Kabanata 3
Date
It's been 3 days since I decided to give Nicolson a chance to get to know me. He's so innocent! Medyo nakakainis lang kasi kulang siya sa pakiramdam!
It's my second day off today. Kahapon, first time naming mag date. Last duty namin sa trabaho bago mag day off ay niyaya niya akong mag date sa night market. Syempre pumayag naman ako kasi its sunday at wala naman akong gagawin, mabobored lang ako sa boarding house watching Netflix all day.
Nag libot libot kami habang nag ku-kwentuhan. Medyo may pagka-feelng astigin siya sa sarili niya pero based on what I'm seeing, baduy siya manamit. Mukha siyang lampa at higit sa lahat hindi siya marunong makiramdam!
I let out a huge sigh just thinking about it. Mali ata ang napasok ko. Pakiramdam ko ako ang mag aalaga kapag naging mag karelasyon na kami. I actually need someone who can take care of me, not the other way around! Halos kulang na nga ang oras ko para alagaan yung sarili ko tapos mag aalaga pa ako ng ibang tao.
"Nagugutom ka na ba?" Naalala kong sinabi niya kagabi. Mabuti nga at natanong niya eh kasi isang oras na kami mahigit nag wi-window shopping, hindi ba siya napapagod?
Dumiretso agad kami sa food stalls na nasa night market at nag hanap ng makakain. Dinala ko siya sa pinaka masarap na Takoyaki na natikman ko, hindi malansa sa panlasa kaya naman binabalik balikan at pinipilahan pa nga. Pang anim kami sa pila.
Hindi ko maiwasan na mapansin ang ibang lalaki at babae na mag kasama mapa magkaibigan or mag kasintahan. They look great together, kahit simpleng usap lang at tawanan ay nagiging bagay sila sa isa't-isa.
Napatinin ako sa suot ko. I am wearing my favorite Urban tee paired with a black H&M Jagger pants, pinatungan ko iyon ng manipis na Nike jacket tapos naka heeled white crocs lang ako. Mukha akong may kaya at fashionista pero yung kasama ko mukhang...ewan.
Though ayos naman ang suot niyang damit. Naka Black Petrol sweatshirt ito at naka brandless na jagger pants, nakasapatos din ng itim pero hindi bumagay sa itsura niya yung damit niya. His sweatshirt is fading at bitin na din sakanya. Feeling ko damit niya pa ito noong high school. Same with his jagger pants, bitin na din.
The worst part is, after choosing what kind of food we're gonna eat...he let me pay!
"140 po yung order niyo ma'am, dito na lang po ang bayad." Sabi nung tindero habang niluluto ang Shawarma Rice na inorder. I looked at Nicolson waiting for him to pay kasi siya ang nag yaya sa date na ito.
Kinapa niya ang bulsa niya at sinabing, "may barya ka ba dyan? Pasuyo naman ako ng bayad, ibalik ko na lang pag nagka pera na ako."
Literal na napanganga ako sa sinabi niya, buti na lang naka face mask ako kaya walang nakakita. Tiningnan ako ng tindero na halos mainip na kakahintay saamin at na aabala na namin ang mga nakapila sa likod. What a shame.
Inabot ko sa tindero ang bayad at kinuha ang pagkain. Kung pwede lang na lumipad paalis sa sitwasyon na iyon ay ginawa ko na. Hiyang hiya talaga ako. Mabuti na lang at may dala akong pera!
Ako na nga yung nag bayad sa Takoyaki kasi ako ang nagturo doon, sana siya na din ang nag bayad ng Shawarma na tinuro niya o kaya KKB na lang kami para hindi pa sana ako napahiya. Pero hindi eh, atleast siya ang nag bayad sa palamig na ininom niya. Napailing na lang ako habang tinatanong sa sarili kung mayroon din ba itong pamasahe pauwi dahil wala ng jeep sa mga oras na ito, taxi na ang kailangan niyang sakyan...
Nag hanap kami ng mauupuan sa burnham pero isang upuan lang ang nasa isip kong balikan. Doon kami madalas kumain ni Christopher satuwing nag papa-town kami.
The sky is clear and there are stars. Maliwanag din ang paligid gawa ng mga christmas lights dahil malapit na ang pasko.
Tama, malapit na ang pasko. I was reminded why I am looking for a boyfriend. Its because I am too lonely to be more lonely on Christmas day. I don't want to be alone anymore pero ayoko din naman masaktan kalaunan.
I'm 24 years ald already pero until now wala pa akong naging boyfriend na tumagal ng isang taon. The longest I am in a relationship was 11 months and I was so damn afraid of my future so I ended up breaking that person's heart. I broke up with that person a day before our 11th monthsary while laying down on his bed and hugging each other.
I am indeed a selfish prick.
"So why did you choose to work instead of studying?" Tanong ko bago tumusok ng isang takoyaki.
Pinag masdan ko siya, napatingin siya sa malayo maybe he's pondering on what answer he will give me. Maybe he too had a hard time because he wanted to continue studying but his current situation does not allow him.
"Dream school ko ang Saint Louis, kaya kahit ayaw ni papa pinilit ko talaga si mama na doon ako mag aral. Hindi ko lang talaga inexpect na mag kaka pandemic tapos bigla na lang umuwi si mama ng pilipinas." Ngumiti ito ng malungkot bago nag patuloy.
"Hindi ko din naman siya masisisi kasi natakot lang din siya at gusto niyang kasama niya ang pamilya niya. Pero nakakapanghinayang kasi. Ngayon, ilang beses na siyang na-scam ng mga malalaking halaga para lang maka balik siya sa UAE. Binenta din ni mama yung sasakyan at ibang asset niya."
Umusod ako palapit sakanya, now my elbow is touching his.
"Napilitan akong mag stop kasi lagi na lang akong sinasabihan na pabigat ako, palamunin, walang kwenta at lalaki ako dapat ako daw ang nag bibigay ng pera para sa gastusin namin. Ang unfair lang diba. Kaya sabi ko sa sarili ko ayoko ng tumanggap ng pera nila kung ganon din ang sasabihin saakin. Tao rin naman ako, nasasaktan din."
Now that I think of it. We do have similarities kasi kaya rin ako nag simulang maging independent ay dahil ganoon din ang sinasabi saakin ng papa ko. Though may kaya ang mga kapamilya namin at average family naman kami nila papa, iba pa rin talaga kapag ikaw na yung kumikita ng sarili mong pera.
Hindi mo na kailangan ng opinyon nila kasi being independent is you teaching yourself to commit mistake and learn from them and you trusting yourself kahit na mahirap at nakakapagod, you know that you can do it and you will do it.