Chapter 4

1917 Words
LANCE'S POV *SA BAR "Pare, napaka tagal naman ni Brantly at Chloe..." reklamo kong sabi kay chandler. "Bakit hindi mo sila tawagan at saakin ka nag tatanong eh, parehas naman tayong nandito, alam mo namang hindi ko alam kung nasaan sila eh. Saka, kahit si Brantly lang ang tawagan mo. Yung tomboy nayun, kahit wag na, nakakairita lang yun kasama!" "Bakit kaba ganun kay Chloe? Mabait naman yung tao at wala naman syang ginagawa sayo ah? Hirap na hirap tuloy si chloe na pakisamahan ka." "Kung hirap syang pakisamahan ako, umalis sya sa grupo natin! Nakakaasar siya! Saka nakakasira lang yun sa grupo natin Lance, hindi mo ba napapansin? Grabe! kapag talaga next year hindi pa sya umaalis sa grupo natin, mag papa transfer na ako sa ibang school, sa ibang highschool nalang ako mag f-fourth year," nakataas kilay na sabi ni chandler. Hay, grabe sya, ayaw na ayaw nya talaga kay Chloe. "Oh, sya-sya, bahala ka chandler kung saan ka masaya. Sige, wait lang at tatawagan ko lang si brantly." Lumabas muna ako sandali ng bar, maingay kasi sa loob eh. Baka hindi kami mag ka intindihan sa phone ni Brantly. Mayamaya pa ay sumagot na sya. "Oh, Lance? Nandyan naba kayo sa bar?" Tanong agad niya sa kabilang linya. "Oo kaya! Kanina pa kami nandito. Nasaan ka naba?" "Kakauwi ko lang e, nag date kasi kami ni Margaux. Tae, pare may goodnews ako sayo!" Masayang sambit ni Brantly. "Anong goodnews naman yan pare?" "Pare, sinagot na ako ni Margaux. Kami na pare!" Sigaw niya. "Talaga? Wow! Oh, pare dapat i-treat mo kami ngayon. I-celebrate natin yan, pumunta kana dito ah?" "Oo, sige ba, sige sagot ko kayo ang lahat ngayon sa bar. Sige na pare, paalis na ako dito." Agad namang pinatay ni brantly yung phone. "Si Brantly na at si Margaux na?!" Nagulat nalang ako na nasa likod ko pala si Chloe. Nandito narin pala siya. "Oo, sila na daw. Actually, sagot nga daw niya tayo ngayon dito sa bar eh." "Ah talaga? Mabuti naman kung ganun." "Oh, bakit parang hindi ka masaya at saka bakit biglang nalungkot yang mukha mo. Teka, Chloe, may sakit kaba?" Sabay hipo ko sa noo niya. Tinignan ko kung mainit siya pero hindi naman. "Anong hindi masaya? Tae, masaya nga ako at may GF na si Boss Brantly at saka kaya hindi maipinta yung mukha ko ay dahil uuwi na bukas sina Mommy at Daddy, galing sa New york." "Oh, bakit naman Chloe? Hindi kaba masaya na uuwi na ang mommy at daddy mo?" "Eh, kasi Lance, pag alis nila noon, babae pa ako, pero ngayong uuwi na sila, Tomboy na ako! Ano kaya magiging reaksyon nila kapag nakita ako? Natatakot ako." "Hala! Ganun ba? Naku, patay ka nga Chloe! Hayaan mo kapag pinalayas ka, tawagan mo ako, saakin ka nalang muna tumira, tutal mag isa lang ako lagi sa bahay dahil wala din ang mga Mommy at Daddy ko, nasa ibang bansa din at dahil nag iisang anak lang ako, ayun boring na boring ako mag isa sa bahay." "Gagu kaba Lance, bakit naman ako palalayasin, siguro naman tatanggapin din nila ako. Mababait kaya ang Mommy at Daddy ko. Oh, siya-siya, tara na nga sa loob. Anyway, wala parin ba si chandler?" "Nandyan na, kanina pa kaya kami dito. Nandun na siya loob." Agad-agad naman kaming pumasok ni Chloe sa loob ng bar. Pag kakita na pagkakita ni chandler kay chloe ay agad naman itong sumibangot. Grabe, hate na hate talaga ni Chandler itong si Chloe. "Umorder na muna tayo, para maumpisahan nanatin ito at paparating naman na daw si Brantly" "Tama ka Lance, sige na Joey, umorder ka na nang alak at pulutan natin," utos ni Chandler kay Chloe "Oo, Sige Chandler," sagot naman ni Chloe na agad sunod sa kanya. Patayo na si chloe para umorder pero pinigilan ko siya. "Teka-teka Chloe, ako na, first time mo dito, baka hindi mo alam ang mga trip naming inumin. Diyan ka nalang at ako na ang oorder." CHLOE'S POV Grabe talaga si Chandler! Parati nalang akong pinag iinitan. Mas lalo pala syang nakakatakot kapag kaming dalawa nalang mag kasama. Nasaan naba kasi si Lance? Ang tagal naman umorder nun! Palingon-lingon ako sa kanan at kaliwa ko. Hindi ko kaya ang ganitong pakiramdam. Grabe, nanlilisik ang mga mata ni Chandler, nakakatakot pa naman sya tumingin. "Hoy, Joey! Bakit ba hindi ka mapakali dyan?!" nagulat nalang ako ng mag salita siya. "Ah, eh, ang totoo niyan kasi ay natatakot ako sayo eh," nakayuko kong sabi kay Chandler. "kung natatakot ka saakin, sige umuwi kana! Hindi ka naman namin kailangan dito eh," galit na sabi ni Chandler. Tumayo na ako para umuwi. Nakakatakot talaga siya at dahil nga isa lang akong utusan sa grupo nila, dapat sundin ko ang mga sinasabe nila. Okay nga yun eh, mapapaaga ang uwi ko. Tuloy lakad na ako papalabas ng bar. "Teka-teka, Chloe saan ka pupunta?" Nagulat ako nang habulin ako ni Lance. "Pinauwi ko na sya, hindi naman sya kailangan dito eh," galit na sabi ni Chandler habang nakasunod kay Lance. "Ano kaba Chandler! Wag mo namang ginaganyan si Chloe! Pinagmumuka mo naman siyang tanga eh!" Nakasibangot na sabi ni Lance kay Chandler. Sabay akay naman saakin itong si Lance at pinaupo ulit ako sa dati kong pwesto. "Diyan ka lang Chloe! Hindi ka uuwi. Wag mo nalang pansinin ang mga sasabihin ni Chandler," mahinahon na sabi saakin ni Lance. Nag simula na kaming mag inuman. Hindi ko mga kilala yung mga alak na inorder nila. Mukhang mapapasubo ako dito. Grabe! Nakaka tatlong tagay palang ako pero medyo parang natatameme na ako. Nakakasuka yung lasa nung alak. "Ayos ka lang Chloe?" nakangiting tanong ni Lance saakin. "Ah, oo naman Lance, ako pa ba..." sabay sign ako ng good sa kamay ko Actually, kaya ako nawala sa mood ay dahil sa narinig ko kanina nung nag uusap sa phone sina Lance at Brantly. Nakakalungkot! Ang future husband ko nasungkit na ni Margaux lande. Nakaka lungkot talaga kaya ibubuhos ko nalang ito sa pag inom ng alak. "Lance tagay na! Ang sarap pala uminom ng uminom..." naka ngiti kong sabi kay Lance. "Hinay hinay lang Chloe at baka maaga kang malasing nyan," nangising sabi ni Lance Mayamaya pa ay bigla nang dumating si Brantly. "Sorry guys, im late! Medyo na traffic kasi ako eh." Parang hindi na ako masayang makita siya at madinig ang boses niya. Dahil din siguro sa nalaman kong sila na ni Margaux. Hay, naku, sure ako pag si Brantly na nag open ng topic ay puro si Margaux na ang bukang bibig niyan. Mukhang hindi ko na kakayanin itong gabi ito. Huhuhu! "Bro ang tagal mo! Nag umpisa na tuloy kami. Halika't maupo kana," sabi ni Lance kay Brantly. "Oh, bakit parang wala sa mood itong si Chandler at Joey?" Tanong bigla ni Brantly. "Ah iyang si Chloe kaya wala sa mood ay dahil uuwi na ang mga parents nya galing sa new york. Eh, nung umalis daw yung mga parents nya dati, Girl pa si Chloe. Pero ngayong uuwi na ang mga parent nya, ayan madadatnan na siyang tomboy na, kaya hindi alam ni Chloe kung tatanggapin ba sya o hindi. Sabi ko naman sa kanya kapag pinalayas sya ay saakin nalang muna sya tumuloy..." nakangiting sabi ni Lance na kinaasar ko. Naniwala naman siyang iyon ang dahilan. Ang totoo ay nalulungkot ako dahil kay Brantly. "Naku! Patay ka nga Joey! Ihanda mo na ang mga paliwanag mo..." nakatawang sabi ni Brantly saakin. "Oo nga eh," matamlay kong sagot sa kanya.. "Eh, itong si Chandler bakit naman wala sa mood Lance?" "Naku, yan inaaway na naman itong si Chloe, pinapauwi ba naman kanina..." galit na sabi ni :ance. "Chandler, diba pinag usapan nanatin iyan. Sabi ko naman sayo na wag mong