Chapter 23

1227 Words
CHLOE'S POV Pagpasok ko ng gate ng bahay ko ay tuloy tayo na si Tristan ng makita niya ako. "Hoy! Saan ka ba galing? At saan ka natulog?" Pag tatanong ni Tristan na tila ba may kasalanan ako na kung umasta ay parang asawa ko. Hanep! Sarap kutusan! "At ano naman pakialam kung saan ako galing at kung saan ako natulog?!" Mataray kong tanong sa kanya. "Wala lang, natanong ko lang, bakit masama bang mag tanong? At teka siguro nag basketball ka noh?" Pag tatanong ni Tristan. "Basketball? Bakit naman ako mag babasketball?" gulat kong tanong sa kanya. "Ayan oh, naka jersey ka!" sabi niya at sabay siyang pumunta sa likod ko at sinabing, "Wow, bro, hindi na pala Joey ang name mo pag lalaki ka, ikaw na pala ngayon si Chandler! Yow, Chandler, tara one on one tayo sa basketbal hinahamon kita!" Panunura niya. "Gunggong! May nag pahiram lang saakin nito! Umalis ka nga diyan sa daan at papasok na ako sa bahay ko! Ang laki mong asungot diyan!" sabi ko sa kanya sabay hawi sa kanya. "Bakit ba ang sungit mo na ngayon saakin Chloe?!" pagtatanong ni Tristan na nakalukot pa ang noo. "Nagtanong kapa! Akala mo ba, dahil sayo mapapahamak pa ako!" Galit kong sabi sa kanya. "Dahil saakin?! Saakin Chloe?!" Gulat niyang tanong saakin. "Hindi! Dahil sa pintuan namin! Tanga-tangahan ba? OO dahil sayo! Kahapon nung hinalikan mo ako, naalala mo ba yung lalaking biglang sumulpot sa bintana ng kotse? Nagalit siya saakin dahil nag selos siya. Ngayon pinutahan ko siya sa bahay niya, halos magkanda lasing lasing si Lance sa sobrang sakit na ginawa ko sa kanya at lalo niyang kinasakit yung nakita niyang hinalikan mo ako! Tapos ang nangyari nang puntahan ko siya sa bahay niya ay halos nag papakalasing siya at hindi niya muna ako pinag buksan ng pinto, nag hintay ako doon nang mga tatlong oras! Kasabay nun ay ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan kaya basang basa ako! Tapos mayamaya, bigla siyang lumabas ng bahay niya na bangag na at biglang nag hubad ng t-shirt. Hinila niya ako papasok ng bahay niya at kamuntikan na niya akong gahasain! Mabuti nalang at dumating yung kaibigan naming lalaki at napigilan niya si Lance. Yun nga yung nag pahiram saakin ng jersey na ito at sa kanila ako nag palipas ng gabi." Mahaba kong kwento ko sa kanya. "Aba! Gago pala yung lalaking yun eh! Halika, ituro mo kung saan nakatira yung Lance nayun at gugulpihin ko ng sagad!" Galit na sabi ni Tristan. "No need na, Tristan! Lasing lang siya kaya nagawa niya yun! Mabait naman na tao si Lance, naging mabuti siyang kaibigan. Yun nga lang, nainlove siya saakin, ngunit hindi ko naman kayang tanggapin ang pag ibig niya dahil hindi kami bagay! Ayokong mapunta siya sa isang babaeng walang kwenta, pangit, mahirap ang buhay at walang ibubuga!" "Chloe, wag mong maliitin ang sarili mo. Hindi mo ba alam na mas higit kapa sa mga magaganda at masesexy na babae! Chloe, ikaw ang pinaka kakaibang babae na nakilala ko sa buhay ko at mayroong kakaiba sigurong nakita sayo si Lance na akin ring nakita kaya nagustuhan ka niya, pero take note, Chloe hindi ko sinasabi na may gusto din ako sayo!" "Teka, Tristan kung sakali man nga na mag kakagusto ka ay naku, hindi kita papatusin! Saka Tristan, yung mga sinabi mo kanina. Tss! Pwede ba, hindi bagay sayo ang maging ma-drama. Ang pangit mong gumanap!" "Ikaw naman, minsan lang maging seryoso eh!" Naka puppy eyes niyang sabi. "Naku-naku! Pa puppy puppy eyes ka pa! Yan, buti pa yan bagay sayo yan, mukha kang bulldog na aso Hahaha! Diyan kana nga muna, maliligo lang ako. Ay, wait! Wag na wag mo akong sisilipan at makakatikim ka saakin ng lumalagapak ng suntok!" "Feeling ka! Excuse me, Chloe! Wala akong interes sayong katawan, hindi ka naman sexy at hindi mukhang nakakalibog, kaya wala akong panahon na silipan ka! Bilisan mo ang ligo mo at aalis tayo," sabi ni Tristan. "Bakit? Saan tayo pupunta?" pag tatanong ko sa kanya. "Saturday ngayon ah, i told you na mag m-mall tayo at saka gusto kong ipaalam sayo na nausog ang double date natin, bukas na siya kaya be ready!" "Whatttt?! Okay, sige bibilisan ko ito," sabi ko habang nag kukumarat sa pag bubuhos ng tubig ng pumasok ako sa banyo. Agad din akong gumayak pag katapos kong maligo at syempre dahil mall ang pupuntahan ay syempre naka pang girlalu na porma ako. Walang pang kalahating oras ay agad kaming nakarating sa mall. "Okay, unahin natin ang pagpapamanicure at pag papapedicure mo, tutal wala namang aayusin sa buhok at mukha mo dahil mag w-wig ka naman bukas and kamusta yung pag mamake-up mo Chloe? Sanay ka narin ba?" Tanong ni Tristan. "Hindi pa nga eh, saka wala talaga akong alam sa mga make-up make-up!" nakasimangot kong sabi sa kanya. "Tsk! 'di bale, kukuha nalang ako nang mag mamake-up sayo bukas," sabi ni Tristan. Dinala ako sa mamahaling salon ni Tristan. Nilinis at nilagyan nila nang mga palamuti ang mga kuko ko sa kamay at paa. Girl na girl na tuloy ang mga kuko, ang ganda. Sumunod ay pinamili niya ako ng mga tatlong cocktail dress na susuutin ko daw bukas. May red, pink at violet at talagang magaganda at siguro mag mumuka akong mayaman kapag sinuot ko. Then, sinunod niyang binili ay wig. Ang pangit naman daw kapag naka cocktail dress ako tapos maikli ang buhok, kaya binili niya ako ng nang buhok na mahaba tapos kulot yung dulo at may bangs pa. Naiimagine nyo ba kapag naka ganun ako? Sure akong mag mimistulang dyosa na ako nun. Sumunod ay hills na sapatos naman ang binili niya saakin na tila hindi ko ata kayang suotin. Masakit sa hita. Grabe! Ang daming nagastos saakin ni Tristan. Nahihiya natuloy akong sungitan siya. Ang akala ko ay uuwi na kami dahil ang direksyon ng pinupuntahan namin ay papalabas na nang mall, pero laking gulat ko nang bigla akong inakay ni Tristan sa jewelry. "T-teka, Tristan mukha atang sobra na itong mga pinamili mo saakin, wag na yang mga alahas na yan, ang mamahal niyan," hiya kong sabi sa kanya. "Ano kaba, barya lang yan saakin," mayabang niyang sagot saakin. Kaya naman natuloy ang pagbili niya ng alahas saakin. Binili niya ako ng hikaw, kwintas at sing sing nag mag kakaparehas ang disenyo na sobrang ganda dahil sa mga batong nag niningning. **** BRANTLY'S POV Sinundo ko si Margaux sa bahay niya para ipaalam na bukas nayung double date namin. Sabik na sabik na kasi ako kaya inusog na namin ni Tristan ang araw ng double date. Mabuti nalang at sumang ayon din si Tristan. "Oh, baby? Why? May pupuntahan ba tayo at nandito ka?" pag tatanong ni Margaux. "Oo, samahan mo ako kina Lance dahil bukas na magaganap ang double date natin! Halika na, sumakay kana sa kotse." sabi ko sa kanya. "What?! Bukas na? OMG! I'm excited na!" nakangiting sabi ni Margaux sabay pasok sa kotse ko. "Siya nga pala, bakit mo ginawa yun kay Chloe Margaux?!" seryoso kong tanong sa kanya. "Ang what?!" taas kilay niyang sagot. "Yung pag talisod at pag sisinungaling mo na tinulak ka ni Chloe! Nasaktan ko pa tuloy yung tao, kawawa naman..." Hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa niya. Kawawa si Chloe. Paano kaya ako makakahinggi nsg sorry. Nahihiya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD