Chapter 6

1221 Words
CHLOE'S POV "Ano kaba Chloe! Hawak hawak nga kita nun eh, dahil nga nung tunggain mo yung isang basong alak eh, bigla kang tumayo. Tapos pag tayo mo, para bang gegewang-gewang kana kaya naman bigla akong tumayo para alalayan ka tapos nung hawak na kita, bigla ka nalang bumaklas saakin at tuluyan ka nang tumabi kay Chandler. Ayun, di ka na namin pinigilan kasi para bang nakita naming gulat na gulat sayo si Chandler at mukhang natakot pa hahaha!" nakangiting sabi ni Lance. Super pula siguro ng mukha ko ngayon. Nakakahiya ang ginawa ko. "Ay naku. paano na yan Lance?! Anong mukha ang maihaharap ko neto kay Chandler. Baka sa monday, pag kita namin sa school ay bigla nalang akong sapakin nun. Lance, anong gagawin ko?" Maiyak-iyak kong sabi kay Lance. "At alam mo ba Chloe nung halikan mo si Chandler, natameme sya. Hindi siya makapag salita. Talagang nagulat sya sa ginawa mo," kwento pa niya na hiyang hiya talaga ako. "Huhuhu! Paano ako hihingi ng tawad kay chandler? Please, naman tulungan mo ako." "Oh, sige-sige, tutal mamaya ay pupunta sila Brantly at Chandler sa bahay ko, mamaya ay susunduin kita sa inyo, tutulungan kitang humingi ng sorry kay Chandler. Okay ba sayo yun?" "Oo, sige Lance, basta kung sakaling sapakin ako ni chandler ay paki awat nalang ha? Natatakot talaga ako sa kanya," nagmamakaawa kong sabi kay Lance. Agad naman kaming nag hiwalay ng landas ni Lance. Salamat nalang talaga at tutulungan niya akong mag sorry kay Chandler. Pero, talagang kinakabahan ako sa pag haharap namin mamaya. Sana naman hindi niya ako sapakin. *SA BAHAY Pag kapasok ay sinalubong kaagad ako ni Celine na nakapamewang at nakataas ang kilay. Mukhang puputak nanaman itong bababeng ito. "Hoy babaeng tomboy! Saan kana naman galing? Tsk! Aba Chloe, puro ako nalang gumagawa dito sa bahay ha! Hiyang hiya na ako sayo, Madam Chloe!" Nakasigaw na sabi ni Celine. Sinasabi ko na nga ba eh. Sa tuwing uuwi ako ng bahay, palagi nalang akong sineseryoman nitong si Celine. "Ah, Celine pasensya ka na. Saka may sasabihin ako sayo, kaso nakakahiya eh. Nakakahiya talaga iyon kapag nalaman mo." "Ano yun Chloe?! Teka-teka! 'wag mong sabihing buntis ka?! Hala ka! iyan na nga ba sinasabe ko sayong babae ka eh! Ano nalang sasabihin mo kina Mommy atDaddy!?" pasigaw na sabi ni Celine. "Teka-teka, Celine! Napaka OA mo. Hindi ako buntis! Sipain kita diyan eh. Ano kasi, nung nalasing ako kagabi--" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko bigla namang agad agad nag react si Celine. "May nangyari sainyo ng mga katropa mong lalaki?! Pinag samantalahan ka nila?! Yan na nga ang sinasabe ko sayong babae ka eh!" Pasigaw na sabi ni Celine. "Teka-teka! Celine pwede bang patapusin mo muna akong mag salita! Agad agad ka namang nag rereact! Ang OA mo talaga. Ano kasi, kagabi pala ay hinalikan ko sa lips si Chandler." Hiyang-hiya kong sabi kay Celine. "OMG! Chloe!?Yung cute na cute at supladong si Chandler nahalikan mo sa labi?!" gulat na gulat na sabi ni Celine. "Oo, Celine. Nahihiya nga akong humarap sa kanya eh, actually susunduin ako dito mamaya ni Lance. Pupunta daw kasi sina Brantly at Chandler sa bahay ni Lance. Eh, sabi ko kay Lance, tulungan nya akong humingi ng paumanhin kay Chandler, kaya ayun, mamaya pupunta kami sa house ni Lance." LANCE'S POV Dumating na sina Chandler at Brantly sa bahay ko. "Oh, Brantly anong trip mo at nag aya ka dito sa bahay ni Lance?" pag tatanong ni Chandler kay Brantly. "Wala lang, ang boring sa bahay eh, saka hindi lang naman tayong tatlo nandito eh, may dadating din.Inaya ko din kasi si Margaux dito. Sinabi ko sa kanyang mag momovie marathon tayo," sabi ni Brantly. "Teka-teka, Pare! Dahil doon nag aya kapa dito sa bahay ko? Pare, tag-hirap ba? Pwede namang manuod kayo sa sinehan ni Margaux o kaya sa house nyo kaya bakit dito pa? " "Hayaan mo na. Saka ayoko sa sinehan. Madaming tao doon, gusto ko dito sa bahay mo. At saka pag sa bahay ko naman dinala si Margaux ay tiyak na sesermunan na naman ako ni Mommy. Kilala nyo naman diba si Mommy? Saka dito, atleast masosolo ko si Margaux." nakangiting sabi ni Brantly. "Grabe ka talaga bro! Kung gusto mo palang masolo si Maragux, bakit inaya mo pa ako dito sa bahay ni Lance?" sabi ni Chandler. "Bakit gusto mo din bang maki-join sa lanmpungan namin niMargaux. Ikaw naman oh, naka halik kalang kay Joey kagabi nagustuhan mo na agad makipag landian sa mga babae." pang aasar na sabi ni Brantly. "Ay, wait Guys! Speaking of Chloe. Ahm Chandler, kanina kasi ay kausap ko si Chloe. Gusto daw nya kasi sayong humingi ng paumanhin dahil daw sa ginawa nyang pag halik sayo. Kaya susunduin ko sya ngayon sa kanila para pumunta dito, para humingi sayo ng tawad ng personal. Sana naman Chandler tanggapin mo yung tawad ni Chloe. Hindi naman nga niya sinasadya, talagang nalasing lang siya." Sabi ko Chandler. "Please, Lance! Ayokong makita ang pag mumukha ng tomboy nayun. Grabe! Nakakadiri siya. Wag mo nang sunduin 'yun at saka pakisabing pinapatawad ko na sya. Basta ayoko lang makita ang pag mumuka niya. Kaya please Lance, wag mo nang sunduin yun," naka ngiwing sabi ni Chandler. "Naku Chandler, palusot ka pa. Halata namang tinamaan ka kay Joey nang halikan ka niya eh," pang aasar na sabi ni Brantly kay Chandler. "Gagu! Ayus kalang? Bakit ako tatamaan sa panget na tibo na yun! Hello, mamamatay muna ako bago ako mainlove doon!" Asar na asar na sabi ni Chandler. "Oh, bakit nung halikan ka niya eh, natameme ka?" "Eh, sino ba ang di mawiwindang doon! Isang panget na tomboy ang humalik sa labi ko at saka nag titimpi lang ako nung gabing iyon. Alam mo namang patulan ko si Joey eh, kahit kasi papaano ay babae parin yun, kaya ayaw ko siyang patulan. Kaya, please lang, guys , wag nyo akong asarin sa tomboy nayun! Kinakalibutan ako sa kanya," diring diring sabi ni Chandler. "Teka, pare may naisip ako. Ah, Lance siguro naman kahit papaano ay may mga bistida ang mommy mo diyan sa kwarto nya at mga make-up?" Pag tatanong saakin ni Brantly. "Oo, pare. Bakit susuutin mo at mag mamake-up kab? Tae pare wag mong sabihing bumibigay kana?" Pang aasar ko kay brantly. "Pare anong akala mo saakin bading?! May naisip ako. Sige, sunduin mo si Joey at pag punta nya dito ay pag susuutin natin siya ng bistida at mag mamake-up siya. Tignan natin kung maganda ba si Joey, kapag babae sya. Ano sa tingin nyo guys? Malay mo Chandler maganda pala si Joey pag babae siya. Oh, diba hindi mo na kailangan mag hanap ng girlfriend hahaha! " nakatawang sabi ni Brantly. "Actually may mga wig pa nga si mommy dito, sakto! Sige, sandali lang at susunduin ko lang si Chloe." Agree ako sa pakulo ni Brantly. Gusto ko din naman kasi makitang nakapang babae na suot si Chloe my love. Feel ko kasi ay ang ganda ganda niya. Ini-imagine ko nga palang na naka white dress siya ay grabe siguro ang ganda ganda niya! Ewan ko ba sa mata ni Chandler at sinasabihan niyang panget ang Chloe my love ko. Hmp! Tama lang yun na hindi magustuhan ni Chandler ang Chloe ko dahil akin lang siya. Akin lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD