Partner "bessy anong gagawin ko? Kailangan ko ng kapartner. Juskoo. Bakit nauso uso pa kasi ang event na yan?!"singhal ko. Nandito kami ngayon sa condo ko. Kanina pa kami nagmumuni muni ni bessy. Ang hindi ko maintindihan palagi nalang may General Assembly kapag Marketing na course. Nakakaiyak na talaga. Sa tuwing naattend pa naman ako boring lagi. Nagiging interesting lang depende sa speaker at guest. Ngayon iba dahil may party pagkatapos. At may mga artistang dadalo. Ano kayang gagawin ko? Ano ba naman yan? 2weeks palang ako dito. As in kababalik ko palang may ganito na agad. Ganito ba talaga sa Pilipinas? Madaling madali palagi. Malapit na mag Finals. Ano kayang mangyayari? Magrereview pa ako.. Naloloka na talaga ko. Ang dami kong gagawin. Tapos nagagawa ko pang gumala at makip

