"Ano, deal?"
Napatutok ako kay Sugar nang marinig ko ang seryoso niyang hamon sa akin. Hindi ako kumurap at tinatantiya ko kung hindi nga ba siya nagbibiro.
Ngunit bakas sa kanyang mukha ang kaseryosohan. Hindi siya ngumiti at nakatitig lang sa akin. Walang senyales na magback out siya. She really meant it. She wants me to do something messy. She wants me kiss Fross in front of his girlfriend, Michaela, para magkasira sila at maghiwalay. Para maging kanya na si Fross dahil matagal na siyang may gusto dito. Faithful kasi si Fross kay Michaela kaya kahit anong gawin niya ay hindi niya ito masisira.
Kaya gumawa siya ng plan b at ito na nga, gusto niyang ako ang gumawa ng bagay na ikasira ng dalawa kapalit naman ng twenty thousand pesos na ibibigay niya sa akin. Iyon ang aming deal ngayon.
Nagdadalawang isip ako na gawin iyon dahil first time ko pa itong gagawin sa magkasintahan. Lalo na, ayokong masaktan si Fross dahil ang bait niya. Napaka-loyal niya rin talaga kay Michaela. Kaya nga lihim ko rin siyang hinahangaan. Pero wala akong balak na agawin siya kay Michaela. He was my ideal man, pero hanggang paghanga lang ko sa kanya. Wala sa dictionary ko ang salitang pang-aagaw, lalo't walang ginawang masama sa akin si Michaela.
Kung hindi ko lang kailangan ng pera, hindi ako mag-iisip ng ganito. Hindi ako papayag na masira ang isang magandang relasyon. At higit sa lahat, hinding-hindi ako nakikipaghalikan sa lalaking hindi ko boyfriend dahil first kiss ko pa lang ito. Ayos lang sana kasi type ko naman siya pero…may girlfriend na siya.
"Come on, Maya, do it." sulsol pa ni Pau sa akin at binigyan niya ako nang tingin na tanggapin ko na ang alok at huwag ng mag-inarte pa.
Hindi pa rin ako kumibo at palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Magkatabi silang nasa harapan ko.
"It's just a kiss, Maya. Hindi naman kayo magse-sèx, kaya tanggapin mo na ang alok ni Sugar. Minsan lang siyang mang-alok pero sulit naman ang bayad." Dagdag pa na pang-enganyo ni Che.
"Okay, shoot!" Payag ko sabay hinga ng malalim.
Bahala na kung magkagulo. Kung strong sila ni Michaela, hindi sila masisira sa gagawin ko. Tatanggapin ko na lang ang sampal if ever na makatanggap ako.
Ngumisi si Sugar sa naging sagot ko.
"Just one hot kiss, Maya. Not too much, okay?" Utos niya pa sa akin na halatang nagseselos rin agad.
Uutos-utos tapos mag-seselos rin pala!
"Oo, alam ko na. Hindi ko siya type." Ismid ko para hindi siya magduda.
Ayos na rin 'to sa akin para maka-take advantage ako kay Fross. Ayaw niya kina Pam at Che dahil may gusto rin ang mga ito kay Fross. Akala niya siguro ay wala akong pagnanasa kay Fross kaya ako ang inutusan niya. Pwes, sorry na lang siya. Matagal ko ng gusto si Fross bago niya pa ito makita at makilala. Wala lang talaga sa isip ko ang magpapansin at baka ma-kick out ako sa school. Mahirap na.
"Hoy, Maya, huwag mong lawayan masyado si Fross, ha. Sasabunutan ka talaga namin ni Che!"
Galit pang paalala ni Pau sa akin na halatang naiinggit lang naman dahil matitikman ko ang labi ng lalaking matagal na nilang gustong mahalikan.
"Tandaan mo, dalawang minuto lang, Maya. Kapag umabot ka ng limang minuto, kalbo ka sa akin!" segunda rin ni Che na halos uusok na ang ilong.
"Shut up! Fross is all mine!" Galit na sabad ni Sugar at halos magbuga na ng apoy sa dalawa.
Natahimik ang dalawa kaya umismid ako at muli kong sinulyapan ang kinaroroonan nila ni Fross. Marami siyang kasamang mga kaibigan niya na may kanya-kanya ring mga girlfriend.
"O, ano, Maya? Handa ka na ba?" Untag sa akin ni Sugar at halatang naiinip na siya.
Well, lasing na rin kaya lumalabas na ang pagiging bossy niya.
"Can I ask a question?" sa halip ay balik-tanong ko.
"Sure, what is it?" taas kilay niyang saad bago ininom ang tequila.
"What if I failed?"
"Ano pa ba? Edi wala kang pera! Simple as that, Maya," agaw sagot ni Che.
Inikutan ko siya ng mga mata.
"Don't worry. Makukuha mo pa rin iyon pero kalahati na lang. Pero iyon ay kung, makagawa ka pa rin ng bad scene sa harap nila. Kahit hindi na halik basta makita kong nag-aaway sila ngayong gabi." Ngisi niya pa.
"Got it?" May paghahamong sabi niya sa akin.
Halatang desperada na si Sugar na maghiwalay na ang dalawa. My god! Ganito na ba siya ka-inlove kay Fross? Ang ganda niya kaya. Ang yaman pa tapos, dahil lang kay Fross ay magpapakababa siya para lang maging kanya ito. Hindi ko akalain na si Fross ang kahinaan ni Sugar.
"Let me do it, Sugar. Kaya–"
"No!" Putol agad niya kay Pau.
"Let, Maya, do this."
"Okay fine." Nakabusangot ang mukha ng dalawa.
"Are you ready?" Muling tanong sa akin ni Sugar.
Humugot ako para mawala ang kalasingan ko.
"Okay." Pinal na sagot ko at muli kong inisang lagok ang tequila na nasa harapan ko.
"Now go."
Tumayo kaagad ako at naglalakad papunta sa grupo nila Fross. Mabilis lang ito sa akin. Medyo lasing na ako kaya kung hindi ko mahalikan si Fross ay yakapin ko na lang siya at sasabihing namimiss ko na ang ginagawa namin sa loob ng kwarto ko. Bahala na sila mag-isip basta makagawa ako ng eksena. Iyon lang naman.
Nakatalikod si Fross habang nagsasalita. Siguro hawiin ko na lang siya paharap at halikan para hindi agad siya makapalag. And then tapos at makukuha ko na ang tumataginting na twenty thousand pesos.
Yeah, gano'n lang at mag-aaway na sila. I'm sorry my love Fross pero gipit lang talaga ako ngayon.
"Hey, Maya!"
Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang pagtawag ng boses lalake kaya lumingon ako at hinanap ito. Ngunit biglang umikot ang paningin ko. Putek! Lasing na yata ako, ah! Hindi pwede. Kailangan ko munang magawa iyon bago makatulog para makuha ko ang pera.
"Maya!"
Narinig kong muling tawag sa akin pero wala akong balak na lingunin siya at dumiretso lang ako para mataposna ito.
"Let's enjoy the night. Umorder kayo ng gusto niyo at sagot ko ang lahat! This is my treat for my birthday."
Napangiti ko nang marinig iyon kay Fross. Ang galante talaga ng Idol ko. Humakbang pa ako ng isang beses at huminga nang malalim.
"Hey, Fross!" Bati ko sabay hawi sa kanya paharap sa akin at walang pagdalawang isip na sinunggaban ko ang labi niya. Pumikit ako at sinipsip ko ang labi niya nang mapusok. Dalawang minuto lang ang kailangan ko para sa twenty thousand.
Ang lambot ng labi niya shìt! Lasang yosi at alak pero mabango pa rin. Naisip kong palalimin pa ang halik para makasamantala naman ako kahit ngayon lang.
Hindi naman ako nahirapang makapasok dahil binuka niya rin ito at nagulat ako nang gumanti siya. Kaya mas lalo kong sinipsip ang dila niya dahil mukhang nagustuhan niya rin ang halik ko.
"Woah! Who is she, Bro?" Biglang hiyaw kaya natauhan ako dahil dalawang minuto lang pala.
Kaagad akong tumigil at dumilat sabay layo sa kanya. Ngumiti akong tumingin sa kanyang mukha pero lumaki ang mga mata ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makitang hindi si Fross ang kahalikan ko kundi ibang lalake na hindi ko kilala.
Sino siya?
"Nice welcome kiss, Bro!"
Nilingon ko ang nagsalita at gano'n na lamang ang gulat ko nang makitang si Fross iyon at nakangiting napapailang na nakatingin sa amin ng lalakeng inakala kong siya.
"Nice one, Bonnthris! Kahit saan talaga ang swerte mo sa mga chicks!"
Pagkarinig ko niyon ay bigla ko siyang tinulak at walang salitang tumakbo ako papunta kay Fross at niyakap siya ng mahigpit.
"I'm sorry, Babe, akala ko ikaw siya. Sobrang namiss na kasi kita kaya lahat nang makikita ko ay kamukha mo." drama ko at niyakap siya nang mahigpit habang nakatingin ako sa lalakeng kahalikan ko kanina.
Sa hindi maipaliwanag ay bigla akong kinabahan nang makitang dumilim ang kanyang mukhang nakatingin sa akin.
"Fross! What's the meaning of this, huh?! Sino siya?!" Biglang sigaw ni Michaela at rinig ko agad ang pag-iyak niya.
"I don't know!"
Pumikit ako para kunwaring nakatulog na ako sa kalasingan. Ramdam ko naman na nilayo agad ako ni Fross sa katawan niya.
"Hey!"
"You don't know? Or you are just pretending?!"
Narinig kong humagulhol si Michaela nang pasigaw niyang itanong iyon kay Fross. Nagtagumpay akong pag-awayin sila kahit nasira ko ang unang plano.
"No! Of course not! Hey, wake up! Shìt!" Tarantang sagot ni Fross pero nagkunwari pa rin ako.
"Hey, Bonnthris, who is this girl?!" Narinig kong gigil na tanong ni Fross sa lalakeng inakala kong siya.
"I hate you, Fross! I am breaking you now! I don't want to see your face anymore! You are such a liar!" Patuloy sa pagsisigaw ni Michaela kaya dumilat ako ng kaunti at nakita ko siyang nag-walk out siya pagkatapos sabihin iyon.
"Michaela, wait! sigaw ni Fross at ramdam kong gusto niyang humabol pero hindi makagalaw dahil hawak niya ako.
"Hey, wake! Fùck!" Gigil na hiyaw ni Fross at niyugyog ako.
"Let me handle her. Go follow, Michaela." Biglang sabi ng malaking boses at ramdam ko ang paghawak ng matigas na kamay sa aking baywang.
"Thanks, Bro." Rinig ko pang saad ni Fross kasabay ng pagbitaw ng kamay niya sa aking katawan.
"Just go!" Sa halip ay rinig kong taboy ng malaking boses.
Ayokong dumilat at baka nakatitig siya sa akin.
"Hey, wake up!" Gising niya sa akin at bahagya akong niyugyog.
Pero hindi ako gumalaw at nakapikit pa rin ako.
"Bring her to your room, Bro." Biglang suhestiyon ng isa na bigla akong kinabahan.
Putek anong gagawin ko? Ma-ràpe pa yata ako ng wala sa oras!
"Okay." Biglang sagot niya kasabay nang pagbuhat niya sa akin.
Gusto ko mang dumilat pero natatakot talaga akong malaman niyang umarte lang ako.
Ilang sandali pa ay pabagsak niya akong nilapag sa malambot na bagay.
"Alam kong hindi ka tulog kaya dumilat ka na." Matigas niyang utos sa akin.
Pero wala akong balak na sundin siya.
"Kung ayaw mo, baka pagsisihan mo 'to." Banta niya pa sa akin.
Pero no. Hindi niya ako matatakot.
"I'm counting." Patuloy niya.
"Isa."
"Dalawa."
"Ayaw mo talaga?" tanong niya pa pero hindi niya pa rin ako matatakot.
"Okay. Walang sisihan, ha," sabi niya at napasinghap ako nang bigla niyang ibaba ang suot ko kaya dumilat agad ako.
Pero bago pa ako makapagreact, nilabas niya ang dalawang dibdib ko sabay subo ng isa at hawak naman ng isang kamay niya ang kabila. Nabigla ako kaya hindi agad ako nakagalaw pero nang lumipat siya sa kabila at sipsipin ito ay natauhan ako kaya tinulak ko kaagad siya.
"Ano ba?!" Sigaw ko at sinabunutan siya.
Pero hindi man lang natinag kaya pinaghahampas ko ang ulo niya at hinila ko pa nang mas malakas ang buhok niya sabay sipa sa kanya. Grabe na ang kaba ko at mukhang gahasain niya nga ako.
"Bwesit!" Hiyaw niya nang bumagsak siya sa ibaba sa pagsipa ko.
"Mas bwisit ka!" Sigaw ko sabay ayos sa aking sarili.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino siya. Siya lang naman ang lalaking kahalikan ko kanina.
"So tama nga ako. Gising na gising ka at nagtutulog-tulugan ka lang." Ngisi niya sabay punas ng kanyang labi.
"Magkanong binayad sa'yo?"
Nagulat ako sa tanong niyang iyon.
"Ano? Anong pinagsasabi mo?" kunwari kong balik-tanong kahit unti-unti na akong kinabahan.
Tumawa siya ng nakakaloko.
"Alam kong binayaran ka para pag-awayin ang dalawa. Kaya magkano ang binayad nila sa'yo at titriplihen ko...pero ang gusto ko, makipag-sèx ka sa akin ngayon."
Pakiramdam ko ay para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig nang marinig ko iyon at halos kinilabutan ako nang marinig ang diretso at walang filter niyang alok sa akin.