DAHIL nga maaga din sila Forrest at Alex na aalis, kinakailangang nilang matulog ng maaga pero dahil ayaw dalawin ng antok itong si Alex ay minabuti na lamang nitong bumangon at hayaang dalhin siya ng kaniyang mga paa sa sala. Madilim at nakakabingi ang paligid, mas ramdam niya ang nagsusumigaw na lungkot sa puso niya noong mga oras na iyon. Sa sobrang tahimik pakiramdam niya nalulunod siya. Napasinghap siya sa hangin, naisip niyang iyon ang huling gabing masisinghap niya ang napakapreskong hangin ng paligid. Maya-maya ay napaupo siya saka isinandal ang buong katawan sa yaring kahoy nitong upuan at sandalan saka ipinikit ang mga mata. Sa mga nakalipas na gabi--mali simula ng dumating siya sa pamamahay na ito muli siyang nakatulog ng maayos, pakiramdam niya sa t'wing ipinipikit niya

