Chapter 5

1240 Words
CHLOE'S POV Pagkagising ko ay grabe sa sakit ng ulo ko. Ito ata yung sinasabe nilang hang over. "Sinungaling ka Chloe, anong nangyare sayo at si Lance pa nag hatid sayo kagabi? Hindi daw mag papaka lasing eh, bangag na bangag ka kagabi. Hindi mo alam kung pinag pyestahan ka na nang mga kabarkada mong lalaki!! Grabe ka Chloe! Tsk!" Nakapamewang na sabi saakin ni Celine. Yung feeling na may hang over ka na at kay sakit sakit na nga ng ulo mo, tapos sasamahan pa ng mga awarding ni Celine, hala daig ko pa ang hinahataw nang wrecking ball sa ulo. Bigla ko namang naalala na ngayon pala ang dating nila Mommy at Daddy. Hala! Nandito na kaya sila? Naku po, patay ako nito pag nagkataon. "Teka, Celine nandito na ba sina Mommy at Daddy?!" Takot kong tanong kay Celine. "Wala! Niloloko lang kita. Ginamit ko lang sina Mommy at Daddy kagabi para pigilan kang umalis, pero hindi, talagang matigas ang ulo mo at umalis ka parin! Naku, Chloe pag bigla nalang lumobo yang tiyan mo, bahala ka na sa buhay mo!" sabi ni Celine sabay labas ng kwarto namin at talagang pinag bagsakan pa akong nang malakas ng pintuan. Salamat naman! Nakaluwag din ako ng pag hinga. Napaka singunaling talaga ni Celine, paniwalang paniwala pa naman ako na uuwi na si na Mommy at Daddy. Napaisip ako, ano nga ba nangyare kagabi? Pilit kong inaalala pero wala talaga akong maalala. Naalala ko nalang yung sinabe ni Celine na si Lance pala ang nag hatid sayo kagabi. Si Lance ang naghatid saakin kagabi? Teka-teka paano nya nalaman ang address namin? Tuloy takbo ako sa labas para kausapin si Celine. Nilapitan ko sya. Nasa may kusina kasi siya, nag uugas ng mga pinggan. "Celine, tanong lang, papaano ako naihatid ni Lance dito kagabi?" Mahinahon kong tanong kay Celine. "Tinawagan nya ako gamit yung phone mo, sinabe kasi niya na lasing na lasing ka at nakatulog kana sa bar, ihahatid ka na daw niya kaso hindi niya alam address natin, kaya ayun, sinabe ko ang address natin." "Ah, yung phone ko ang gamit nya? Ay wait patay! Sana naman hindi niya tinignan yung mga picture sa phone ko. Ang daming picture dun ni Brantly. Naku po, kapag nag kataon na nakita nya yun wala na." "Buti nga sayo! Mabuti nga yun eh, nang tanggalin ka na rin nila sa grupo nyo, nang hindi kana nila ginagawang utus -utusan!" mataray na sabi ni Celine. "Sabagay Celine! Ayus nadin nga yun, lalo na ngayong alam kong si Brantly at Margaux na." "What Chloe? Si Brantly na at si Margaux? Yung babaeng maarte sa school natin?!" "Oo, siya nga. Kagabi lang din naging sila..." matamlay kong sabi. "Alam mo Chloe, inis ako sa babaeng yun. Feelingera kasi. Kung sa tutuusin nga mas lamang ang beauty ko sa kanya. Saka kaya nga hindi ko pinapansin yun eh, masyado kasi siyang confident sa ganda niya. Hmp! At ano naman kaya nagustuhan ni Brantly doon sa babaeng surgery nayun?!" taas kilay na sabi saakin ni Celine. Support ako sa pagka inis niya doon. Atleast, kakampi ko si Celine. "Ewan ko sa kanya, bahala na siya sa buhay nya! Ayoko na sa kanya! Hmp! May super cold water ba tayo sa ref? Grabe, gusto ko ng malamig na malamig na tubig. Ang sakit sakit ng ulo ko." "So, ano Chloe, aalis ka naba sa grupo nila?" pag tatanong ni Celine. "Oo, ayoko nang maging utos-utusan nila. Sawang sawa na ako!" galit kong sabi kay Celine. "Good! 'Yan ang kilala kong Chloe..." naka thumbs up na sabi ni Celine. Nakaramdam ako nang pag ka hilo kaya naman bumalik ako ulit sa kwarto para mahiga ulit. Naisipan kong mag pasalamat kay Lance dahil sa paghatid niya saakin kagabi, kaya nag message ako sa kanya. "Lance, salamat nga pala sa pag hatid mo saakin kagabi." Message ko sa kanya na agad naman niyang sinagot. "Walang anuman Chloe. By the way, dahil sa hinatid kita may bayad yun." "Ha!? Ano namang bayad?" Reply ko. "Ah, simple lang naman, makikipag kita ka lang saakin mamayang hapon, tutal saturday naman at walang pasok, mag kita tayo, message kita kung saan tayo magkikita...ba-bye!." Nakatulog pala ako nang matagal, nagising ako nang mag aalas tres na ng hapon. Pag buklat ko sa cellphone ay may one message ako at galing yun kay Lance. "Sa may park tayo ng school mag kita. Para din ma-kwento ko sayo ang mga pinag gagagawa mo kagabi dahil sa kalasingan mo. Wait kita doon mamayang 4pm, see you :) " at talagang may smile pa ang message nya. Kinabahan naman ako sa sinabe nyang pinag gagagawa ko kagabi? Ano nga ba mga pinag gagagawa ko kagabi? Dibale, mamaya malalaman ko din at iku-kwento naman ni Lance eh. Agad naman akong nagtungo sa banyo para maligo. Malapit naman na ding mag 4pm. Pag-kaligo ko ay agad naman akong nag bihis. At dahil makikipag kita ako kay Lance, dapat naka-panlalaki akong damit. Naka jersey ako na pang basketball at saka ako naka cap. Dito lang naman ako sa loob ng bahay naka pangsuot na pang babae eh. Paglalabas lang nakapanglalaki. LANCE'S POV Ang tagal naman dumating ni Chloe my love. Grabe, naalala ko na naman yung ginawa niya kay Chandler kagabi. Mabuti pa si Chandler, naka kiss na siya sa lips ni Chloe ko. Ang swerte niya at lalo naman akong nalungkot kagabi nung tignan ko yung phone ni Chloe. Tama nga ang hinala ko. Nag papanggap lang na tomboy itong si Chloe para lang mapalapit kay brantly. Ang daming mga nakaw na shot na picture si Brantly sa phone ni Chloe. Tsk! Chloe, bakit si Brantly pa ang gusto mo? Nandito naman ako ah. Mayamaya ay natanaw ko nang paparating na si Chloe, kaya naman nag smile ako sa kanya at natuwa naman ako nang mag smile din sya saakin. Hindi bagay sa kanya ang suot nyang jersey ngayon. Ang mga bagay sa kanya ay yung mga dress na pang sexy. "Oh, kanina ka paba dyan Lance?" Tanong niya saakin sabay upo sa tabi ko. "Ah, di naman, actually kararating ko lang din. Anyway, oh, ito hot choco, bumuli ako kanina sa dinaanan kong coffee shop. Alam kong may hang over ka kaya ayan inumin mo para mawala yan. Kasi alam mo bang kapag may hang over ay hot choco ang iniinom ko. Tignan mo mayamaya mawawala naiyan." "Ganun ba, salamat bro! Ay, oo nga pala, i-kwento mo na ang mga pinag gagagawa ko kagabi? " excited na sabi ni chloe. "Gusto mo ba talagang malaman kung ano mga ginawa mo kagabi?" "Oo, sige i-kwento mo na Lance." Pagpupumilit niya. "Seryoso? Gusto mong malaman? Wala ka ba talagang naaalala?" "Naku po Lance, sa tono ng pananalita mo ay mukhang may hindi maganda akong ginawa kagabi ah? " "Ahm, Chloe tinungga mo lang naman yung isang basong alak at saka mo pinag sisigawan si Chandler kagabi." "What?! Pinag sisigawan ko si Chandler kagabi?!" "At hindi lang yun Chloe. May mas malala pa." "May mas malala pa?! A-ano yun Lance, sabihin mo!" "Ahm, hinalikan mo lang naman si Chandler sa lips niya," naka ngising kong sabi kay Chloe. "HINALIKAN KO SI CHANDLER?! NAKU PO, PATAY NA AKO NiTO!. Mukhang hindi ko na kaya pang humarap kay Chandler. Bakit ko ginawa yun Lance? Bakit naman hindi mo ako pinigilan?" Hiyang hiya si Chloe sa mga nalaman niya. Nakakatawa siya, namula tuloy ang buo niyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD