Kagaya ng dati nagising ulit si Zaijan apat na oras din itong nakatulog kahit papaano. Mabuti na lang at umepekto pa rin ang mga medication nito.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Lenard sa binata nang makita na nito sa may sala.
"As usual may nabago ba?"matamlay na sagot ni Zaijan at kinuha nito ang tasang hawak ni Lenard na may lamang green tea.
Inilang lagok lang ni Zaijan ang kanyang tsaa at ibinalik kay Lenard ang baso.
"Nakaluto na ako, eat your breakfast para makainom ka na ng iyong gamot. Pagkatapos papasok na tayo sa opisina mo," sabi pa ni Lenard na parang Tatay lang na nagpapaalala sa kanyang anak.
"Anong niluto mo?" Wala pa ring emosyong tugon ni Zaijan.
"Ham saka itlog,"
Napaarko naman ang mga kilay ni Zaijan na napatingin kay Lenard.
"Bakit?" nagtatakang tanong naman ni Lenard.
"Wala ka bang ibang recipe kung hindi ham at itlog?" Tanong din ni Zaijan.
Napakurap-kurap naman si Lenard sa katunayan nga ay iyon talaga ang karamihan sa laman ng ref nila. Hindi naman ugali ni Zaijan ang magbulatlat sa fridge nila. Hindi masabi- sabi tuloy ni Lenard na marami talaga silang ham at itlog sa fridge.
"Teka... huwag mong sabihing marami kang stock na ham at itlog?" tanong pa ni Zaijan.
Napakamot naman si Lenard sa sarili nitong batok at alanganing tumango. Napapikit naman si Zaijan saka nito tinaliman nang tingin kay Lenard.
"Sorry na lalaki lang din ako na hindi maalam sa mga luto-luto serye na iyan. Kung bakit kasi pinabalik mo si Aling Mameng sa Mansyon!" Katwiran ni Lenard.
"At idinamay mo pa si Yaya Mameng niyan?" Pandidilat ni Zaijan.
"Nasabi ko lang naman! Kakain ka ba o hindi?"
Si Zaijan naman ang napakurap-kurap.
"Nilaga ba 'yong itlog?" Mababa na ang tono nang pananalita nito.
"Oo! Alam ko namang ayaw mo ng pritong itlog," tugon ni Lenard na nagsimula na itong maglakad papuntang kusina.
"Dalhin mo na lang sa kotse 'yong nilagang itlog kakainin ko sa office." Pahabol na bilin ni Zaijan kay Lenard.
"Oki doki!" Sigaw naman ng binata at nawala na ito.
Napapailing na lamang si Zaijan at lumabas na ito upang magtungo sa kanyang sasakyan. Mabilis naman ding humabol si Lenard na may hawak itong paper bag kung saan naroon ang mahiwagang mga itlog ni Zaijan.
"Naku bakit sobrang traffic ngayon!" Himutok ni Phine habang nasa kahabaan siya ng Edsa.
Inagahan na nga niya dahil umiiwas talaga siya sa mga traffic kagaya sa nararanasan niya sa mga oras na iyon. Sakay siya ng bus, at masasabi nitong suwerte siya kasi nakaupo siya hindi nakatayo.
"Manong bakit po traffic?" Hindi na napigilang itanong ng dalaga.
"May banggaan kasi sa may dulo at malala yata," sagot ng driver.
"Ano! Naku, papaano na ngayon 'yan male-late na ako sa aking trabaho," himutok ni Phine na napaangat pa mula sa kanyang kinauupuan.
"Sino bang may gusto Miss? Wala hindi ba? Maging kami nga ay maabala na sa pamamasada nito." Masungit na tugon ng driver.
Napipilan naman si Phine at medyo nakaramdam ito ng hiya. Napalibot niya ang kanyang tingin sa loob ng bus napagtanto niyang hindi nga naman siya nag- iisa. Napabuntong-hininga na lamang si Phine at wala na itong magawa pa kung hindi ang maghintay na lamang sa pagluwag ng traffic kung luluwag pa ba iyon.
Sadyang nainip na si Phine at bumaba ito ng bus pagkatapos nitong magbayad. Plano niyang maglalakad na lamang kaysa maghihintay siya kung kailan luluwag ang traffic. Saka siya sasakay muli sa may bandang walang traffic para mas sigurado.
"Hindi ba si Miss Dimagiba iyon?' Tanong ni Lenard nang mamataan niya si Phine sa may gilid ng kalsada.
Nasa unahan sila ng ma-traffic na lugar kung saan inaalis ang mga sasakyang nagbanggaan. Malas lang nila at hindi sila nakalusot kanina nasakto sila sa may nagbanggaan.
"Sinong Miss Dimagiba?" naka- kunot noong tanong din ni Zaijan at tiningnan ang itinuturo ni Lenard.
"Si Miss Dimagiba, iyong employee mo na inihatid natin at taga-linis mg office mo." Paliwanag naman ni Lenard.
Natitigan ni Zaijan si Phine na hindi maipint ang mukha nito at panay ang tingin sa suot nitong relo. May papadyak-padyak pang nalalaman na yamot na yamot habang pumipiksi. Unti- unting napangisi si Zaijan alam nitong sobra na ang pag- aalala ng dalaga na baka masisante ito dahil late na siya.
"Hayaan niyo siya," walang gatol na sabi ni Zaijan.
Nanlaki naman ang mga mata ni Lenard na bumaling kay Zaijan.
"Hindi mo isasakay? Ang init kaya sa labas tapos traffic pa at hindi lang iyon, late na siya. Panigurado naiiyak na iyan dahil sa pag- aakalang matatanggal siya sa kanyang trabaho. Malamang alam na alam na niya ang mga rules at regulations mo pagdating sa kanilang trabaho!" Sabi ng binata.
"So what? Kasalanan ko bang may traffic at wala siyang masakyan?" giit naman ni Zaijan.
Napabuga nang hangin si Lenard.
"Kawawa naman siya, wala ka talagang konsensiya." Pagpaparinig nito kay Zaijan.
Pinaikot naman ni Zaijan ang kanyang mga mata at mataman niyang tinitigan ang kaibigan nito.
"Gusto mong sumakay siya?"
Mabilis na tumango si Lenard.
"Bumaba ka dito sa kotse, magpalit kayo ng puwesto. Doon ka sa kinatatayuan niya at siya naman dito sa kinauupuan mo!" Walang pakundangang tugon ni Zaijan.
Napaubo tuloy si Lenard sabay kamot sa kanyang ulo.
"Nagmamagandang loob lang naman ako eh!" Katwiran naman ng binata.
Hindi naman na umimik pa si Zaijan subalit sa gilid ng mga mata nito ay minamanmanan niya si Phine. Ilang sandali pa ay nakita ni Zaijan na napaupo na si Phine sa kinatatayuan nito at napatalungko sa kanyang mga tuhod. Napansin din ni Zaijan na naka-heels pa si Phine habang naka- uniforme. Marahas na napabuntong-hininga si Zaijan at binalingan nito si Lenard.
"Tawagin mo na siya pasalamat ka hindi ako bad mood today." Walang emosyong sabi ni Zaijan.
Kay luwang naman nang ngiti ni Lenard at biglang lumiwanag ang mukha nito. Mabilis na lumabas si Lenard mula sa loob ng kotse at langhap na langhap niya ang napaka- init na nanggaling sa labas. How much more kaya sa mga taong kagaya ni Phine na matagal ding nasa labas habang pagka- init pala.
"Ibigay kay Lenard ang face towel sabihin magpunas muna ng pawis si Miss Dimagiba bago pumasok dito sa loob ng kotse." Bilin ni Zaijan sa isa niyang bodyguard.
Kinuha naman iyon ng bodyguard nito at mabilis ding lumabas patungo sa kinaroroonan nina Phine at Lenard.
"Lenard pakibigay daw kay Miss Dimagiba ito pampunas niya ng kanyang pawis bago pumasok sa loob ng sasakyan." Sabi ng bodyguard na nakahabol kay Lenard papunta kay Phine.
Huminto naman si Lenard at kinuha niya ang face towel mula sa bodyguard. At pagkatapos ay nagpatuloy na ito papunta sa kinaroroonan ni Phine.
"Miss Dimagiba!" Tawag pansin ni Lenard sa dalaga na nakaupo na sa gilid at malungkot na ang mukha nito.
"Sir Lenard!" Bulalas ni Phine nang mag- angat ito nang mukha napatayo tuloy ang dalaga.
"Sumakay na sa amin, baka makalusot tayo mamaya sa traffic." Alok ni Lenard.
"Naku, hindi na po Sir okay lang ako! Maglalakad po ako hanggang sa may walang traffic." Tanggi naman agad ng dalaga.
"Sige na, susuwayin mo ba si boss?" Giit naman ng binata.
Nanlaki naman ang mga mata ni Phine sa kanyang narinig.
"K-Kasama mo si boss Sir?" Nautal pang tanong ni Phine dahil nga hindi ito makapaniwala.
Tumango naman si Lenard. "Punasan mo muna mga pawis mo bago na pumasok sa loob ng kotse baka magka-sipon ka niyan ang init dito sa labas."
Wala sa sariling kinuha ni Phine ang hawak na face towel ni Lenard at nagpunas nga ito ng kanyang pawis.
"Nakakahiya po pero ayoko pong suwayin si boss." Kiming sabi ni Phine.
Ngumiti naman si Lenard. "Sabi ko sa'yo minsanan lang siyang mag- alok kaya pagbigyan mo baka magtampo o magalit mahirap na!"
"Sige Sir, papayag na ako kahit ayoko po sana!" Pabiglang sagot ni Phine.
"Ano pang hinihintay mo tara na! Ang iniy dito grabe," yaya na ni Lenard at sabay na silang tumawid patungo sa may sasakyan ni Zaijan.
Kumakabog man ang dibdib ni Phine ay sumama na siya kay Lenard kahit wala pa sana siyang balak. Naisip ni Phine na mas maganda na ngang makisakay siya sa sasakyan ng kanyang boss para hindi siya nito pagalitan kapag na-late siya sa umagang iyon.