Pasko na. Hindi parin siya nagising. Madalas din pumunta dito si Alex. Hindi nga talaga kami magkasundo. Kaya sa tuwing andito siya ay nagkakainitan lang kami ng ulo. Pero naiwas ako. Alam ko kasing ayaw niya na nag aaway kaming dalawa ni Alex. Wala naman akong pakialam sakanya. Kaya lang.. Alam ng lahat na karibal ko siya. He take away my only one. Fvck. "nakatambay ka nanaman sa veranda. Anong problema?"tanong ng pinsan kong si Bhea. Yeah, magkapatid kasi ang mom namin. Di ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya. Close kami at sanay na siya sa ganitong pag uugali ko. "magigising din siya.."pang aalo niya. Napalingon na ako sakanya. She smiled at me. Tumango lang ako.. Di ko akalain na alam niya ang tungkol kay Hershey. Sa pagtatrabaho nito sa kompanya ng mga Martin. Nilihim niya iyon.

