"Hershey.. Di kapa ba uuwi? May naghihintay sayo sa labas."lumapit sakin si Kayla. Napaisip tuloy ako. Sino kaya yun? "sino daw?"wala naman akong naalalang may susundo sakin. Tinapos ko muna yung pag eencode sa Sales Processing. Bago ako tumayo at nagpaalam kina Bhea. Tumango lang sila. Pauwi na rin naman daw sila mamaya. Napilitan lang akong bumalik sa kompanya dahil kay Alex. Kahit naman na di maganda yung nangyari samin ay nagkaayos rin agad kami. Sumakay ako ng elevator at nagtungo sa labas ng Building. Bumungad sakin ang lalaking nakasandal sa kotse nito suot ang cap. Saka siya lumingon sa direksiyon ko ng mapansin niya yung anino ko. Mataman ko siyang tiningnan. Bahagya siyang ngumiti. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Something goes wrong. Biglang bumilis ang paghinga ko

