SIMULA
Saan nga ba nagsimula ang lahat?
Naiisip ko na 'yon kanina pa. Pero hindi ko talaga maalala.
Napapamura nalang ako sa sobrang inis dahil kanina ko pa talaga yun iniisip pero kahit anong gawin ko, wala ni isang kapiranggot na naalala ang utak ko.
Really? Labing siyam na taon akong nagdudusa rito sa pesteng Selective Amnesia na to! Akala ko ba Selective lang kaya nga Selective Amnesia eh!
Pero tang'na talaga .. Drain na drain ang utak ko. Hindi ko na nga alam kung maniniwala pa ko sa doktor na nagsabi sakin na Selective Amnesia nga lang to.
Sa kalagitnaan ng pag iisip ko napawi ang pagkayamot ko dahil dumating na ang dalawa kong kakambal ..
Well, hindi ko naman sila tunay na kapatid o kadugo basta kambal kami. Dahil sa closeness namin.
"Ano nanaman yan kambal? Pinipilit mo nanamang aalalahanin ang mga bagay bagay. Kalimutan mo nalang kasi makakasama iyan sayo. Gaga ka talagang babae ka."bungad agad sakin ni Lorraine. Ang Celine samin.
Ako kasi yung Shitty e.. I act like a s**t.
Tapos si Kitty ang isa. Moody kasi yan parang pusa.
Sasagot na sana ako nang biglang ginatungan ni Kitty.
"Don't stress yourself too much bal.. Nagmumuka kang frustrated sa itsura mo .. Maaga kang tatanda sa mga pinag gagawa mo. Sige ka papangit ka."sabi nito ng natatawa ..
Automatikong umikot yung mata ko at nagcross arms ako. Pasok sa kanan labas sa kaliwa.
"as if I care.. Bakit nga pala andito nanaman kayo sa condo ko?"pagtataray ko sakanila. Mas matanda ako sakanila ng tatlong taon..I am 19 now.
"Bakit chocolate babe? Ayaw mo na ba samin?"madramang sisinghot singhot si Lorraine at niyakap agad ako. Umirap ako ulit sa sobrang pagkaasar. I hate dramas.
"ganyanan Hershey.."sabi niya agad .. Niyakap ko nalang siya pabalik kahit na naasar ako dahil nabanggit niya nanaman ang pangalan ko.
Hindi ko alam kung bakit lagi nalang sa tuwing babanggitin nila ang pangalan ko naiirita ako na para bang nasusuka ako sa pangalan ko.
My Mom's favorite chocolate brand is hershey's. Wala naman kaming problema ni Mama dahil mahal ko yun. Sobrang bait at napaka alaga..
"Tama na nga iyan! Nagugutom na ako. Tara kumain sa labas."
Saad ni Kitty habang nakabusangot na nakapameywang sa harap ng Pintuan ng Condo ko.
I live alone. I prefer to be alone..not forever.
"At saan nanaman tayo magpupunta?"untag ko. Napatunganga naman sila sakin na para bang ako rin ang makakasagot sa tanong ko.
Napailing nalang ako. At nag ayos saglit sa harap ng salamin. Masyado kasi akong conscious sa itsura ko kaya lagi talaga akong naharap sa salamin bago umalis.
Nakakasawa na kaya yung lagi kang hinuhusgahan at binubully ng mga tao dahil sa panlabas mong anyo.
Naglalakad na kami ngayon sa Parking lot. I have my own car now. Pinaghirapan ko yata to. Sariling dugo at pawis. Ako kasi yung tipo ng babae na ayokong asa na lahat sa magulang. Nakakahiya kaya yon.
Kinapa ko agad yung susi ko at agad na pinatunog yung Porsche ko.
Agad kaming pumasok at nagsimula nakong magmaneho papuntang mall ..
Medyo nakakapikon kasi ang ingay ingay nanaman nila. Ako lang talaga itong tahimik samin.
"OMG! May bago nanamang FAM Activity. At worst mahirap hirap. Nakakainis napaka pahirap talaga ng Clan na yan." saad ni Kitty ng nakasimangot.
Natawa nalang ako. Kasi naman todo effort sila doon kung pwede namang di nalang gawin.
Kasali kasi kami sa isang sikat na Cyber Fam .. Ang Surname ay 'Fuksheet' at 'Tatlonghari'
Pero ngayon nagquit na ako sa fcw. Syempre natauhan ako at nabagok. Hahaha.
Pagkarating namin sa loob ng mall. Nagtataka ako kasi biglang natahimik yung dalawa kaya nakiusisa ako.
"Anong meron?"
Tanong ko sakanila ng naasar. Dahil ayaw nilang ipakita sakin. Mga walanghiya talaga.
"N-No!"sabay pa nilang sabi. Ako naman pilit kong tinitingnan kung ano bang meron at nasobrahan sila sa kaseryoso.
"Isa Lorraine! Ipapagang bang ko kayo sa buong Gang kapag hindi niyo pinakita sakin yan! O kaya naman gusto niyong sirain ko yang tablet."sarkastikong saad ko habang nanggigigil.
Kilala nila ko kaya kong gawin kung ano mang magustuhan ko. I'm a badgirl but I have a face of an angel sabi ng iba.
Umirap sila at pinakita sakin ang picture ng ex ko na sweet sa bago nitong girlfriend.
"then?"
Napangisi akong tumingin sakanila at umirap. As if I care. Tapos na 'yon. Nakalimot na ko.
Wala na nga akong matandaan sa sobrang tagal na.
"C'mon. Akala ko ba gutom ka?"baling ko kay Kitty na nakahalukipkip.
Naglakad na ako at sumunod sila sakin.
Naasar ako sa mga nadaang bulag bulagan. Ganto naman ako talaga kahit noon pa. Masama ugali ko na minsan sobrang bait ko naman.
Saktong hinto namin sa may tapat ng Mcdo ng tawagin ako ng highschool bestfriend ko. She is Cathlyn.
"Hershey! Here!"tinapik niya yung katabi niyang upuan. Abot langit na ang ngiti niya habang tinatawag ako. Napapailing nalang ako sa tuwing maalala ko nung highschool pa kami. Wala parin siyang pinagbago. Simple at walang arte.
"Cath!"tawag ko at nilingon ang dalawa kong kakambal. Napailing nalang si Lorraine at nangingiti si Kitty.
Narinig ko pang bumulong si Lorraine ng Iba na talaga kapag famous kahit saan magpunta may nakakakilala
Naipiling nalang ako sakanya. God is only famous. Napasinghap ako ng makarating sa table niya. Nagprisinta ang dalwa nila Kitty at Lorraine na sila nalang ang oorder.
Nagnod ako at inabot ang pera .. Nagkwentuhan kami ni Cathlyn Gloriani tungkol sa mga bagay bagay sa nakalipas na ilang taon. Simula kasi nung magcollege ako nagkalayo na kami. Sa CCT siya nag aaral sa tagaytay. Ako naman eto La Salle Dasma. Kaya yun ..
"Grabe, habang tumatagal lalo kang gumaganda Hershey. Nakakamiss nung highschool tayo no? Yung pagrereview natin ng sabay sa room at library. Ngayon kasi nahihirapan ako e. Bukod sa mahirap ang course kong Human Resources di ako sanay ng di ka kasama magreview. Naalala ko pa nga lagi tayong nagpapataasan ng grades. Pati sa Top 14 agawan tayo ng pwesto. Nakakamiss yun pati yung pagbili natin ng pabango at icecream kapag tanghali at pagsama mo sakin kapag bibili ako ng faber na ballpen sa tindahan sa may gilid ng plaza."natatawa nalang kami kapag naalala namin yung panahon na ang simple ko pa.
Hanggang sa naalala ko yung pagbabago ko.
Simula ng makilala ko siya
kamusta na kaya siya?
Nakamove on na kaya siya?
Nakalimutan na ba niya ko?
Yun ang hindi ko alam.
Natulala ako hindi ko na nga namalayan na nakaalis na pala si Cathlyn
Hanggang sa magsalita si Kitty.
"Si Jhus-stine ba yun?"
Sabay turo niya sa lalaking nakasuot ng maong na fitted at white shirt na may printed na Vondutch
Napatunganga ako sa nakita ko. Ang gwapo niya parin. Maputi, matangos ang ilong, may makinis na muka, manipis at pantay na kilay, at higit sa lahat may mapupulang labi.
Napatunganga ako sa harapan ko. Lumingon lang ako saglit sa tinuro ni kitty at eto nanaman ang puso ko.
Bakit ba kailangang tumibok sa isang tao lang?
Ghad. Nagmumuka akong magtyr nito.
Inilapag na nila Lorraine at Kitty ang inorder nilang Burger, Sphagetti, Fried Chicken with Rice at ang coke namin. Balak ko sanang kumain nalang at wag nalang pansinin pa yung kanina kaya lang nung hawak ko na yung tinidor para sa sphagetti ko.
Biglang may naupo sa tabi ko. Na estatwa ako sa kinauupuan ko at para bang huminto ang oras pati ang mga taong nagpapabalik balik sa paligid ay huminto rin.
Naghaharumentado ang kalamnan ko pati na ang puso ko. Binalot ang paligid ng nakakabinging katahimikan. Hanggang sa magsalita siya.
"Hershey, hanggang kelan ka ba magiging ganito sakin? Hanggang kelan ba tayo magiging ganito?"pagsusumamo ni Justine. Paulit ulit iyon sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit.
Nalaglag ang tinidor na hawak ko at nanlamig ang buong katawan ko.
Eto nanaman kami pilit niya nanamang ipapaalala sakin ang nakaraan. Nakaraan na kahit anong gawin ko hindi ko na maalala pa.
Magsasalita na sana ako ng biglang padabog na tumayo si Lorraine.
"Excuse me, kakain ho kami. Wag ka sanang bastos! Baka mawalan ng gana kakambal ko sayang ang perang ipinambayad namin. Kung maari umalis kana at wag mo ng guluhin pa si hershey."seryoso at sarcastic na saad niya. Habang nakataas ang kilay at mariing nakahawak sa kutsara niya.
Nagsorry si Justine at tumayo. Napabuntong hininga nalang ako ng makaalis na ito. Naiwan pa ang bakas ng pabango niyang nanunuot sa ilong ko. Bwiset!
Kapag gantong frustrated ako napaparami ang kain ko. Nakatatlong order ng sphagetti ata ako noon.
Si Justine, siya ang dahilan ng lahat ng ito. Ang alam ko lang nagbago ako para sakanya. Naging palaayos ako para sakanya. Inalis ko ang bisyo ko para di kami mag away. Nag lie-low ako sa gang para lang di siya lumayo.
Pero sa huli iniwan niya parin ako kahit alam naman niya kung gano ako kahina. Kung gano ko siya kakailangan.
Ni minsan di ko nagawang magalit sakanya kahit sobrang sakit ng pang iiwan niya. Wala akong kaalam alam noon. Bata pa siguro ako kaya madali akong utuin.
Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang totoo. Dahil masyado siyang misteryoso. Masyado siyang malihim. Hindi ko mabasa o mahulaan man lang ang iniisip niya.
"Don't think too much. Nang gugulo lang 'yon. Tara na umuwi. Hatid mo na kami."sabi ni kitty at tumayo. Sumunod ako sakanila ..
Sa gitna ng paglalakad nakasalubong ko si JM.
"Mark! Long time no see. Hindi kana nakakadalaw sakin ah? Anong meron?"tanong ko sakanya at ngumiti.
Ang gwapo talaga ni John Mark Gonzales. Matalik na kaibigan niya si Justine.
Ginulo niya muna ang buhok ko bago sumagot. Napasimangot naman ako dahil ang ayoko sa lahat ay ginugulo ang aking buhok.
"Busy lang ako. Alam mo na inaasikaso ko pa yung mga files sa Company ni Tita."sabi nito sakin at nag iwan ng ngiti.
Bago kami umalis ay nagkakwentuhan pa,
kaya natagalan at ginabi kami. Hinatid ko na muna sila Lorraine sa kani-kanilang bahay bago ako bumalik sa Condo.
Nang makarating ako sa tapat ng unit ko. Bumilis nanaman ang kabog ng dibdib ko.
Totoo ba ito?
Andito siya?
"M-Moo..."paunang salita niya habang nakahalukipkip at nakasandal ang kaliwang paa sa pader at nakalagay ang dalwang kamay sa bulsa ..
"Hmm?"eto nanaman tumitiklop ako kapag kausap ko na siya. Kapag nasa harapan ko na siya.
Pero kapag wala naman lagi kong hinahanap ..
"yung mga text mo kahapon.."
"huh? Hayaan mo na yun ok kana naman e.."sabi ko.
"sa totoo lang natawa ako sa mga text mo kahapon.."sabay humalakhak siya.
Yung ngiti niya. Yung bawat pagtawa niya parang musika sa tenga ko. How can I move on? Kung sa bawat kilos niya nahuhulog ako.
Pero nabura talaga yung mga alaala namin. Kahit nga yung tinext ko sakanya kahapon nakalimutan ko na. Konti nalang naalala ko.
Nabura ko kasi ang number niya. Kaya halos masiraan ako ng bait kahahanap ng notebook kung saan andun ang number niya. Kaso I failed wala akong makita. Nahirapan nga ako makatulog dahil doon.
Buti naalala ko si Mark. At kinuha ko sakanya ang number.
"bakit?"
"wala lang"nagkibit balikat siya at bumuntong hininga.
"crazy, sorry ulit moo dapat sinusulat ko na yung pangalan mo sa noo ng mga taong nakakaharap ko."sabay tawa ko.
"ahh..sige.."ngumiti siya ng tipid at ganun rin ako.
"sige. "
"write it on your ceiling. "pahabol niya at nagsimulang maglakad.
"luh. Gusto mo yatang mabaliw nanaman ako sayo.."sabi ko ng natatawa. Siraulong to gusto yatang mainlove ako sakanya ulit.
"baliw ka pa naman ata sakin hanggang ngayon e.."seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.
Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko sa titig niya.
"wala na.. Bumalik lang yung memories kasi napindot ko yung video na ginawa ko para sayo."
Nakita ko ang disappointment sa muka niya. Para tuloy gusto kong bawiin yung sinabi ko kanina. Kainis ..
Mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko sa pangalwang tanong niya. Sobrang seryoso ng muka niya. Saglit akong pumikit at bumuntong hininga.
"may feelings ka pa rin ba para sakin?"
"wala na..baka ikaw moo?"
Diretso at walang pag aalinlangan ko siyang sinagot. Naging blanko ang expression ng muka niya kaya naguilty ako...
"wala."He laugh akwardly.
"bakit ganyan muka mo? Hahaha. "napasimangot siya nung humalaklak ako.
"bakit gwapo ba?"
"ewan baliw.."napangiwi ako sa sinabi niya. Alam na nga itatanong pa. Yung totoo? Nanadya kaba?
"kahit di mo sabihin alam kong alam mong gwapo ako.."umirap ako sa sinabi niya. Alam mo na pala eh. Hmp.
"lasing ka yata moo. Ang hangin mo hahaha.."inasar ko siya at humalaklak ulit. Gosh! I really miss his presence.
"I'm not ..."humalukipkip ulit siya at seryosong tumingin sa floor.
Buti pa yung floor sineseryoso niya. Ako kasi hindi ..
"moo namiss ko to.."nabigla rin ako sa lumabas sa bibig ko. Wala nanamang preno preno. Argh.
"ang alin?"
Sabi niya at tinitigan ako..
"ang makausap ka.." wala sa sarili kong sinabi.
"ay moo sorry..yung promise ko sayo na hindi na ako magyoyosi nasuway ko. No choice kasi e. Anlamig."
"Matulog kana. Its ok, wala na naman akong karapatang pigilan ka e."
Bakas sa muka niya ang kalungkutan at kawalang pag asa. He's so disappointed..
"meron moo. Bestfriend kita. Ikaw nalang yung natitira e."nakangiti kong sinabi.
"edi tigilan mo na ang pagyoyosi at pag inom ng alak."suminghap siya at malalim akong tinignan sa mga mata.
"sa pasukan moo. Promise.."sabi ko ng natatawa. Gustong gusto ko talagang nakikita siyang seryoso at concern sakin. Kinikilig ako.
"HERSHEY MENDOZA"
Nagulantang ako sa pagsigaw niya sa First name ko at Last name ko. Naalala niya parin pala. Lihim akong nangingiti.
"wait Mendoza kaba?"
Pahabol niya habang ineexamine kung tama nga ba ang sinabi niya. Playboy kasi. Kaya andaming babae. Tss.
"eh..wag kana magalit..
Yeah tama hahaha.."natawa ako sa binibigay na expression ng muka niya. Crazyhandsome.
"basta itigil mo na ang pagyoyosi at pag inom."
"sa pasukan moo ko.."humalakhak ako ng tawa at sumimangot pa siya lalo. Cute
"ngayon na."nakapokerface niyang untag.
"hala..magagalit sakin sila.."sumeryoso ako at sinagot ang sinabi niya.
"NO! Uminom ka ng mainit na tubig para uminit katawan mo or pwede rin namang..." ayan nanaman yung pilyo niyang pag ngiti.. Kainis. Automatic na tumaas ang balahibo ko sa pinag gagawa ng mokong na ito.
Bakit ba kasi may mga taong sadyang pinagpala. Yung isang to nung nagpaulan yata ng kagwapuhan si Papa God hindi natulog at sinalo ng lahat.
"hey moo sasapatusin kita dyan hmp.
Buti pa mga barkada ko hindi perv ."kinakabahan man ako pero ginawa ko paring natural at humahalakhak pa ko. Naging tunog akward tuloy. Trying hard kumbaga.
"bakit napunta sa mga perv?" seryoso at painosente niyang tanong.
"sabi mo kasi pwede din namang heh!"
Umirap ako. Sabay tawa ulit.
"ano? Ituloy mo...pag di mo itinuloy.."ngumisi pa siya lalo. Kaya mas lalo akong kinalibutan. Sh*t! Halos magmura nako sa utak ko sa sobrang kaba.
"w-wala..."nauutal kong sabi.. Habang umaatras.
"one last chance.. Itutuloy mo o hindi?"mas lalo pa siyang ngumisi. Kaya natigilan ako at mas kumabog pa ang dibdib ko habang palapit siya ng palapit sakin.
"Si mark ba e galit sakin?
Goodnews si Mark Gerald kuya ko na. Kinuya ko baka kasi ligawan ako e. Hahaha!"pag iiba ko ng topic. Kaso wala talaga akong kawala kapag siya na ang kausap ko, akward akong tumawa sa harap niya habang nakatingin sa gilid.
"hindi m-moo. "ramdam ko na ang takot. Baka kasi halikan niya ko ulit at maramdaman ko nanaman yung feeling ng mainlove gaya noon. I'm afraid. Baka masaktan lang ako ulit.
"sabihin mo na.."hindi mapawi ang nakakalokong ngiti sa labi niya. Kita ko sa gilid ng mga mata ko. Sinandal niya ako sa pader at ihinarap ang muka ko sa muka niya. 2inch away. Kaya pakiramdam ko namumutla na ko.
"ang a-alin?"bigla akong nataranta at namula sa sobrang lapit namin. Halos amoy ko na ang mabangong mint mula sa bibig niya pati ang paghinga niya. Nakakabaliw ang amoy ng pabango na gamit niya. Nakakaakit.
"sabihin mo yung karugtong ng sinasabi ko kanina.." sumeryoso ang muka niya habang titig na titig sakin. Nanlalambot ang tuhod ko sa tayo naming dalwa. Wala talaga siyang pakielam kung may makakita man samin.
"ayoko.. Ikaw moo ahh..marami pang babae diyan. Wag ako ang pagtripan mo."I laugh again pero nagmuka lang akong trying hard at naging akward pa lalo. Napaurikit ako sa sobrang lapit ng bibig niya sa tenga ko.
"sabihin mo na kasi..
oo na matutulog na ako.."
Nagpumilit siya pero in the end sumuko na rin siya.
Natulala ako ng matagal habang pinapanood siyang nagsimula ng lumakad palayo sakin. May halong pagsisisi at disappointment sa part ko. Hindi ko alam kung bakit.
Nung hindi ko na siya makita .. Nanlalambot akong pumasok sa unit ko at dumiretso sa CR para maghilamos.
Sh*t! Ang tagal kong pinaghandaan ang pagkikita naming ito. Sinabi ko na sa sarili ko na magiging cold ako pero bakit iba. Bakit nag iba?
Sumalampak ako sa kama pagkatapos kong magpalit ng pang tulog. Nakailang paikot ikot ako sa kama bago tuluyang makatulog.
Justine you always make me feel crazy and complicated.