Kabanata 13

1558 Words
             BAHAGYANG napapalapad ang ngiti nitong si Summer habang pasimpleng sinusulyapan niya si Alex na nuon ay napapatingin kay Forrest.  "Ahm--mukhang di yata marunong magkamay tung bisita natin, pano po kaya yan lola?" May pang iinis sa tono ng boses nitong si Summer. "Ikaw-san mo nilagay mga kutsara ba huh?" Aniya ng matanda nito sa kaniya na nakatingin ng masama. "Ah eh--l-lola, kanina po kasi nahulog sa ilalim po ng lababo, kaya po ayun papakuluan ko pa po." Sambit ni Summer habang napapasulyap kay Alex na parang babaliktad ang sikmura sa narinig nito. Maging si Forrest ay parang nagdilim ang paningin dahilan para mapangiti itong si Mau naman. "Oo nga po lola, isa isa pa po naming kinuha sa ilalim ng lababo kasi naman po nasagi ko kanina nung tinutulungan ko po itong si Summer n maghain." Sambit nitong si Mau na talagang masasabing tunay na kaibigan dahil sa pagtulong nito kay Summer. "Nako pano po kaya yun, di ka makakakain kung ganun ang bisita natin? Sayang espesyal pa naman tung linuto ko, eto din pinakamasarap na lutong ihinahain pag ka may bisita kami." Dagdag pa nitong si Summer ulit na napapahagip ng tingin kay Alex, at sa tono ng pananalita niya nakakasigurado na siyang maiisahan niya at magugutom niya ang lalaking kaharap niya ngayon. Bahagya naman siyang napasulyap kay Mau na nuon ay saktong napasulyap din sa kaniya. Nuong mga oras na yun alam na alam at ramdam na ramdam nitong si Alex na pinag kakaisahan sila ni Forrest ng dalawang dalagitang kaharap nila.  "Nako hijo pasensya ka na, teka hahanap na lang ako ng--" "Ay hindi ho. Wag po kayo mag alala magaling po kami nitong si Forrest magkamay. Di ba Forrest?" Pigil nitong si Alex sa matandang patayo na sana at pasimpleng siko sa bandang tagiliran nitong si Forest na kamuntik na mamilipit sa sakit. Napaawang naman ang matanda saka napatingin sa kamay nito. "Aa-ah o-oho. Oho m-magaling po ko diyan ako pa po, eh galing lang din po ko dito sa bundok. At itong si  "S-sigurado ka?" Napatanong ito sa kaniya habang nagpapalipat lipat ng tingin kay Forrest at Alex ang matanda. Samantalang si Summer at Mau naman ay nagkatinginan muli saka napakunot noo. Bahagya namang napangiwi si Alex nang makita nito ang mabilis na pagbabago nang mapang-asar na  ekspresyon ng mukha nitong si Summer kanina. "Nako opo, sigurado po ko diyan kay Alex lola, magaling po yan mag-kamay may nagturo po kasi niyan sa kaniya na sarap na sarap sa pagkakamay." "Talaga lang huh?" Biglang taas kilay na sabat nitong si Summer saka napatingin kay Alex na nuon ay napapangiwi dahilan para mapairap itong si Summer. "Ikaw talaga, laging kontra sa bisita. Ano bang ginawa niyan sayo at ganyan kainit dugo mo?" Bulyaw nitong matanda kay Summer dahilan para mas lalong malukot ang pagmumukha ni Summer. Sa bawat pagkakakataong pinagagalitan siya ng kaniyang lola, pakiramdam niya nag lelevel up din ang galit niya sa lalaking yun. Gigil na gigil siya. "O'sya, sigurado ka diyan huh hijo, pasensya ka na kung kinakailangan mong danasin yung mga bagay na hindi naman dapat. Pero dahil pinili mong dito sa amin manatili, at dahil mahirap lamang kami kinakailangan mo ding pagtyagaan kong anong makakayanang haini lamang sa loob ng isang araw sa hapag kainan." "Nako lola ayos lang po yun. Pinili ko tu at dito po ko masaya kaya wag po kayo mag alala." Aniya nitong si Alex saka napaangat ng tingin kay Summer na halos pilipitin siya sa mga titig nito.  "Oh siya, tayo nat kumain. Naghugas na ba kayo ng kamay?"  "Ah-eh--" "Hay nako, napag hahalataang kumakain ng dumi sa kamay at kuko." Parinig nitong si Mau kay Forrest na nuon ay napatigil sa pagsasalita. "Excuse me lang Miss, our two little hands are clean and softly wan tutri--" Napatigil nang senyasan nitong si Alex, senyales na huwag na lamang ito patulan.  "Maghuhugas na po muna kami ni Forrest ng kamay." "O'siya sige sige." Napapatangong pag sang ayon ni Lola Adora habang patayo ang mga tu. Akma namang sasandok na itong si Summer ng kanin ng biglang tapikin ang kamay niya ng kaniyang lola. "Mahiya ka nga, wag sa harap ng mga bisita natin ipakita yang katakawan ng katawan mo." Saway ng matanda. "P-pero lola, nagugutom na po ko." May pag reklamo sa boses nitong si Summer. "Maghintay ka na makumpleto tayong lahat sa mesa." "Aba'y lola, pano kong hinigop na sila ng timba dun sa kusina, hihintayin pa din po ba natin sila hanggang sa tuluyang mamuti na po ang mga mat--aaray! Lola naman, nakakarami na po kayo ngayong araw." "Umayos ka, kalaki ng kasalanan mo sa akin kagabi. Umayos ka sinasabi ko sayo. Umasta kang isang babae huh." "Eh ano pa nga po tung ginagawa ko lola? Mukha na ho bang bakla po yung---aray! Lola tama na po. Mawawalan na po ko ng tenga nito eh." Halos malukot na ang mukha nito habang napapahimas sa tenga na nakakailang pingot na mula sa lola nito. Napatungo siya nang matanaw na paparating na ang dalawa.  "O'sya, kain na tayo." Sambit ng matanda at sandaling nagdasal. Ilang segundo pa ay nagsimula na silang kumain.  Ilang minuto muna ang bumalot sa katahimikan ng lahat nang biglang magsalita si Lola Adora. "Siya nga pala hijo, bukas na pala ang simula ng pag boboluntaryo mo? Anong plano mo?" Tanong nito. "Ahm yun nga po ey kaya lang di ko po alam kung san ko po sisimulang manghikayat ng mga magulang sa mga anak nila. " Sagot nitong si Alex. "Ay eh walang problema dun, wag kang mag alala. Etong apo ko malaking tulong ang magagawa nito." Aniya nito sabay tingin kay Summer na napatigil at kamuntik pang mabilaukan. "L-lola anong--" "Wag kang bastos nguyain mo muna yan bago ka magsalit." Saway ng matanda sa kaniya. "Tamang tama lang yan, mag hapong walang ginagawa tung si Summer, nang magkasilbi naman tu dito." Dagdag ng matanda dahilan para sunod sunod na mapalunok na itong si Summer sa pagkaing nginunguya nguya niya lang kanina. "T-teka lang po lola, anong wala pong ginagawa--nagpapakain po ko ng mga alaga niyo po, nangunguha ng mga itlog ng manok, nagbibilang po, nangangahoy, at nag--" "Basta sasamahan mo si Alex bukas, sa ayaw at sa gusto mo." May diing sambit ng matanda habang nakatingin sa kaniya, dahilan para mapabagsak ang dalawang balikat nitong si Summer at mapatingin kay Mau na nuon ay malapad na nakangiti na tila nang-aasar pa dahilan para bigyan niya ng matalim na tingin ang kaharap nitong si Alex saka sinipa ang paa. Halos mapaigtad naman itong si Alex sa gulat at naramdaman, sa lakas ng sipa nun pakiramdam niya namanhid ang binti niya sa ginawa ng babaeng nasa harapan niya. At nang bigyan niya ng tingin si Summer ey bigla siya nitong binilatan dahilan para di niya mapigilang mapailing sa inasal nito.  "May problema ba hijo?" Tanong nang matanda para mapabaling ang atensyon niya dito, mukhang napansin ang pag iling niya. Kaya naman ay napasiko ulit siya sa tagiliran nitong si Forrest na sarap na sarap sa pagkain na halos mamilipit na naman sa sakit g tagiliran sa bahagyang lakas ng tama nito sa knaiya. "Ah-eh! L-lola, m-medyo m-maalat po yata yung-yung gulay." Palusot nitong si Forrest sabay sulyap kay Alex na napataas ng kilay sa kaniya. "Anong maalat, hoy--mas maalat pa pagmumukha mo? Almost 10 years ko ng nakakain niluto ng kaibigan ko at never sumablay sa lasa. Baka naman may sakit ka na?" Sabat nitong si Mau na napakunot ng marinig ang sinabi nito. "Seryoso, medyo maalat nga." Dagdag pa nitong si Alex saka pinukol ng tingin itong si Summer na napahinto sa pagkain. "Alam mo, kung ganyan ang panlasa niyo hindi na problema yun ng pagkain. Pasalamat na lang kayo dahil di lason ang inihain ko." Aniya nito saka tumayo. "Hoy Summer san ka pupunta?" Sigaw ng lola. "Kukuha po ng isang pitsel pong tubig, dagdagan ko ng sabaw yang gulay na nakahain baka sakaling tumabang panlasa nila." Inis na saad nitong sambit at humakbang papalayo. Wala namang nagawa ang matanda kundi ang mapailing na lamang. Hindi niya din maintindihan kung bakit ganito na lamang ang ugali nito sa bisita nila. Kung tutuusin mukha namang mabait ang lalaking ito, dahil kung iba tu--sa ginawa pa lang nito sa kaniya nuong gabing umuwing lasing at sinukahan ang bisita eh malamang baka nasuntok na nito ang apo niya. "Pasensya na kayo, wag niyo na intindihin yung apo ko. Di lang sanay yun na may bisita kami lalo na at lalaki pa. Medyo ilag kasi yun sa mga lalaki kaya ganun na lamang siguro kainit ang dugo nun." Napapabuga sa hanging saad nitong matanda, na walang kamalay malay sa pinag-mula ng tunay na sama ng loob nitong si Summer kay Alex. Hindi naman maitago nitong si Summer ang pagkulo ng bunbunan sa sobrang pagkainis sa lalaking yun, halos nakalimang beses na din niyang tinitikman ngayon ang gulay na natitira sa kawali. "Maalat? Baka naman putol yung dila niya kaya yung panlasa niya hanggang dun lang sa pang maalat? Sa tanang ng buhay ko, sa dami ng bisita ni lolang na nakakain ng espesyal kong niluto eh siya lang ang kaisa isang peste na nag sabing maalat. Eh kung ipapapak ko kaya sa kaniya tung isang kilong asin na pang lagay ni lola sa pagbibilad ng isda nang malasahan niya naman ang tunay na maalat?" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD