
125.6K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
820.2K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.9K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.5K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
614.0K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook