Chapter 7

1008 Words
CHLOE'S POV "Maaga kang umuwi bruha ka! Baka naman makipag inuman ka nanaman doon sa mga lalaking yun at hindi na halik ang magawa mo sa kanila. Naku, Chloe! Sinasabe ko sayo! Magpakatino ka nga! Ka babae mong tao eh!" nakasigaw na sabi ni Celine. "Naku Celine, talagang hindi na ako mauulit na makipag inuman sa kanila. Pag naiisip ko lang talaga yung ginawa ko kay chandler ay nahihiya ako sa sarili ko. Promise, pag ka sorry na pag ka sorry ko kay Chandler ay uuwi na ako kaagad..." mahinahon kong sabi kay Celine. Mayamaya ay nakadinig na kami ng humintong kotse sa labas. "Ayan na ata si Lance. Basta ha? Umalis kana sa grupo nila." Mahinahong sabi ni Celine. "Oo, Celine, aalis na talaga ako sa grupo nila. Sige, mauna ako ha? Maaga din akong uuwi," nakangiti kong sabi kay Celine. "Okay, sige ingat ka," sabi ni Celine. Pag ka labas ko ay kay Lance na nga ang kotseng huminto saaming labas. Bongga lang na kahit high school palang siya ay pinapayagan na kaagad syang mag maneho ng kotse. Iba talaga kapag mayaman. "Handa kana ba Chloe?" nakangiting sabi ni Lance. "Medyo kinakabahan lang ako. Basta, help me ha, kung sakaling anuhin ako ni chandler," pakiusap kong sabi sa kanya. "Oo, Chloe ako ang bahala sayo. Lets go!" nakangiting sabi ni Lance. **** MARGAUX'S POV "Hey, Brantly! Im here na sa labas nila Lanc,. sunduin mo na naman ako dito sa labas." text ko kay Brantly. Mayamaya pa ay lumabas narin si Brantly para sunduin ako. "Your so beautiful tonight, Margaux. Nag paganda ka pa talaga para saakin ha? Tara na sa loob at masyadong malamig sa labas," nakangiting sabi ni Brantly. "Ikaw naman, always naman talaga akong maganda noh. So, nandyan nadin ba si chandler?" pag tatanong ko kay Brantly. "Oo, kaso si Lance umalis muna at sinundo si Joey. May gagawin kasi kami eh. Pag kakatuwaan namin si Joey kaya enjoy itong gabing ito.." nakatawang sabi ni Brantly. "So, ka-join din pala si Joey. Anyway, anong klaseng pag kakatuwaan naman ang gagawin nyo kay Joey?" pag tatanong ko sa kanya. "Yung Mommy kasi ni Lance ay may mga bistida at make-up dyan. Pag-titripan namin si Chloe, gagawin namin siyang babae. Saka inaasar din namin si chandler. Magugulat ka, alam mo bang nalasing si Joey kagabi at hinalikan niya si Chandler.'' "Oh my gosh! Baby, ginawa ni Joey yun? Grabe pala siyang malaseng," gulat kong sabi kay Brantly. Haliparot ang babaeng iyon. Hala! Hindi pwedeng matuloy ang pan-titrip nila kay Chloe na gawing babae. Mahirap mang sabihin, pero oo, inaamin ko na mas maganda pa si Chloe saakin kapag nag ayos siya. Dati nung napagmamasdan ko si Chloe nung babae pa siya ay may itsura siya, kaya lang hindi siya marunong mag ayos kaya nag mumukha siyang losyang. Kaya dapat na hindi matuloy ang balak nila. Mahirap na, baka mamaya ma-inlove pa ang Brantly ko kay Chloe nayun. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi matuloy iyon. Pag ka pasok namin sa loob ay nakita ko na si chandler na nakaupo sa sofa. Ang cute cute din niya. Isa rin siya sa mga crush ko eh. Kaya sa oras na iwanan ako ni Brantly eh, tutuloy ako kay chandler, my second baby hihihi! "Hello, Chandler," bati ko sa kanya sabay kaway. Talagang napaka suplado nitong lalaking ito. Ngumiti lang saakin at ni hindi manlang nag labas ng words sa bibig niya. Gulat lang talaga ako kay chloe nayun at saan kaya siya nakakuha ng lakas ng loob na halikan si Chandler. Grabe ang swerte niya ha! Pero malilintikan yang babaeng yan kapag ang Brantly baby ko ang halikan niya. Talagang isusubsob ko ang nguso niya sa pader. CHLOE'S POV "Nandito na tayo Chloe," sabi ni Lance. "Wow! Ang laki-laki naman ng bahay nyo. Ang yaman yaman mo naman! Talaga bang mag isa kalang dyan?" pag tatanong ko sa kanya. "Oo, nag iisa lang ako dito dahil nasa ibang bansa nga mga parents ko. Kaya nga dapat minsan Chloe eh, bibisitahin mo ako dito saamin para naman hindi ako naboboring. Kung gusto mo, minsan dito ka matulog. Wala naman malisya, kasi alam ko namang babae ang type mo at hindi lalaki," nakangiting sabi ni Lance. Nagulat naman ako sa sinabe ni Lance. Ako matutulog dyan sa kanila tapos katabi siya sa kama? Oh my gosh! Hindi ko ata kakayanin yun. Oo, inaamin kong may konting pag ka crush ako kay Lance. Mga 50% siguro, pero kay Brantly talagang 100%, pero simula nung naging sila ni Margaux naging 80% nalang. "Ah, eh, oo syempre babae ang type ko noh. Gustuhin ko man na samahan kang matulog dyan, kaso palagi akong hinihintay ng kapatid ko sa aking pag uwi dahil ang mga parents din namin ay nasa ibang bansa. Mamaya isumbong pa ako nun sa parents ko na sa ibang bahay ako natutulog, di na award pa ako," sabi kay Lance. "Ganun ba. Okay lang. Anyway, ano ready ka na bang harapin si Chandler?" pag tatanong ni Lanc. na sya namang bigla kong kinakaba. "Oo nga pala. Kaya nga pala tayo nandito eh, para humingi ng tawad kay Chandler. Pareng Lance, basta ikaw na bahala saakin ha?" kabado kong sabi sa kanya. Nanginginig tuloy ang tuhod ko. "Halika na sa loob," pang aaya ni Lance. Papasok na kami sa loob ng bahay nila. Nagangatog na talaga ang mga tuhod ko. Habang papasok kami ay talagang patindi ng patindi ang pag ka kaba ko. Pag ka pasok namin sa loob ay nakita ko nalang sina Branlty at Margaux na mag katabi na sabay namang tingin saakin. Sa may isang upuan naman ay nakita ko si Chandler. Biglang nanlaki ang mata ko pero pinag tataka ko, hindi manlang sya tumitingin saakin at mukhang hindi siya galit saakin. "Joey!" Nagulat nalang ako nang biglang tumayo si Chandler at tawagin ako ng pasigaw. Bigla namang humarang saaking harapan itong si Lance. Mukhang poprotekatahan nya talaga ako. Natakot ako lalo tuloy. Anong gagawin niya saakin? Sasapakin niya kaya ako? Bubugbugin? Lord, help me po!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD