C2

3388 Words
"Nice boobs, ha. Ang sarap dilaan." Ngisi niya pa sabay dila sa labi niya habang sa dibdib ko siya nakatingin. "Gag0!" Nanggigil kong hiyaw at mabilis ko siyang nilapitan saka pasapak ko siyang sinampal sa kanyang kaliwang pisngi na hindi niya agad naiwasan. Hindi pa ako nakuntento, binayagan ko pa siya na mas ikinagulat niya. "Oh, fùck! Shìt!" "Opps! Sarry…? Nabasag ko yata." Ngumisi ako bago ko siya nilayasan habang namimilipit pa siya sa sakit ng balls niya. Buti nga sa kanya! Manyakis siya! Halos takbuhin ko na ang pintuan para lang makalayo sana sa kanya. Subalit nang ihakbang ko na sana ang paa palabas ng pintuan ay napasinghap ako nang biglang may matigas na brasong pumaikot sa bewang ko bago ako umangat saka mabilis na inilayo sa may pintuan. At bago pa ako makapalag, pabagsak niya na akong ibinaba sa sofa. "Where do you think you're going, huh? Sa tingin mo, makakatakas ka sa akin nang gano'n na lang pagkatapos ng ginawa mo sa akin? Pwes, managinip ka! Dahil pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!" Kinabahan ako bigla nang hubarin niya ang kanyang damit pang itaas. Pero hindi ako nag-pahalata. Kailangan kong makatakas sa manyakis na 'to. Hindi ako papayag na magahasa ako ng manyak na 'to. Magkamatayan na pero hinding-hindi ako papayag na ang bwesit lang 'to ang makakakuha sa pinaka-iingatan ko. Para sa magiging asawa ko lang ito. At isa pa, magtatapos ako ng walang sabit kaya kailangan talaga makaalis ako dito. Nagbuntong hininga ako saka ginala ko ang mga mata at baka may ibang daanan pa. Pero mukhang sa tingin ko, iisa lang yata at hinarangan pa ng manyak na 'to. Huminga ako nang malalim para kumalma. Ayokong mag-panic para makaisip ako ng paraan. "Scared now, Baby?" Nakangisi niya pang puna sa akin. Mukhang nawala na agad ang sakit na tinuhod ko dahil hindi na niya iniinda. "Bakit naman ako matatakot? Ano ako, virgin?" Wala sa sariling pagsisinungaling ko. Ayoko mang magsinungaling para ibaba ang sarili pero wala akong choice. Gusto kong ma-disappoint siya. Saka gusto kong isipin niyang marami ng lalaking nakatikim sa akin dahil sa tingin ko naman, iyon na ang tingin niya sa akin kanina pa. Kaya mas magandang unahan ko na siya para at least, hindi ko na kailangan pang maririnig sa kanya ang pangit na salita at baka maya nakakainsulto pang pakinggan. At hindi nga ako nagkamali, dahil iyon nga ang nakita ko ngayon sa kanyang mukha. Naging matiim ang tingin niya sa akin. Ayokong mag-assume na tila ba hindi niya nagustuhan na marinig 'yon. O, baka mali pala ang iniisip ko. Baka nandiri na talaga siya sa akin. Ayos lang, hindi naman masakit dahil hindi naman totoo. Wala rin akong pakialam sa kanya kung gaano na ako karumi sa isip niya. Hindi ko siya kilala kaya bakit ako masasaktan? "Gusto mo ng sxx? Sige! Papayag ako. Papayag ako sa gusto mo tutal birthday mo naman yata. Libre pa kung gusto mo pero sa isang kondisyon." Matapang kong hamon pero mahina rin akong nagbuga ng hangin para alisin ang kaba sa aking dibdib. Kinakabahan kasi ako at baka kagatin niya ang hamon ko. Sana hindi at hayaan na lang niya akong makalabas dito. "Ano 'yon?" Seryoso ang kanyang mukha at mukhang tama nga ako. Naniniwala talaga siya sa sinabi kong hindi na ako virgin. "Maliligo