masyadong pinag susungitan itong si Joey..." malumanay na sabi ni Brantly kay Chandler. "Eh, kasi naman, talagang kumukulo lang ang dugo ko dyan sa tomboy na yan! Bakit ba kasi hindi pa yan tanggalin sa grupo natinn eh!" Galit na sabi ni chandler. Sumusobra na talaga itong si Chandler! Hindi ko na talaga gusto ang tabas ng dila niya. Agad agad kong kinuha yung bote ng alak at sinalin sa isang basong malaki at pinuno ko yun at saka ko tinungga. "Teka-teka Chloe, dahan dahan. Malakas ang tama ng alak na yan!" malakas na sabi ni Lance Si Chandler naman nagulat, akala kasi niya kung ano gagawin ko eh. Yung singkit nyang mata lumaki haha. Pag ka inom ko nag isang punong baso nayon ay para bang umiikot nang napaka bilis ang paningin ko. Medyo inaaninag ko pa nga kung nasaan si Chandler dahil gusto ko syang makausap ng masin sinan. Tinagay ko talaga yung isang basong alak nayun para makakuha ako ng lakas ng loob na kausapin si Chandler. Tumayo na ako para tabihan si Chandler. Nagulat naman silang tatlo nang tumayo na ako. "Teka-teka Chloe, saan ka pupunta? Lasing ka na!" sabay akay saakin itong si Lance. "L-lance k-kulit itabi mo a-ako kay Chandler! G-gusto ko siyang k-kausapin..." sabi ko kay Lance na pautal-utal dahil nga lasing na talaga ako. "Teka, Lance bilabalaan kita, 'wag mong itatabi saakin yan ah!" pasigaw na sabi ni Chandler. Bigla akong bumaklas sa pag kakahawak saakin ni Lance at tuluyan na akong tumabi kay Chandler. "Hoy Chandler! Bakit mo ba ako ginaganito? May masama ba akong ginagawa sayo?! " sabi ko kay Chandler habang katabi ko sya at nakalapit ang mukha ko sa mukha niya. "Teka-teka Joey! Bakit ba kailangan nakalapit pa yang mukha mo saakin? Baka mamaya mahalikan mo pa ako, kadiri!" Maarteng sabi ni Chandler. "Ayan! Masyado mo na kasing inaano si Chloe eh, nag bubuhos na tuloy sya ng sama ng loob sayo Chandler..." nakangiting sabi ni "ance "Hahaha! Chandler alam mo may chemistry kayo ni Joey. Tignan mo Lance, bagay sila, " pabirong sabi ni Brantly. "S-sagutin mo ako c-chandler! Bakit mo ako ginaganito?!" pa sigaw kong sabi kay Chandler LANCE'S POV Hahaha! Kaya pala tinagay ni Chloe yung isang basong alak ay para pala makakuha ng lakas ng loob para kausapin si Chandler. Nakakatawa tuloy tignan siChandler. Mukhang natatakot na sya kay Chloe kasi lasing na talaga ito. "Hoy Tomboy! 'wag mo nga akong masigaw sigawan dyan! Gusto mo bang---"hindi na natuloy ang sasabihin ni chandler. Nagulat kami ni Brantly sa nangyari. Paano ba naman kasi si Chloe ay bigla nalang hinalikan itong si Chandler. Agad naman itinulak ni Chandler si Chloe kaya naman napahiga ito sa mahabang couch na inuupuan nila. Agad namang nakatulog si Chloe nang bumagsak sya sa couch. Dahil din siguro sa kalasingan niya kaya dead agad. Kaming dalawa ni Brantly nag iihit kami sa kakatawa. "Ayan Chandler ang napala mo! Palagi mo kasing sinusungitan si Joey, ayan hinalikan ka tuloy..." nakatawang sabi ni Brantly kay Chandler.. Si Chandler talagang na speechless simula nung halikan siya ni Chloe. Pero sa kabilan nun. ay para bang nakaramdam ako nang selos. Ewan, may lihim kasing akong pag tingin kay Chloe. Noon palang babae pa siya ay may gusto na talaga ako sa kanya, kaya naman nagulat ako nang isang araw ay naging tomboy nalang itong si chloe at sumali sa grupo namin. kinatuwa ko naman yun dahil magiging malapit saakin itong si Chloe, kaya naman pinilit ko sila Brantly na tanggapin si Chloe. Agad namang pumayag sina Brantly, yun nga lang, naging isang utusan lang nila ang babaeng mahal ko. Nahihiya naman akong mag tapat kay Chloe dahil isa akong lalaking torpe. Super torpe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD