NANG pakiramdam ni Brielle na bumalik na sa normal ang puso niya, lalo na ang lakas ng mga tuhod niya sa sandaling iyon ay lumabas na din siya ng kwarto ni Apollo. Kinakailangam kasi niyang asikasuhin ito at ang secretary nito na bisita nito sa sandaling iyon. Hindi naman kasi siya pwedeng manatili sa kwarto nito at hayaan lang ang mga ito. Baka kasi mag-isip ng iba ang secretary ni Apollo. Nang makalabas si Brielle sa kwarto nito ay sumilip siya sa kinaroroonan ng dalawa. Nakita naman niya si Apollo na nakaupo sa sofa habang pinapakinggan ang sinasabi ng kausap. Mula sa kinatatayuan ay napansin niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito, napansin nga niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Iiling lang naman si Brielle nang makita niya ang ekspresyon ng mukha nito. Wala talagang e

