KANINA pa nakatitig si Brielle sa harap ng laptop niya pero hanggang ngayon ay wala pa din siyang maisulat. Sa katunayan nga ay wala siyang natitipa kahit na isang letra sa laptop niya. Hindi kasi siya makapag-focus sa pagsusulat dahil iyong isip niya ay naglalakbay. Naglalakbay iyon patungo kay Apollo, iyong naramdaman niya kanina sa ikinilos nito noong aksidente niyang natapunan ang kamay niya ng mainit na kape. Ang paghalik nito sa kamay niyang napaso. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging reaksiyon ng puso niya sa ginawa nito. Hindi niya inaasahan na titibok iyon ng mabilis. Sa totoo lang ay may sagot siya sa gumugulo sa isip niya, may sagot siya sa nararamdaman niya. She was a romance writer. Sa sinusulat niya, kapag ang isang babae o lalaki ay nakaramdam ng ganoon sa nararam