muna ako dahil nanlalagkit ako. Nakakahiya naman sayo." pairap kong sabi. Hindi siya sumagot at tahimik lang siyang nakatitig sa akin. Ano, nag-iisip pa siya kung papayag siya sa alok ko? O, baka nandiri na dahil sa sinabi ko. Sana nga gano'n na lang para hindi na ako mahirapang mag-isip at palabasin na lang niya ako dito dahil hindi na ako virgin. "So ilang . . . lalake na ang nakatikim na sayo?" utal at kunot ang noo niyang tanong sa akin. Medyo masakit pero disappointment ba ang nakikita ko sa kanya? At bakit? Nanghihinayang na dahil hindi siya ang una? Edi wow! "Marami na." tipid at diretso kong sagot. "So, are they satisfied?" Nahigit ko ang paghinga nang marinig iyon. Matiim pa siyang nakatitig sa akin at mukhang wala rin balak na kumurap. Bigla akong nag-init. Ano bang isasagot ko? Leche! Paano ko ba malalaman iyon, e hindi ko pa nga naranasan 'yun! Hindi pa ako nakatikim ng langit na sinasabi ng mga kasamahan ko sa club. Pero ayokong magpahalata na wala pa akong karanasan at baka mabuko niya ako. Baka tuwang-tuwa pa ang hayop na 'to na gahasain ako dahil virgin pa ako. Humugot ako ng hangin. "Oo naman! Hindi ko sila binibitin dahil mahal ang bayad nila para lang maikama ako. Kaya dapat lang na galingan ko rin ang performance ko para balik-balikan nila ako." Matatag ko rin na tugon kahit kinilabutan na ako sa mga pinagsasabi ko. Matagal siyang hindi sumagot at nakatitig lang sa akin. Hindi ko kayang basahin ang emosyon sa kanyang mukha dahil naka-prente lang iyon. Siguro ay nagulat siya dahil sa nalamang nagpapabayad ako kaya natulala. Ayoko namang isipin na, nag-iisip pa siya kung nagsasabi ba ako ng totoo dahil hindi siya naniniwala. Pero bahala siya kung ano ang isipin niya. Basta ako? Isa lang ang gusto ko, ang makalabas dito at makabalik na sa cottage namin para kunin ang pera kay Sugar. At pagkatapos no'n ay uuwi na ako at bahala na sila sa buhay nila basta ayoko munang makita ang mga taong ginulo ko ngayon. Lalo na si Fross dahil tiyak, nag-aaway na sila ni Micha ngayon. Kaya kailangan talaga makatakas na ako sa manyak na kaharap ko ngayon! "I see." Maya-maya ay saad rin niya sabay kinuha niya ang yosi sa ibabaw ng drawer at inipit niya ito sa kanyang bibig. "Magkano ba ang serbisyo mo?" Biglang tanong niya at sinindihan ang yosi bago hinitit. Hindi agad ako nakasagot at nakamasid lang ako sa bawat kilos niya. Tumingala siya matapos niya humitit para ibuga ang usok sa kanyang ibabaw. Wow! Ang galing niyang magbuga dahil may disenyo iyon. Nangangahulugan lang na matagal na siyang nagyoyosi. Sabagay bad boy ang dating niya kaya expected na. Nakakagulat naman kung gano'n siya tapos walang ka-bisyo-bisyo. Umabot ng minutong tahimik ako kaya napakurap pa ako nang tumingin siya sa akin pagkatapos ng ilang hitit at pagbuga niya ng yosi. "Ano nga ulit ang tanong mo?" kunway hindi ko narinig. Gumalaw rin ako para umayos sa pagkakaupo. "Kung magkano ka," tugon niya na muli akong napaisip kung anong presyong sasabihin ko. "Siguro naman—" "50k." Putol ko. Nakita ko ang pagtalim ng tingin niya sa akin. Bakit? Masyado bang mahal ang sinabi ko? Ganun naman talaga ang presyuhan sa Club na pinapasukan ko. Sabagay depende nga pala 'yon sa performance sabi ni Mama Paloma. Siya ang manager sa club na pinapasukan ko. Umi-extra kasi ako doon bilang dancer. Pero minsan, pumapayag rin akong maging table pero sa mga gusto lang ng may makakausap at kasamang mag-inom kaya minsan malaki ang kita ko dahil sa tip na bigay sa akin. Hindi naman pinapansin ni Mama Paloma iyon dahil nga tulong na lang daw niya sa akin basta huwag daw akong magpasaway sa kanya. Dahil doon ay nagpapasalamat ako't nakakaipon ako ng malaki para sa tuition fee ko. Kaya minsan ay napapa-inom ako dahil sa utos niya pero walang kasamang lamutakan ng katawan. Bantay sarado naman ako ng mga bouncer doon kapag makulit na ang ka-table ko. "50k?" Pag-uulit niya at halatang hindi siya makapaniwala. Iyon kasi ang presyuhan kapag good performance at kapag satisfied ang mga customers. Kapag virgin naman ay 100k pataas ang presyuhan dahil mga bata pa talaga. Edad disi-otso hanggang bente. "Yup." "Bakit? Masyado bang mahal?" tanong ko. Hindi siya kumibo at salubong lang ang kilay niyang nakatingin pa rin sa akin. Ano ba ang iniisip niya? Tig-limang libo pababa lang ang presyuhan? Hellow? Okay lang siya? Hindi kaya cheap ang club na pinasukan ko! Mahal iyon at puro mayayaman ang pumupunta doon! Hindi lang mayaman dahil puro bilyonaryo ang mga ito. Single o married ay pasok basta kayang magbayad ng ganoong halaga. Lahat naman kasing pumapasok doon na VIP customer ay naka-hide ang mga identity. Walang nakakalabas dahil protektado. At kung meron man ay todas agad kinabukasan kaya panatag magkalat ang may asawa na doon dahil alam nilang hindi sila mabubuko. Babae o lalake man ay walang problema dahil may mga lalake rin doon na handang magbigay aliw sa mga babaeng bitin sa mga mister nila. Pero ako ay sakto lang ang kita ko doon dahil sayaw at entertain lang naman ang ginagawa ko. Hindi ako nagpapagalaw kahit nasa tamang edad na ako dahil nga nag-aaral pa ako. Pure daldalan lang at limitadong oras pa. Sakto lang talaga sa pag-aaral ko. Pero minsan ay kapos kapag magpapadala ako ng pera kay Mama para sa gamot niya. Ubos talaga ang ipon ko dahil may maintenance kasi siyang gamot na iniinom kaya kulang pa rin talaga kahit may extra pa ako. Single parent kasi si Mama kaya todo kayod siyang mag-isa dati. Pero nang humina ang katawan niya ay sa bahay na lang siya at nagtitinda. Kaya napilitan akong maghanap ng trabaho dahil gusto kong makapagtapos. Sayang kasi dahil isang taon na lang at gagraduate na ako. Bukod doon, nakailang hinto na rin ako dahil nga sa kulang kami sa pinansyal at wala kaming inaasahang iba. Lalo na ang aking ama na hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nakatira. Pangarap ko talaga ang makapagtapos kaya lahat ng hirap ay tinitiis ko. Nilalakasan ko na lang ang loob ko na may kasamang pakapalan ang mukha para lang masustentuhan ang pag-aaral ko. At sa awa ng Diyos, kinaya ko naman. Kayang-kaya pero minsan ay nagiging alipin ako. Gaya na lang ngayon dahil bayaran na naman kaya kailangan may diskarteng iba. At wala akong pakialam kung may nasira ako basta! May pera akong pambayad at pang-gamot ni Mama. Iyon ang mahalaga sa akin. "Bakit? May problema ba?" untag ko nang hindi pa rin siya kumibo. "No. Nagulat lang ako." "Since birthday mo, kalahati na lang sayo. Kaya sige na. Paggamit muna ng banyo para matapos na tayo at makauwi na rin ako pagkatapos." dagdag ko at tumayo na. Hindi pa rin siya kumilos at nanatiling gano'n pa rin. Ano, nagdadalawang isip na ba siya? "Ano, ayaw mo ba?" tanong ko uli at medyo naiinis na ako dahil sa paraan ng pagtitig niya. Ang manyak kasi ng dating. Buti sana kung mandiri na lang siya dahil paniguradong pauwiin niya ako. "Sige…payag ako." Sa wakas ay tumayo na rin siya pero bago niya tinuro sa akin ang banyo ay nakita ko ang masama niyang pasada sa aking katawan. "Make sure na malinis ang katawan mo bago ka lumabas ng banyo." suplado niya pang utos na ikinainit ng ulo ko. "Oo! Alam ko!" Asar kong tugon at masama ko rin siyang tinitigan. "Follow me. Ituro ko sayo ang banyo." utos niya ulit bago lumakad. Sumunod ako sa kanya pero sinulyapan ko rin ang pintuan. Sana hindi naman naka-lock 'yon. "How old are—" Hindi ko siya pinatapos at mabilis ko siyang tinulak nang malakas nang binuksan niya agad ang banyo para sa akin. Sinipa ko pa siya dahila na masubsob siya sa loob. "Fck!" hiyaw niya pero mabilis kong hinila pasara ang pinto. Tumakbo agad ako nang mabilis papuntang pintuan at pinihit ito. Salamat naman at hindi ito naka-lock kaya lumabas agad ako nang marinig ko ang sunod-sunod na malakulog niyang sigaw sa loob ng banyo. Pagkalabas ko sa pintuan ay naghanap ako ng bagay para mai-lock siya sa loob para hindi niya agad ako mahabol. Nang makita ko ang kasing haba ng ruler na bakal ay kinuha ko ito at mabilis na pinasok para ma-lock ang pinto. "Open it. Damn you!" Sigaw niya sa loob at pilit niyang binuksan ang pinto pero huli na dahil nai-lock ko na ito nang mabuti. Nakita kong sumilip siya sa may bintana kaya ngumisi akong mapang-asar sa kanya. "Bubuksan mo ba o hindi?" sindak niyang banta sa akin at parang dadaigin niya pa ang leon sa itsura ng mukha niya. "Ano ako? Tanga para sundin ka? Gonggong! Magsolo ka diyan manyak!" Hiyaw ko rin bago umalis at bumalik ako kila Sugar. Narinig ko pa ang malakas niyang sigaw kasabay ng pagkalampag ng pintuan pero imposibleng mabubuksan niya iyon dahil sobrang higpit iyon. Tinali ko pa kasi iyon para hindi niya agad mabuksan. Bukod doon ay mukhang matibay ang pintuan kaya panatag akong matatagan pa siya bago siya makalabas doon. Halos hingalin ako para lang makarating sa cottage namin ngunit pagdating ko doon ay wala na akong naabutan. Wala na sila Sugar. Nasaan sila? Bakit nila ako iniwan? Pati gamit ko'y wala rin. Ano iniisip nila ay umuwi na ako? "Ate, iyong mga kasama ko po ba dito ay umuwi na?" tanong ko sa babaeng katabi namin ng cottage. "Oo, ineng. Umalis sila matapos makipag-away ang mga kasamahan mo." "Away po?" Gulat kong ulit sa kanyang sinabi. "Oo kanina. Nagkagulo sila kanina at nakipag-away ang isang magandang kasamahan mo. Pero nang umawat ang lalaki at pagbantaan ang kasama mo ay tumigil ang kasama mo at bigla na lang umalis na sinundan naman ng iba pang kasamahan mo." Nagulat ako sa narinig. Hindi kaya si Micah at Sugar ang nag-away? Tapos umawat si Fross at pinagbantaan si Sugar kaya umalis dahil napahiya ito? Lagot na kapag gano'n. Ibig sabihin, yari din ako nito kapag nagkataon. Dapat talaga hindi ako pumayag, e. Tiyak kasi ay maging sa school ay mag-aaway diin doon. Pero wala na akong magawa kaya kailangan matinding pag-iiwas ang gagawin ko nito para lang hindi ko sila makakasalubong. Sana lang talaga hindi. Dahil baka mahinto na naman ako nito. "Sige po, Ate. Salamat." Magalang kong saad bago ko kinuha ang bag kong hindi yata nila nakita dahil naiwan ito. Mabuti na lang ay hindi nawala. Umalis agad ako at baka maabutan pa ako ng manyak dito. Nang makalabas ako ng resort ay sumakay kaagad ako ng jeep. Medyo malapit lang itong resort sa boarding house na tinutuluyan ko kaya isang sakay lang ay naroon na ako. At wala pang sampung minuto ay nasa harapan na nga ako. Bumaba agad ako matapos kong magbayad. Lumingon pa ako bago ako pumasok sa gate at baka nakasunod na sa akin si Manyak. Nang masigurong wala ay pumasok na rin ako sa loob. Tulog na ang mga kasama ko dahil madaling araw na rin. May kanya-kanya naman kaming susi kaya hindi ko na kailangan pang manggising sa kanila. Nang mabuksan at makapasok sa loob ay dahan-dahan akong kumilos hanggang makapasok ako sa kwarto ko. Bigla akong napagod nang maupo sa kama kaya naisip kong bukas na lang ako maligo. Tutal wala naman pasok dahil sabado. Saka wala naman akong katabi dito kaya ayos lang dahil walang aangal sa amoy ko. Bukas ako maliligo pagkagising dahil antok na talaga ako. Sumasayaw na rin ang paningin ko at mukhang ngayon pa ako tinamaan ng alak. Naghubad lang ako ng bra at nagpalit ng oversized na damit bago humiga dahil hindi ko na talaga kaya. Kinabukasan, nagising ako nang marinig kong may kumatok sa kwarto sa labas ng kwarto kaya dumilat ako at pinakinggan ko kung sino iyon. "Maya!" Si Jess. Siya ang tumatawag sa akin. Bakit kaya? Saka anong oras na ba? Tumingin ako sa wall kung saan naroon ang orasan at laking gulat ko nang makitang mag-alas singko na ng hapon. Bumalikwas agad ako dahil dalawang oras na lang at papasok na ako sa club. Baka ma-late ako at first time kong mapagalitan ni Mama Paloma. Bawal kasing ma-late. Bumaba agad ako ng kama at binuksan ang pinto saka dumungaw. "Bakit?" tanong ko. "Kanina ka pa daw tinatawagan ni Mama Paloma pero hindi ka raw makontak!" simangot niyang hiyaw. "Bakit raw?" takang tanong ko dahil hindi naman nag-riring ang phone ko. "Hindi ko alam! Bruha ka! Tawagan mo na at baka magalit sayo! Saan ka na naman ba galing kagabi at hating gabi na wala ka pa rin?" "May pinuntahan lang… research." alibi ko. "O, siya! Tawagan mo na at baka magka-altapresyon na iyon kapag hindi marinig ang boses mo." "O, sige na. Tatawagan ko na lang siya. Salamat, ha." ngiti ko na tinanguan lang niya bago umalis. Binalot ako ng kaba dahil hindi ko man lang narinig ang pag-ring mg phone. Mabilis kong kinuha ang bag pero laking gulat ko nang hindi ko makita ang phone sa loob. "Nasaan na?" wala sa sariling tanong ko at halos hinalughog ko na ang bag pero wala talaga. "Nasaan na ba iyon? Hindi ko naman— " Bigla akong napahinto nang maalala kong kinarga nga pala ako na parang sako ng manyak na 'yun at binagsak na lang basta sa upuan. Bwesit! Napakabastos talaga. Bigla akong nanlumo dahil malamang, hindi ko na iyon makikita. Ayoko namang bumalik pa doon para lang hanapin iyon pero manganganib naman ako sa manyak na iyon. Napabuntong hininga ako dahil sayang ang phone. Hindi ko kayang bumili ng ganoong phone dahil mamahalin at latest model iyon. Regalo lang sa akin iyon ng galanteng customer nang matuwa siya sa akin noong sinamahan ko siyang mag-inom. Kaya nagulat ako noong binigyan niya ako ng sumunod na gabi. At iyon nga, nalula ako sa presyo dahil katumbas iyon ng presyo ng virginity. Kinuha ko na lang ang lumang phone ko para tawagan si Mama Paloma. Ngunit decline niya lang ito. Ilang saglit pa ay nakita kong nag-message siya. Mama P : Huwag mo na akong tawagan dahil busy ako. Pumasok ka na lang nang maaga ngayon at may sasabihin ako sayo. Gumaan ang pakiramdam ko dahil mukhang makakaligtas ako sa galit niya ngayon. Kapag kasi sinabi niyang busy ay nasa langit siya kasama ng mahal niya. Mabuti na lang at dumalaw si Papa J kay Mama dahil kung hindi, ilang oras ang sermon ko nito. Nagtipa agad ako ng reply. Me: Okay po Mama P. Love you and enjoy! Nakangiti kong binaba ang phone bago tumayo para maligo na. Ngunit laking gulat ko dahil walang tubig na lumabas sa gripo. Lumabas agad ako para magtanong pero nakita ko na ang mga kasamahan kong sa labas galing at mukhang doon sa may labas na banyo sila naliligo. "Jess, bakit sa labas kayo naliligo?" tanong ko. "Wala daw tubig dahil may inaayos na tubo. Maligo ka rin doon bago dumagsa ang kabilang bahay dahil pati yata sila ay wala rin." simangot niyang sagot bago pumasok sa kwarto. Kumilos agad ako at mabilis na kinuha ang tuwalya saka sabon bago ako maunahan sa kabilang bahay na puro naman lalake ang nakatira. Mahirap na at baka maabutan ako habang naliligo pa. Puro pa naman mga bastos ang mga iyon. Pumasok agad ako saka sinara ang pinto. Mabilis akong naghubad at kaagad nagbuhos ng tubig. Kailangang mabilis lang ako dahil kakain pa ako at mag-aayos ng sarili. Nang matapos mag-shampoo at magsabon ay nagbuhos agad ako ng tubig sa katawan. Kahit malamig ang tubig dahil stock ay hindi ko na iniintindi. Basta makaligo lang para hindi ako ma-late. Ngunit nang nasa kalagitnaan na ako ay bigla na lang bumukas ang pinto at nanlaki ang mga mata ko nang may pumasok. At gano'n na lamang katindi ang kaba ko nang makitang lalaki ito at walang sabing nilabas ang kanyang ari bago pa man niya ako mapansin. Nagtagpo ang mga mata namin at pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko dahil lumala pa ang bilis nito nang makita at makilala ko ang lalaking kapapasok lang na tumitig at matulala sa katawan ko. "Ahhhh!" Halos mapigtas na ang ugat ko sa pagtili at walang anu-ano'y binato ko sa kanyang mukha ang tabong may laman pa na tubig. "Shìt!" hiyaw niya nang masapol ang kanyang noo. "Bwesit ka! Bastos ka!" sigaw ko rin sabay sugod sa kanya para itulak siya palabas ng banyo. "Stop! Damn it! Stop!" sunod-sunod niyang sigaw at pilit niya akong pinigilan pero nahirapan siya dahil hawak niya pa rin ang buddy niya at pilit itong pinasok sa loob. Pero hindi ako nagpatinag at binuhos ko ang buong lakas sa pagtulak sa kanya kaya tagumpay ko siyang naitulak palabas dahilan na ma-out of balance siya at patihayang bumagsak sa semento at bago pa siya tumingin sa akin, naisara ko na ulit ang pinto saka ni-lock ito. Hingal na hingal akong napasandal sa pader nang masigurong nailock ko nang maigi ang pintuan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD