Third Pov
Panay ang pasasalamat ni Phine kina Zaijan at Lenard dahil sa pagsabay nila sa kanya ng araw na iyon. Hanggang sa nakarating sila sa kumpanya ay nagpapasalamat pa din si Phine lalong-lalo na kay Lenard.
"Diretso linis ka na sa office ko," sabi ni Zaijan nang bababa na si Phine.
Natigil naman si Phine sa pagbaba sana nito mula sa sasakyan. Napalingon siya kay Zaijan na hindi naman nakatingin sa kanya.
"May problema ba, Miss Dimagiba?" tanong ni Zaijan bagaman hindi ito nakatingin kay Phine ay alam nitong nakatingin sa kanya ang dalaga.
"Ahmm..wala po boss! Magbibihis lang po ako sandali at saka ako aakyat ng third floor." Mabilis na sagot ni Phine.
Hindi naman na sumagot si Zaijan kung kaya't mabilis nang bumaba ang dalaga. Pagkababa ni Phine ay agad na napalingon ang lahat sa dalaga. Nagtataka sila kung bakit bumaba mula sa vip car ng kanilang boss si Phine nang umagang iyon. May nakanganga, marami ang nagbulungan at marami din ang tumaas ang mga kilay. Naasiwa naman si Phine sa mga tinginan ng kanyang mga ka-trabaho kung kaya't patakbo na lang ito kung maglakad habang iniiwas ang kanyang mukha.
"Bakit ganyan ang mga hitsura niyo?" Parang bomba ang boses ni Zaijan na parang sumabog sa mga nagkukumpulang employees ng kanyang kumpanya.
Agad na nagkawatak-watak ang lahat at kanya-kanya na ng kanilang direksyon. Walang sino man ang nangahas na nagsalita at lumingon sa kanilang boss. Nagpila silang lahat at magkakasabay na binati ang kanilang boss sabay yukod.
"Lahat ng mga nagbulungan ngayon may kaltas ang sahod sa katapusan," matigas na wika ni Zaijan at nagpatuloy na itong naglakad kasunod sina Lenard at mga bodyguard ng binata.
Lahat ay napangiwi, may mga nalaglag ang mga balikat at may nga nagsisihan.
"Ikaw kasi kung ano-ano ang nakikita mo!" Paninisi nila sa dalagang nasa information desk na siyang unang nag-anunsyo na nakita nitong bumaba si Phine mula sa vip car ng kanilang boss.
Sinisisi din nila ang isang guwardiya na hindi nagtimbre ang maagang pagdating ng kanilang boss ng umagang iyon.
"Hoy, Phine ang suwerte mo naman at nakasakay ka na sa vip car ni boss. Alam mo bang sa tinagal-tagal na namin dito ni isa sa amin wala pang nakasakay diyan?" Pabulong na wika ng isa sa kasamang janitress ni Phine habang nagla-log in sila.
Napipilitan naman si Phine na ngumiti sa iba pang nakikinig sa kanila.
"Hindi naman si boss ang nagpasakay sa akin doon eh!" Katwiran niya.
"Kung hindi si boss eh sino?" Curious pang tanong ng iba.
"Si Sir Lenard. Naawa sa akin kasi sobrang traffic at naglalakad na lang ako kaya huwag niyong bigyan ng malisya ang pagsakay ko sa vip car!" Paliwanag ng dalaga.
Marami naman ang napatango-tango at napasabi ng "ay!". Kaya nakahinga naman nang maluwag si Phine at tuluyan na itong pumirma sa log in book nila.
Pagtingin ni Phine kina Jake at Bella ay nagtatanong din ang mga mata ng dalawa na nakatingin sa kanya.
"Mamayang break na lang," ana ni Phine sa dalawa at patakbo na siyang nagpunta sa kanyang locker room.
Baka kasi pagalitan ito ng kanilang boss kapag babagal-bagal siya. May utang na loob pa naman siya sa kanyang boss ngayong umaga. Kaya kailangan niyang magpaka-impressive ngayong umaga pambawi niya sa naitulong ng kanyang boss sa umagang iyon.
"Come in," narinig ni Phine na sabi ng kanilang boss pagkatapos nitong kumatok ng dalawang beses.
Marahang itinulak ni Phine ang pinto at agad niyang binati si Zaijan. Tumango lang si Zaijan na hindi tumitingin kay Phine kung kaya't tuloy -tuloy naman ang dalaga sa kwarto ng kanyang Amo upang maglinis na.
"Pagkatapos mo diyan puwedeng pakilinisan ang mga libro sa both shelves?" Biglang sabi ni Zaijan na nakatayo sa may pinto ng room nito.
Napapiksi naman si Phine dahil sa gulat nito sa biglang pagsasalita ni Zaijan sa kanyang likuran.
"Ay anak ng butanding!" Bulalas ng dalaga.
Napatikhim na lamang si Zaijan sa nasabi ni Phine kung kaya't agad na humingi ng pasensya ang dalaga.
"Isusunod ko na po," maalumanay na sabi ni Phine kinalaunan.
Naudlot ang pagsasalita sana ni Zaijan nang biglang may kumatok. Pagkatapos ay bumukas ang pinto at iniluwa doon si Irish na maluwang ang ngiti.
"Good morning!" Magiliw na bati nito sabay beso sa binata.
"Morning! Kailan ka pa dumating?" Bantulot na sagot ni Zaijan sabay alis sa may pinto.
Napahinto naman si Irish nang madama nitong hindi nag-iisa si Zaijan sa loob ng opisina nito.
"Who's in your room?" Agad na tumapang ang mukha ni Irish na tumingin kay Zaijan.
Hindi pa man nakakapagsalita si Zaijan ay nasilip na ni Irish kung sino ang nasa loob ng kwarto ni Zaijan sa opisina nito. Mabuti na lamang at nakatalikod si Phine dahil pinupunasan nito ang isang bintana doon. Nakahinga naman nang maluwag si Irish subalit hindi pa rin maipinta ang mukha nitong bumalik sa kinaroroonan ng binata.
"Kailan pa naging babae ang naglilinis ng kwarto mo?" tahasang tanong ng dalaga.
"What's the matter about that? Ang mahalaga, I'm satisfied with the way she cleaned my room and my entire office." Kibit-balikat na sagot ni Zaijan.
Bigla namang ngumiti si Irish sabay upo sa harapan ni Zaijan.
"Malay mo, aakitin ka niya kagaya ng ibang cleaners mo noon remember?" Anito.
Zaijan sighed pero sa papeles na hawak niya pa rin ito nakatingin.
"She's different. Saka, siya ba ang main topic natin ngayon?" Tugon nito.
Tumawa naman si Irish sabay de kwatro.
"Of course not! She's a low servant, why would I need to make an effort to be the main topic here?" Sabi ng dalaga.
"Ganoon naman pala. So, ano naman ang naging topic niyo sa seminar?" Paglilihis ni Zaijan sa kanilang usapan tungkol kay Phine.
At nag-kwento na nga si Irish tungkol sa pinuntahan nitong seminar sa abroad. Hindi nakasama si Zaijan dahil para iyon kay Irish lalo na sa propesyon nito as a business partner ng binata.
"Ahm..Sir tapos na po ako." Singit ni Phine nang marinig nitong tapos ng magsalita si Irish.
Napatingin naman si Zaijan kay Phine ng ilang segundo pagkatapos ay tumango-tango ito.
"Balik ka na lang after lunch here,"'sagot ni Zaijan.
"Sige po!" Kiming tugon ni Phine at tuluyan na itong lumabas.
Nagmadali si Phine na lumabas dahil nakadama siya ng asiwa sa paraan nang pagtingin sa kanya ni Irish. Lalo na nang tingnan nito si Phine mula ulo hanggang paa saka nito inirapan.
"Infairness maganda 'yong bagong cleaners mo kahit ganoon ang ayos niya. Bumagay ang kanyang uniform sa beauty niya," nakataas ang isang kilay ni Irish na sinabi iyon kay Zaijan.
"Will you stop it? Lahat na lang napapansin mo, business ito Irish hindi para pansinin ang ibang tao diyan." Medyo paangil na sagot ni Zaijan.
Napasimangot naman si Irish.
"Continue," utos naman ni Zaijan pagkatapos.
"Sa meeting na lang natin nawalan na ako ng gana. Babalik na ako sa aking opisina!" Tugon ng dalaga sabay tayo.
Kapagkuwan ay huminto ito at may dinukot sa loob ng kanyang shoulder bag.
"Ito ang pasalubong ko sa'yo! A very rare perfume alam kong magugustuhan mo," sabi pa ni Irish sabay abot kay Zaijan ang hawak nitong pabango.
"Thanks!" Sagot naman ni Zaijan at kinuha naman niya iyon.
Ngumiti lang si Irish at tuluyan na itong lumabas ng opisina ni Zaijan. Dumiretso ito sa kanyang opisina at agad niyang tinawag si Lily.
"Ma'am?" agad na tanong ni Lily nang nasa harapan na ito ni Irish.
"Papuntahin ngayon din dito si Miss Dimagiba ang cleaners ni Zaijan sa kanyang opisina. Now na ha?" Agad na bilin nito sa kanyang secretary.
Agad na tumango si Lily at mabilis na itong naglahonsa harapan ni Irish upang hanapin si Miss Dimagiba.
Samantalang si Phine ay bumaba na sa groun floor para tumulong na maglinis ito doon. Natakot siya sa kanilang Ma'am Irish first time niyang makita ito sa malapitan. Maganda talaga ang kanilang Ma'am kaso nakakatakot ang mga mata nitong bilog na bilog na parang buwan.
"Misa Dimagiba?" habol na sabi ng head nila Phine sa cleaning department.
Napakunot-noo naman si Phine na lumingon sa kanilang head na humihingal na yata sa kakahabol sa kanya.
"Bakit po Sir?" tanong agad ni Phine nang makalapit ang head nila sa kanyang kinatatayuan.
"Diyos ko naman bakit ba ang bilis mong kumilos? Tanaw lang kita kanina ngayon nandito ka na sa ground floor!" Humihingal na sagot ng lalaki.
"Bakit nga po niyo ako hinahabol?" Maang na tanong ulit ni Phine.
"Ipinapatawag ka ni Ma'am Irish sa kanyang opisina ngayon na daw!" Bilin ng kanilang head.
"Po?! Bakit daw po?" Bulalas ni Phine na kumabog na naman nag dibdib nito.
"Hindi ko alam! Basta puntahan mo na at parehas sila ni boss na ayaw nilang naghihintay," sagot naman ng head nina Phine.
Nataranta naman si Phine at patakbo nitong tinungo ang elevator papuntang third floor. Magkatabi lamang ang opisina nina Zaijan at Irish kaya naman babalik ulit si Phine doon sa pinanggalingan niya lang kanina.
"Pinapatawag daw ako ni Ma'am?" tanong ni Phine kay Lily nang makarating na siya sa opisina ni Irish.
"Tumuloy ka na hinihintay ka na niya sa loob kanina pa." Sagot naman ni Lily.
Huminga muna nang malalim si Phine bago ito kumatok sa pinto ng main office ni Irish. Nabibingi na siya sa kabog ng kanyang dibdib. Lalo na at naalala niya ang mga sinasabi ng kanyang mga ka-trabaho about sa ugali ng kanilang Ma'am Irish. Napapatanong si Phine kung ano ang sasabihin sa kanya ni Ma'am Irish wala naman siyang maisip na nagawa niyang mali para ipatawag siya at pagalitan. Kinakabahan man si Phine ay tinibayan na lamang niya ang kanyang loob lalo na't alam naman niyang wala siyang ginawang mali o masama na maaaring ikakagalit ng kanilang Ma'am Irish sa kanya.