HABANG nagpapahinga silang tatlo, bigla namang nabaling ang atensyon nitong si Alex ng marinig niya si Summer na nagha-hum sa isang pamilyar para sa kaniyang tono. Napapakunot noo siya habang iniisip kung narinig niya na nga ba talaga ang himig na iyon, o kung narinig man niya--saan, paano, at kailan niya naman narinig iyon. Hindi niya na malaman o maintindihan ang sarili niya bukod sa kamukhang kamukha ng namayapa niya pang asawa eh--sa pagkakataon namang iyon na narinig niya ang himig ay tila ba narinig niya na din noon. Sigurado siyang sa matagal na panahon niya ng narinig iyon at sigurado din siyang hindi niya naririnig pa iyong himig na iyon kay Serene. Pero bakit pamilyar naman ito sa kaniya kung wala naman koneksyon ni Serene. Litong-lito na siya sa babaeng iyon sa totoo la

