Magkausap kami ngayon ng kaibigan ko. "Be, kelan ba ang uwi niyo dito ni Alex? Gosh. Gusto ko ng gumala ulit kasama ka. Magsashopping pa tayo pareho."she pouted her lips kaya nagmuka na siyang pato. Kaya natawa ako habang naiiling. Namimiss na talaga ko ng kaibigan kong ito. "hindi ko alam sakanya. Busy pa rin kasi siya dito until now. Alam mo na masyadong malaki ang kompanya nila. Kailangan hands on siya para hindi malugi o magkaconflict pagdating sa Financial Statement. Since, Accountant siya marami siyang nalalaman tungkol diyan. Kaya hindi pa siya maaring umuwi."sabi ko habang nainom ng ice tea. Magkausap kasi kami sa Skype. "c'mon mauna ka nalang umuwi! Sige na!"pangungulit niya. "hindi yun maari. Kilala mo naman si Alex. Ayaw noon ng ganon. Di ako papayagan nun pag nagkataon."s

