Chapter 9

963 Words
CHLOE'S POV Habang nag hahalikan kami ni Brantly ay bigla namang sumulpot itong si Celine at hinatak ako kaya naman doon ay nagising na ako sa katotohanan. "Hoy babae ka anong oras na? Hindi ka ba papasok? Masyado atang napasarap ang tulog mo at hinahalikan at ngumunguso nguso kapa sa unan mo habang natutulog!" Nakapamewang na sabi ni Celine. "Hay naku Celine! Kahit kelan talaga ay panira ka! Dapat hindi mo muna ako ginising. Ayun na eh, nag hahalikan na kami sa panaginip ko, kasura ka! Feel na feel ko na yung ganung eksena saka ka naman pumasok!" "Hayaan mo bukas wala nang gigising sayo, sige bumangon kana dyan at mala-late kapa niyan," mahinahong sabi ni Celine na mukhang seryoso. "Sige na, tatayo na po ako!" Nakasimangot kong sabi kay Celine. Sayang talaga. Sana hindi nalang ako nagising. Akala ko totoo ay nayun. Grabe, ibang iba si Brantly sa panaginip ko. Dahil sa panaginip nayun ay parang gusto ko ulit bumalik sa grupo nila. Wala akong pakelam kung sila na ni Margaux. Basta ba nakakasama ko si brantly ko eh masaya na ako and sure naman ako na maghihiwalay din sila kaya laban! **** Habang nag aalmusal kami bigla naman may natanong saakin itong si Celine. "Kaya mo naman na mag isa sa bahay diba?" mahinahong tanong ni Celine. "Mukhang sa tono nang pananalita mo ay mukhang iiwan mo ako ah," nakasimangot kong sagot kay Celine. "Chloe, si Mommy at Daddy kasi pinapasunod nila ako doon sa ibang bansa, may ipanapaasikaso kasi sila saakin. Pero limang buwan lang naman ako doon," mahinahon paring sagot ni Celine. "Eh, bakit hindi ako kasama? Siguro hindi na ako mahal nina Mommy at Daddy? Sabagay hindi naman nila ako tunay na anak. Ikaw talaga ang totoo nilang anak kaya hindi ko naman din masisisi sina Mommy at Daddy." madrama kong sabi kay Celine. "Anu ka ba, 'wag mong isipin na hindi ka mahal nina Mommy at Daddy, syempre mahal kadin nila noh! Super importante lang talaga ang ipinapaasikaso saakin. Okay, sige para hindi kana mag isip-isip ng kung anu-ano, bibigyan kita ng clue. Chloe para sayo yung ipinapaasikaso saakin nina Mommy at Daddy sa ibang bansa," sabi ni Celine habang pangal pangal yung tinapay. "P-para saakin Celine? Ano naman yun? Parang nakaka-excite naman," masaya kong sabi kay Celine. "Secret! Basta malalaman mo din balang araw. So, ano okay nabang iwan kita mag isa dito sa bahay ng limang buwan? Mag iiwan na lang ako ng mga note na dapat mong gawin kasi minsan may pagka-tukang ka eh! at saka nga pala, natuloy naba yung pag quit mo sa grupo nila Brantly?" "Oo natuloy na kagabi. Nag quit na ako sa grupo nila." "Good Chloe. So, ano balik ka naba ulit sa pagiging girlalu?" Nakangiting tanong ni Celine. "Hindi muna. Kasi pag nag balik girl uniform ako ay mahahalata nila Brantly na nag papanggap lang ako na tomboy. Mamaya kung ano pa gawin nung mga yun saakin," pag sisinungaling ko kay celine. Ang totoo kasi babalik ako sa grupo nila Brantly, tutal naman ay aalis naman na si celine, hindi naman niya malalaman na babalik ako sa kanila. "Sabagay may point ka diyan Chloe. Anyway, mamayang alas tres na nang hapon ang alis ko kaya naman bukas, home alone na ang peg mo," sabi ni Celine na mukhang nanunura at nang iinggit pa. "Sige, mang-inggit kalang. Pag uwi mo buntis na ako." Sa ganyang paraan ko lang siya masusura kaya sure akong galit na galit na words ang isasagot niya, hindi mawawala ang palalayasin kita dito sa bahay ganyan kami pag nag aaway. "CHLOEEE! SIGE, SUBUKAN MO! PAPALAYASIN KA NA NAMIN DITO NILA MOMMY AT DADDY! ITATAKWIL KA NA NAMIN!" galit na sabi ni Celine. Sabi ko na nga ba eh. Hahaha! "Naniwala ka naman. Bakit naman ako mag papabuntis. Ako bay tanga? Kay bata bata ko pa noh!" naka ngisi kong sabi kay Celine. "Oh, sya-sya, sige na at gumayak kana at baka ma-late kapa sa school," utos ni Celine. Parang siya na talaga ang tumayong magulang para saakin. "Opo, Mommy celine," panunura ko. "Anyway, mag tetext ka saakin ha? Syempre, kahit papaano naman ay mamimiss kita, lalong lalo na yung mga pang sesermon mo at mga talak ng bunganga mo," sambit ko na kinatawa niya. "Hug mo nga ako Celine," duktong ko pa. Tuloy yakap naman saakin itong si Celine. Ngayon lang kami naging sweet ng ganito. "Sige na, gaya na at nagiging drama na tayo dito at baka magka-iyakan pa tayo," pabirong sabi ni Celine na tinawanan ko lang. **** Pagkatapos kong maligo ay gumayak narin ako saka tumuloy school. Pag pasok ko sa school ay tila lahat sila nakatingin sa akin at sari saring bulungan ang nadinig ko. "Hahaha! Pauso ba niya yan ngayon?" "Oo nga, medyo jologs siya ha!" "Para siyang nababaliw sa suot niya." Mayamaya naman ay may biglang humila saakin at hiklat hiklat ang aking kamay ko na tila ba gusto nyang baliin sa sobra nang kanyang pag kaka hila Pag tingin ko kung sino yung humihila saakin ay nagulat ako Si Brantly?! Teka, parang may ganitong eksena na nang yari na? TAMA YUNG PAGINIP KO. Teka nga Brantly. Bakit mo ako hinihila? Di'ba't umalis na ako sa grupo nyo. Ano naman ang problema mo?" Grabe, kung gaano kasakit ang hila niya saakin sa panaginip.. ganun din kasakit sa totoong buhay. Katulad nang sa panaginip ko ay doon din kami huminto sa malaking pun. Ay wait, i remember. Doon sa panaginip ay hinalikan niya ako pag ka hinto namin sa malaking puno. "Omg! Dito naba matutuloy ang dream come true?" sabi ko sa sarili ko Nag umpisa na akong pumikit. Sure akong yung kissing scene na ang susunod na mang yayari. Ganitong ganito sa panaginip ko. Huhuhu! hindi na ako makapaghintay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD