LUMAPIT si Brielle sa fridge para tingnan kung ano ang pwede niyang lutuin do'n para sa dinner nila ni Apollo. Pero napanguso siya nang makita niyang walang pwedeng iluto do'n. Tubig at prutas lang ang naroon sa loob ng fridge. Paano kaya siya makakapagluto kung wala siyang iluluto? hindi niya napigilan itanong iyon sa sarili. Brielle took a deep breath. At akmang isasara niya ang fridge ng mapatigil siya ng marinig niya ang boses ni Apollo na tumawag sa pangalan niyang ginagamit niya sa pagta-trabaho niya do'n. "Bianca," narinig niya ang boses nito na tumawag sa kanya. There is something different in his voice as he call her name. Hindi lang niya mabigyan ng kahulugan kung ano ang kakaiba do'n. Tuluyan naman niyang isinara ang fridge at saka siya lumingon sa kanyang likod. Nakita ni

