Chapter 8

1180 Words
CHLOE'S POV "Easy ka lang Chandler, hihingi na nga ng sorry itong si Chloe eh," pag tatanggol ni Lance sa akin. "Ano ba kayo, wala akong gagawin dyan kay Joey. Basta ba't 'wag lang nya maulit-ulit yung ginawa nya dahil talagang hindi ko na siya mapapatawad at makakatikim na siya saakin. Saka, please lang, wag nyo nang pinapaala yung nangyare kagabi. Nakakadiring isipin. "nakailing na sabi ni Chandler. Medyo nakahinga na ako ng maluwag. Mabuti naman at pinatawad na nya ako. "Oo, Chandler, hinding hindi na mauulit yun. Sorry! Lasing lang talaga ako nun." sabi ko. Bigla namang tayo itong si Brantly at sinabing "Okay-okay, mabuti naman at maayos na kayong dalawa. So, dahil may ginawa kang kasalan Joey kay Chandler, kailangan mong pag bayaran yun. " "Ha?! Anong klaseng pag babayad namun yun Brantly?" pag tatanong ko kay Brantly. "Simple lang Joey, mag susuot ka nang bistida ng Mommy ni Lance, mag susuot nang wig at saka ka mag make-up," nakangiting sabi ni Brantly. Nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso? Bigla namang tayo itong si maragux at sinabing, "Teka, respeto naman kay Joey. Bakit nyo naman siya pag susuutin ng pambabae? Kaya nga sya nag paka tomboy eh, para maging lalaki. Please, Brantly wag nyo nang pag tripan itong si Joey. Kawawa naman sya," pag tatanggol ni Margaux. Wow, natuwa naman ako sa pagsagip niya saakin. "Okay baby. Pasalamat ka Joey at mabait itong Girlfriend ko." proud na sabi ni Brantly. "Salamat Margaux." Nakangiti kong sabi sa kanya. Ito narin siguro ang time para magpaalam sa kanila. "By the way, kaya din ako nag punta dito eh, aalis na ako sa grupo nyo." Nakita kong nagulat silang lahat. Si Chadler lang ang biglang nangiti. "Teka, bakit naman Chloe?" Nagulat na tanong ni Lance. "Oo nga Joey, bakit ka naman aalis kapa? Dahil ba ito kay Chandler? Napatawad ka naman na nya ah," sabi ni Brantly na tila ayaw pa akong umalis. "Good, Joey! Sige, umalis kana sa grupo namin. Ayos yang naisip mo," nakangiting sabi niChandler. Talagang gustong gusto nya akong umalis sa grupo niya at sa ganyang paraan lang pala ko mapapangiti itong si Chandler. "Bakit nyo ba pinipigilan ang tomboy na yan na wag umalis sa grupo nyo? Tama lang na umalis siya at nababahiran nang pangit ang grupo nyo. Saka, hindi magandang tignan na may kasali kayong tomboy sa grupo nyo!" mataray na sabi ni Margaux. "Teka-teka, Margaux sobra ka naman makapag salita kay Chloe! Ano ba kasing problema at aalis ka sa grupo namin Chloe?" Nakasimangot na sabi ni Lance. "Hoy, Lance bakit ba tila ayaw na ayaw mong umalis yang tomboy na yan sa grupo natin? Teka, baka naman nai-inlove kana sa kanya..." pang aasar na sabi ni Chandler. "Oo, Chandler nagkaka-gusto na nga ako kay Chloe! Ano masaya ka na?" biglang sigaw ni Lance. Shit! Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Totoo ba? "What?! Yoks! Pareng Lance, wala naman ganyanan oh," gulat kong sabi kay Lance. "Syempre biro lang yun. Ito kasing si Chandler at Margaux eh, masyado kang minamaliit. Bakit nga ba kasi aalis ka sa grupo namin?" Pag tatanong ni Lance. Akala ko talagang nainlove na saakin itong si Lance. Hahaha! Sayang!Joke! "Ah, eh kasi mukhang nakakasira lang ako sa grupo nyo. Dumadami haters ko sa school. Mukhang ayaw na ayaw nila talaga saakin, kaya naman gusto ko nang mag quit. Salamat sa lahat ng pakikisama nyo saakin. Sige, mauna na ako." Bigla akong tumakbo papalabas ng bahay nila Lance. Joey is signing off. "Teka, Chloe ihahatid na kita sa inyo," sabi ni Lance na bigla pala akong sinundan. "hindi na, wag na Lance, kaya ko naman umuwi mag isa," pag tatanggi ko sa kanya. "Hindi pwede Chloe, ako sumundo sainyo kanina kaya dapat ako din mag hatid sayo. Saka gabi na oh, baka mamaya mapaano ka pa dyan sa daan. Marami pa namang siraulo dyan." sabi ni Lance. Hindi narin ako nakatanggi sa kanya. Natakot narin kasi ako. Mamaya nga eh, baka kung mapaano pa ako sa daan. Habang nag mamaneho si Lance ay wala kaming kibuan sa loob ng kotse. Hanggang sa makarating kami sa tapat na bahay namin. "Sige, Lance. Maraming salamat sa pag hatid mo at salamat din dahil naging mabuti kang kaibigan. Ikaw lang ang naging maayos ang panta-trato saakin, ni hindi mo nga ako inutusan kahit isa eh, napaka bait mo. Swerte ang babaeng mapapangasawa mo at maalagain ka. Sige na, Lance nag kaka-dramahan na dito. Ingat ka sa pag uwi mo." "Teka, Chloe. Nalulungkot naman ako sa mga binitawan mong salita. Talaga bang aalis kana sa grupo namin?" Malungkot na tanong niya. "Oo, sure na sure na talaga ako. Sige na, gabi na oh, umuwi kana." "Sige Chloe, mukhang hindi rin naman kita mapipigilan. Sige, goodnigth sayo," matamlay na sabi ni Lance. Talagang nalulungkot siya saaking pag alis sa grupo nila. "Goodnight din sayo Lance, sweetdreams," nakangiti kong sabi kay Lance. Pag kapasok ko sa bahay ay patay na ang lahat nang ilaw. Hindi ko na nakuhang kumain pa ng hapunan dahil parang nalulungkot ako sa desisyon ko. Para bang ayaw ko pang mag quit sa grupo nila. Mamimiss ko sila. Natulog tuloy ako nang walang laman ang aking tiyan. LANCE'S POV Nakakalungkot naman, hindi ko na masyadong makakasama ang Chloe my love ko. Bakit ba kasi nag quit pa siya? Yung kaninang sinabe ko na nainlove ako kay Chloe, totoo naman yun eh, hindi yun joke, talagang na-inlove na ako sa kanya. Habang nag mamaneho ako ay grabe ang lungkot ko. Sa sobrang lungkot ko nga, di'ko namamalayan na may biglang tubig na pumatak sa mga braso ko. Naluluha ako. bakit ganun nalang ang sobrang lungkot na naramdaman ko sa pag alis ni Chloe. Sobra nga talagang napamahal na siya saakin. **** CHLOE'S POV Papasok na ako ng school, back to normal na ako. Naka pang girl uniform na ulit ako. Halos lahat ay nakatingin saakin. Madaming nagulat dahil nag balik girl na ulit si miss Chloe. "Ay si ate mo, girl na ulit," sabi nung isang estudyante. "Oo nga, siguro umalis narin siya sa grupo nila brantly," sabi naman nung isang girl. Puro ako ang pinag uusapan dito sa school ngayon. Nagulat nalang ako nang may biglang humatak saakin. Pag tingin ko ay si Brantly. "Teka, Brantly? b-bakit ba? Dahan-dahan naman sa pag hila at nasasaktan ako. Saan mo ba ako dadalin?" nakasimangot kong sabi sa kanya. Nakakagulat kasi siya. Tapos kung maka hila saakin tila ba babaliin yung buto ko. Hindi siya sumasagot sa mga sinasabe ko at bigla nalang kaming huminto doon sa may malaking puno kung saan palaging naming tinatambayan tuwing umaga. "T-teka Brantly, bakit mo ako dinala dito? Di'ba ngat nag quit na ako sa gru---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at bigla nalang nya akong hinalikan. Grabe! Damang dama ko ang pag lapat ng labi namin ni Brantly. Ang lambot lambot ng labi niya. Tila halos umiikot kaming dalawa habang mag kalapat ang labi namin na parang may may mga glitters na sumasaboy sa paligid namin. Hindi ako makapaniwala sa nangyayare ngayon. Totoo ba ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD