PARANG umuusok ang bunbunan nitong si Summer sa sobrang sama ng tingin nito kay Alex na tila wala namang paki-alam kay Summer.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nitong si Summer nang biglang agawin sa kaniya nitong si Alex ang posporo.
"Hoy! Ibalik mo nga yan. Tabi!" Pag papaalis nito kay Alex ngunit tila walang naririnig itong si Alex at ipinagpatuloy ang ginagawa, habang itong si Summer napabuga na lamang sa hangin at sandaling pinagmasdan ang lalaking gumawa ng apoy sa iilang piraso ng kahoy na pinagpatong.
"Psh! Ano bang alam mo diyan? Taga Maynila ka kaya malamang di uso sa inyo yung ganyan." Bulong nitong si Summer na hindi naman pinalagpas ng pandinig nitong si Alex dahilan para mapaigtad siya nang magsalita ito.
"Hindi lahat ng laking Maynila pang syudad lang ang kaalaman."
"Talaga lang huh, kung ganun--mag isa ka dito. Paki-luto na din niyang gulay." Sambit nitong si Summer na napatalikod, napatayo naman hagad nang maayos itong si Alex sabay lingon kay Summer.
"Oy teka, hindi porket--"
"Walang porket porket--magpasikat ka kay tanda gat gusto mo. Bala ka diyan." Aniya nitong si Summer na hindi man lamang pinatapos itong si Alex sa sinasabi.
"Pero di ko alam lutuin yan." Nanlalaki na ang mga mata nitong si Alex kay Summer na hindi din nag patinag at pinanlakihan din ng mga mata at nakipagmatigasan sa titigan.
"Diba di lahat ng laking Maynila pang syudad lang ang kaalaman? Kaya pinauubaya ko na yan sayo. Sisiw lang yan sayo." Sabay ngiti nang mapang-asar nitong si Summer kay Alex at napahakbang na papalabas napapailing naman itong si Alex at biglang namoroblema.
"Saang planeta ba galing ang babaeng yun? Nakakapang-gigil sa sobrang inis, bakit kasi itong si Forrest napaka-yabang, pinagmayabang kay Lola Adora na laking boy scout akong tao at magaling mag-pa apoy ayan tuloy ako napagdiskitahang tulungan yung apo niyang may sayad at kulang sa posisyon nung ginawa. Humanda sa akin yung Forrest na yun." Napapakunot noong bulong nitong si Alex saka napabuntong hiningang napatitig na lamang sa mga gulay. Sa totoo lang, hindi din alam ni Alex kung bakit ba siya napasubong harapin ang babaeng yun, kanina kasi ng makita niya si Summer nakaramdam siya ng pag-kaawa nito habang buhat buhat ang mga pinang-gatong nito pero bigla niyang naalala ang ginawa nito sa kaniya dahilan para mapakunot noo siya at hayaan na lamang ito kasama ang kaibigan. Ngunit habang tumatagal na tinititigan niya ang babaeng yun ey para siyang hinihipnotismo ng hangin para makaramdam siya ng lungkot. Naalala niya na naman ang asawa niya, ganitong ganito ito nung nag camping sila, nakipag-agawan pa talaga ng panggatong yun kay Forrest para siya mismo ang mag-abot nito sa kaniya na nuon ay sinusubukang gumawa ng apoy.
"Paano ba ito? Asar!" Sabay hampas sa hanging bulong nitong si Forrest nanag bigla siyang mapalingon nang may marinig na pamilyar na boses.
"Aa--aray ko lola! A-aray ko po! O-opo opo a-ako na." Napaawang ng ngiti sa isip si Alex nang makita itong si Summer na hinihila papasok sa kusina ng kaniyang lola.
"Ikaw--di ka na talaga nahiya, buti nga tinutulungan ka ng magpa apoy dyan sa mga hilaw na kinuha mong pang-gatong tapos ngayon siya pa plano mong paglutuin huh?"
"A-abay hindi naman po ganun lola, sabi niya nga po sa akin--siya na daw po magluluto kasi masarap daw siyang magluto at gusto niyang ipatikim sa atin yun--"
"Aba't--" Napapakunot noo na at lukot ang mukha nitong si Alex nang marinig nito ang sinabi nitong si Summer.
"Oh eh ano ngayon? Hahayaan mong mag-luto? Baka nakakalimutan mo kung sino bisita natin, bukod sa pagiging guro hindi lang basta bastang tao yan dahil anak yan mula sa bigating pamilya." Pag-tataas na ng boses ng lola nito sa kaniya.
"Ay ey--kahit galing pa po yan lola sa pinakamagaang pamilya, dapat lang po na--a--aray ko lola opo na. A-ako na magluluto, siya na lalasunin--este pakakainin." Angal nito na halos mapaangat sa pagkakapingot nito sa kaniyang tenga ng lola niya.
"Mahiya ka. Bisita natin yan kaya kumilos ka ng maayos. Naintindihan mo?" Tanong ng lola nito dahilan para mapatingin muna siya ng masama kay Alex sabay irap.
"Opo." Mabilis na sagot nitong si Summer saka siya hinarap ni Summer.
"Mabuti pa pumasok ka na hijo sa loob at hayaan mo na tung babaetang ito dito. Halika na. Almost 10 years niya nang ginagawa yan kaya sa tingin ko mas bihasa pa yan sayo." Pag-aya nito na kinatango naman agad ni Alex sabay pahapyaw ng tingin kay Summer na nuon ay sobrang sama ng tingin sa kaniya. Kung nakakasaksak lang ang mga matatalim na tingin baka kanina pa siya pinagtatamaan nito at paniguradong lahat ng yun ay tatagos sa balunbalunan at atay niya sa sama ng tingin nito.
"Ako na diyan----kamahalan." Sambit nito sa kay Alex sabay pasimpleng tulak para makadaan siya dahilan para mapapikit na lamang siya at mapasinghap sa hangin humihingi nang mahaba habang pasensya saka napapailing na humakbang papalayo.
"Mukha mo, kala mo kinagwapo mo pamamahiya mo lagi sa akin? Makikita mo hindi ako kahit kailan magiging mabait sa iyo. Hindi din ako makakapayag na magtagal siya dito aba, baka biglaang mag ka amnesia lola ko at ang maalala eh sya na yung apo."
MAKALIPAS ang mahigit kalahating oras sa wakas nakapag-hain na din sa wakas ng paggkain itong si Summer, pangiti ngiti pang inilalapag ang mga plato.
"Tingnan natin kung makatiis ka dito na araw-araw kumaing walang kutsara." Ngiting-ngiting bulong nitong si Summer, ang totoo niyan tinago niya lahat ng kutsara total napahiya naman din siya sa ginawa ng lola niya nito ey--lulubos lubusin na niya ngayon. Nakakasigurado siyang susuko ito at uuwi sa pinanggalingan nito at matatahimik na siya.
"Wow! Ang bango naman ng luto mo." Aniya nitong si Mau na napapasinghap pa.
"Dapat lang, ilang usok nalunok ko at nasinghap bago tuluyang magkaroon ng apoy yung lintik na kahoy na yun. Bakit naman kasi yun yung nakuha nating panggatong? Halos lahat pala hilaw pa."
"Bay malay ko sayo ikaw tung kuha na lang ng kuha dun ey."
"Eh pano naman kasi nakakainis, napakaaga pa para gumuho ang araw ko dahil sa lalaking yun."
"Ohwey, yun naman pala wag ako sisihin mo. O siya tawagin ko na ba sila?" Tanong nito kay Summer na agad tumango tango.
"'Ay teka, bakit walang kutsara? Nasaan?" Tanong nito nang mapansing walan mga kutsara sa bawat plato.
"Wala, walang gagamit ng kutsara at wag ka ding feeling, may kamay ka gamitin mo yan." Sabay tapik nito sa kamay ni Mau at irap.
"Ang salbahe mo naman yata ngayon? Ako papagkamayin mo? Kita mo kakapamanicure ko langtsaka ang haba ng kuko k--"
"Magkakamay o magugutom ka?"
"Eh--kutsara kasi, wag mo naman ako idamay sa galit mo sa mundo. "
"Hindi ka nga damay, pero dahil dito ka kakakain? Damay damay na. Sige na tawagin mo na sila."
"Summer, paano kakamayin yan eh may sabaw yan eh?" May paggmamaktol na sa boses nitong saad sa kaibigan.
"Di ko na problema yun." Sabay ngiti ng matamis dahilan para mapanguso itong si Mau.
"Tawagin mo na sila bilis."
"Tingnan mo kung makautos sa akin kala mo di nakikikain sa bahay, uy kahit kailan di kita pinagdadamutan ng kutsara sa bahay pag nakikikain ka tapos ginagawa mo tu sa akin." May paawa tono ng boses habang napapanguso. Napapailing naman itong si Summer saka ito tinapik sa balikat.
"Pwede ka namang mamimili, kakain ka dito o uuwi ka na lang sa inyo para wala nang reklamo."
"Summer!"
"Ganun kita kamahal na kaibigan. Sige na tawagin mo na sila." Sabay tapik tapik nito sa balikat.
"Ayoko nga, naiinis ako sa kasama nung bisita niyo, feeling bisita eh bwisita naman siya. Talagang inantay niya pang dito kumain nuh? Ayoko, naiinis ako sa hugis ng mukha nun." Pailing iling pang sambit nitong si Mau nang biglang mabilis na itinulak papalabas ng kusina ni Summer.
Napapikit at singhap naman sa hangin itong si Summer saka napapalakpak habang ngumingiti ngiti ng pagkalapad habang nakatitig sa pagkaing nakahain na sa mesa.
"Hmm-tingnan natin kung g**g saan aabot yang pagtitiis mo dito?" Ngiting ngiting bulong ni Summer na agad naman nagbago ang anyo ng mukha ng iluwa sa bukanan ng kurtina ang mukha ni Alex. Parang holen na pinaikot ang mata nitong si Summer na napairap dito kay Alex.
"Wow ang sarap naman niyan." Sambit nitong si Forrest ng bumungad sa likuran lang nitong si Alex.
"Sa mukha mong yan, kahit nga lason masarap sayo." Banat nitong si Mau na nagsumiksik sa bukana ng pintuan sa dalawang lalaki makadaan lang.
"Ikaw--" Akmang itutulak na sana nitong si Forrest ng pigilan siya nitong si Alex na napapailing kaya naman wala siyang ibang nagawa kundi mapahampas na lang sa hangin saka sapiliting napangiti nang mapansing masama din ang tingin sa kaniya ni Summer na mukhang nakita yung plinano niyang pagtulak sana kay Mau.
"Oh, bakit nandito pa kayo sa bukana? Lapit na kayo dun at mag si-upo." Basag sa kanila ng matanda na kasalukuyang nasa likudan nila Alex.
"Ah eh--may-may aso ho kasing kumakahol kanina b-baka po m-mangagat sa amin?" Aniya nitong si Forrest na nagpahapyaw ng tingin kay Mau sabay taas baba ng kilay na tila ba'y nang-aasar dahilan para ikalukot ng mukha nitong si Mau.
"Aso? Wala naman kaming aso dito ah---" Sagot nang matanda na huli na ng maintindihan nito kung ano at sino ang asong tinutukoy.
"Ay kayo talagang mga bata kayo. Dun na at mag-si upo. Sige na Mr. Alex at--"
"Ah eh, lola A-Alex na lang po. Nakakahiya po masyadong pormal mas nakakailang po yun." Sambit nitong si Alex na napapakamot sa batok. Sa totoo lang di siya komportableng may nag mimister o kung ano pa man na idinudugtongg muna sa pangalan niya, lalo pa at matanda ang nagsasalita nito.
"Oh siya, mag si-upo na kayong dalawa." Ani nito na agad namang binigyan ng daan nitong sina Alex at Forrest na nagkatinginan pa bago mapahakbang papalapit sa mesa, habang itongsi Summer ay malupit pa sa magnet kung makatitig ng masama kay Alex.
"Hoy! Baka mamaya mamatay yan sa sobrang sama ng tingin mo." Bulong nitong si Mau kay Summer.
"Pwede ba, wala pang namamatay sa titig. Kung meron man sisiguraduhin kong siya ang mauuna sa lahat." May diin na bulong nito kay Mau sabay balik ulit ng titig kay Alex nakakaupo lang sa harapan niya.
Nabaling ang atensyon ng lahat nang magsalita itong si Forrest.
"W-wala-walang kutsara?" Tanong nito na para bang nahihiya habang napapakamot sa ulo.
"Wala!" Sabay na sagot nitong si Summer at Mau. Si Mau na napatitig ng masama kay Forrest at si Summer kay Alex naman.