Chapter 10

1491 Words
CHLOE'S POV "Hoy! Joey! Anong problema mo at may pa pikit pikit kapa dyan?!" Sabi ni Brantly habang nakataas ang isang kilay. Napadilat na tuloy ako. "Ah, eh, mukha kasing sasapakin mo ako kaya napapikit nalang ako sa takot," pag sisinungaling ko sa kanya. Anubayan! Bakit ganun? Mukhang naiba ata ang pangyayari at bakit nawala ang kissing scene? Ang malas naman. "Talagang masasapak kita! Nakakahiya ka! Syempre hindi pa alam ng mga student dito sa school na quit kana sa grupo namin tapos ang suot mo pa ngayon ay blouse na pambabae at pantalon naman ay panlalaki. Yung totoo, nag papauso kaba ng bagong uniform dito sa school?" galit na sabi ni Brantly. Pag tingin ko sa suot ko ay napa-iling ako. Oo nga. Namali ako ng dampot ng aking uniform sa aking aparador. Ang nakuha ko ay blouse na pambabae. Nakakahiya. "Ay oo nga! Kaya pala halos lahat ng student dito sa school ay nakatingin saakin. Namali ako ng dampot ng uniform ko sa aparador ko. Nakakahiya! Brantly meron kabang extra uniform sa locker mo?" Mahiya-hiya kong sabi kay Brantly. "Oo! Oh, eto yung susi ng locker ko, kunin mo nalang doon. Tanga-tanga ka kasi!" sabay abot niya ng susi saakin. "Salamat Brantly. Anyway, tutal nagkita naman na tayo may sasabihin din ako sayo. Brantly, matatanggap mo pa ba ako sa grupo nyo? Napag tanto ko kasi kagabi na naging bahagi na kayo ng buhay ko. Naging close na ako sa tropa kaya naman hindi ko na kaya pang lumayo sa inyo. At saka yung kapatid kong babae, iiwan na ako mag isa sa bahay. Pupunta narin siya kina mommy at daddy sa ibang bansa. Mag isa na lang ako kaya Brantly, please tanggapin mo ulit sana ako," pag mamakaawa ko kay Brantly. "Ang dami mong kwento. Daig mo pa ang maalaala mo kaya ni ate Charo santos. Syempre, oo naman! Tatanggapin ka parin namin," sagot ni Brantly at take note ngayong lang ako niya nginitian ng ganyan. Grabe! Ang gwapo nya lalo pag sa malapitan nang nakangiti. "T-talaga? Wow salamat!" bigla bigla kong niyakap si Brantly. Nagulat tuloy siya. Nabigla din kasi ako. "T-teka, Joey ano kaba!? Mamaya may makakita saatin, kung ano pa isipin nung mga yun. Sige na, mag palit kana, nakakahiya yang suot mo!" sabi ni Brantly sabay tulak saakin. LANCE'S POV Ang lungkot naman pumasok ngayon sa school. Nasaan kaya si Chloe ko? Siguro naka pang babae na siyang uniform ngayon? "Hoy Lance, bakit ba tila hindi maipinta yang mukha mo? Wag mong sabihin malungkot ka parin dahil sa pag quit ni Joey? Hay naku Lance, ano bang diperensya ng mga mata mo at kay Joey na tomboy kapa nainlove?" pang aasar ni Chandler. Inamin ko na kasi sa kanila na talagang nainlove na ako kay Chloe. "Oh, brantly ito na yung susi mo salamat ha! Kaso medyo malaki yung uniform mo, pero pwede nang pag tiyagaan," nakangiting sabi ni Chloe kay Brantly. "Oh, teka-teka bakit nandito siya? Dibat nag quit na siya sa grupo natin Brantly?" gulat na tanong ni Chandler kay Brantly. "Ah, eh, Brantly pwede bang ikaw na mag sabi sa kanila," sabi ni Chloe kay brantly na mukhang nahihiya. "Teka, 'wag mong sabihing babalik kana sa grupo natin?" pa sigaw na sabi ko sa kanila. "Ganun na nga Lance," nakangiting sabi ni Brantly saakin. Tuloy takbo ako kay Chloe at sabay akbay na katulad nang parati kong ginagawa sa kanya. Ginulo ko na naman ang buhok niya. "Ayan ka na naman Lance! Ginulo mo naman ang buhok kong matagal kong inaayos!" Nakasimangot na sabi ni Chloe saakin Mukhang nag kapalit kami ng mukha ni Chandler ngayon. Kanina ang saya saya ng mukha niya, ngayon siya naman ang hindi maipinta ang mukha. "So, paano guys! Lets go na sa room," pag-aaya ni Boss Brantly. Ayan na naman ang mga fans namin sa school. Sa tuwing nag lalakad kami nang sabay sabay ay lagi nalang sila nag titilian dito sa school. Dinaig pa namin ang f4 at sina Jun-pyo hahaha! "Omg! Ang gwapo talaga ni Papa brantly. Ayos lang na kahit sila na ni Margaux, basta sa puso ko ay nag iisa lang siya" "Hay naku! Basta ako kay Mr. chinito lang ako kahit suplado at masungit si Chandler, mahal ko pa din yan." "Lance my baby ako! Super duper cute niya talaga! I'm so inlove na talaga sa kanya." "Grabe! Ang g-gwapo nila talaga, kaso si tomboy lang talaga ang panira! Tsk! Tsk!" Ang dami na namang comment ng mga girls na dead na dead saamin. Araw araw nalang. Sorry nalang dun sa mga girls na dead na dead sa akin dahil ang puso ko ay nakalaan lang sa isang babaeng hawak hawak ko ang ulo ngayon. "Lance, ano bang problema mo at kailangan eh, mayamaya ay hinahawakan mo ang ulo ko!" Asar na sabi ni Chloe saakin. Oo, si Chloe lang ang nag mamay-ari nang aking puso. Super happy ko lang talaga nang muling bumalik siya sa grupo namin. Ang saya saya ko talaga. Sobra! **** CHLOE'S POV "Lunch break na Joey, tara sabay na tayong kumain..." pag aaya ni Lance. Papalabas na kami nang room para mag lunch ng biglang nakatanggap ako ng tawag galing kay Celine. "Oh, hello Celine? Ay oo nga pala, ngayon na ang alis mo. Daan ka naman sa school oh," sabi ko kay Celine. "Actually, nandito ako sa labas nang gate ng school, halika dito bilis," sabi ni Celine sabay call ended. Tuloy takbo naman ako papuntang gate. Doon nakita kong kumakaway si celine. Sa pag kaway kaway niya ay doon tila ba biglang tumulo ang luha ko. Ewan ko ba. Talaga lang sigurong mamimiss ko itong masungit kong kapatid. Pag lapit ko sa kanya ay tuloy yakap ako sa kanya at nag tuloy ako sa pag hahagulgol sa pag-iyak. "Oh, bakit naman ang OA mong umiyak? Hindi naba ako babalik?" nakangising sabi ni Celine na may namumuo ding luha sa mata. "Ewan ko ba, mukhang abnormal ngayon itong mata ko. Mabuti naman at dumaan ka sa school. Seryoso na ako ngayon Celine na talagang mamimiss kita." "Ako din, mamimiss din kita, sana pala noon pa tayo naging sweet para hindi na tayo nag-aaway. Ang ganda at ang sarap sa pakirandam na ang sweet nating mag kapatid. Oh, sige na, ito yung susi ng bahay. Nag-iwan ako nang note sa pintuan ng refrigerator at palagi kang mag-iingat ah! Sige na at baka bumaha pa nang luha dito sa school." kahit mangiyak ngiyak si Celine nakukuha niya paring mag-joke. "Oh sige na at baka ma-late kapa sa flight mo, mag-iingat ka din doon Celine, ba-bye! Ikamusta mo nalang ako kina Mommy at Daddy, miss na miss ko na kamo sila." Niyakap ako ni Celine bago tuluyan siyang mag paalam. "S-sino yun Chloe? Girlfriend mo?" tanong ni Lance. Nakasunod parin pala siya saakin. "Gago! Kapatid ko yun!" sigaw ko sa kanya habang nagpupunas ako ng luha. "Ah, okay. Anyway, bakit nag-iiyakan kayo?" pag tatanong ni Lance saakin. "Aalis na kasi siya. Susunod na siya kina Mommy at daddy, pero 5 months lang naman sya doon. Ang kinalulungkot ko lang ay mag isa nalang ako sa bahay. 5 months akong home alone," malungkot kong sabi kay Lance. "Gusto mo samahan kita sa bahay nyo," nakangiting sabi ni Lance. "Naku wag na at baka kung ano isipin ng mga kapitbahay namin." "Wait Chloe, kung gusto mo saaking bahay ka na muna tumuloy, tutal pareho naman tayong home alone," nakangising sabi ni Lance. Para siyang baliw. Bakit ba gustong-gusto niya akong kasama? "Okay lang ako. Ayos lang ako sa bahay namin. Saka baka mamaya gumala sila Chandler at Brantly sa bahay nyo, tapos nakita nilang mag kasama tayo. So, ano nalang isipin nung mga yun? "taas kilay kong sabi kay Lance. Sa huli ay tumigil narin sa pangungulit si Lance. Kumain nalang kami ng lunch na puro parin pang aasar ang ginagawa niya. Para siyang bata sa ginagawa niya. Nakabuntot siya ng nakabuntot saakin. Natapos ang buong araw na nalulungkot ako. Pauwi na ako sa bahay namin na tanging ako nalang ang titira. Talagang nakakalungkot ang pag-alis ni Celine. Nag stay pa ako ng isang oras sa park, kaya ginabi ako. Parang gusto kong maglakad pauwi hanggang sa bahay para naman makapag muni muni ako. Mayamaya ay nakakita ako ng couple na nag aaway sa daan. "Eh, bakit ba kasi ayaw mo na saakin? May iba ka na ba?" sabi nung girl sa boyfriend niya na mukhang galit na galit Nang tignan ko yung boy ay napanganga ako. Wow! Ang gwapo ha! Kaya pala naghahabol yung Girl eh, ang gwapo-gwapo nung Boy. "Oo, may bago na ako, actually nandito na siya," sabi nung boy at sabay tingin saakin. Ano iyon? Nagulat ako nang lumapit saakin yung lalaki at niyakap ako. Hindi pa siya nakuntento sa pag yayakap sa akin at hinalikan pa niya ako sa lips. Gulat na gulat lang ako nang gabing iyon. Anong trip iyon? Natulala tuloy ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD