Chapter 24

1700 Words
BRANTLY'S POV "Ano, Margaux bakit hindi ka makasagot?! Bakit mo ginawa kay Chloe yun?" hindi makasagot si margaux dahil siya naman talaga ang may kasalanan. "Patawarin mo ako. Kasi feel ko talaga na may gusto sayo yun eh, kaya gusto kong mapatalsik siya sa grupo nyo. Hindi ako komportable sa kanya, feel ko nga para akong nagseselos sa kanya eh," mangiyak ngiyak niyang sagot saakin.. "Margaux ang kulit mo, sabi nang pure na tomboy yun at walang gusto yun saakin, kaya wag kang mag selos. Bakit sweet ba kami ni Joey?! Nag lalampungan ba kami?! Saka utusan namin yun kaya hindi ko dapat paalisin yun, dahil napapakinabangan namin siya," pag papaliwanag ko sa kanya. "Okay, sabi mo eh, sorry na po!" sabi ni Margaux sabay yakap saakin. "Okay! Saka wag mo nang pinapakelaman si Joey at bata ko yun. Utusan lang tingin ko dun saka bakit naman ako mag kakagusto dun, hindi yung tipo niya ang gusto ko, kaya wag kang mag selos, " duktong ko pa. Nagakaliwanagan din kami. Mabuti nalang at madali siyang pag sabihan. Pumunta na kami sa bahay nila Lance. "Oh, bakit napunta kayo dito? halika kayo at pumasok sa bahay ko," pang aaya ni Lance ng salubungin niya kami sa gate nila. Pag pasok namin sa loob ay umupo kami ni Margaux sa mahabang sofa ng bigla naming maramdamang basa iyon. "Bakit basa here?!" Maarteng sabi ni Margaux. "Oo nga, anong nanyari dito?" Pag tatanong ko. "Ah, eh, natapunan ko ng tubig kanina, natalisod kasi ako eh," sagot ni Lance na pautal-utal. "Ganun ba?! So, by the way, kaya kami nandito eh, para kausapin ka. Inusog na namin ng kaibigan kong si Tristan ang napag kasunduan naming double date. Bukas na namin gaganapin iyon. Ngayon, gusto kong mag paalam sayo na gusto kong dito sa bahay mo gaganapin iyun, ayaw kasi naming lumabas pa. Gusto namin ay tahimik na dating. Mukha pa naman kaming bata at baka pag tinginan lang kami sa labas, alam mo naman mga tao ngayon. Kaya ano, okay lang ba na dito kami mag double date?" pag tatanong ko sa kanya. "Sure! Ikaw pa ba? Matatanggihan ba kita," nakangiting sagot ni Lance. "Okay, salamat pare. Pero may isa pa akong favor," nakangiti kong sabi sa kanya. "Oh, ano naman yun? Ang daming favor ha!" "Pwede bang kayong dalawa ni Chandler ang gaganap na waiter saamin bukas? Please?!" pagmamakaawa ko sa kanya. "W-whatttttt?!" Nagulat niyang sabi. "Hayaan mo na may maskara naman kayo eh," sabi ko pa. "Ah! Oh, sige na nga pero si chandler tanungin mo din siya, alam mo naman iyon," sabi ni Lance. "Pwede bang ikaw na mag sabi sa kanya?" sabi ko. "Ayoko, ikaw na. Alam mo naman yun! Kailangang pilitin," pag tatanggi ni Lance. "Alam ko na, sama ko rin kaya si Chloe, gawin ko rin kayang waiter?" sabi ko na sabay namang react ni Margaux. "Naku, wag na Brantly! Masisira lang ang double date natin! Mawawala ako sa mood. You know naman na, irita ako dun. Kahit sa date manlang, ayoko munang makita siya. Date natin ito, ayokong masira, please, Brantly!" Mataray na sabi ni Margaux. "Ah, okay kung saan ka masaya," sagot ko at bigla naman napahinga ng malalim itong si Lance. Kakaiba talaga ngayon ang kinikilos ni Lance. May something. Pag katapos namin mapapayag si Lance at tuloy paalam narin kami sa kanya at tumuloy naman kami sa bahay ni Chandler. Nang makarating kami sa harap ng bahay nila ay nag message na ako sa kanya Oh, bakit napunta kayo? Ano kailangan niyo? Sandali nga at ikukuha ko muna kayo ng miryenda at baka nagugutom kayo," sabi ni Chandler ni habang pinapapasok kami sa loob ng bahay nila. Mayamaya bumalik na si chandler na may dalang cookies at juice. "Salamat dito, Chandler nag abala kapa," sabi ko "Ang sarap ng cookies, sino gumawa nito?" nakangiting sabi ni Margaux kay Chandler. Mayamaya ay biglang bumaba si Jillian, ang makulit na kapatid ni Chandler. "Oh, its you pala kuya Brantly," sabi ni Jillian saakin ng nakangiti. "Hello baby Jillian, kamusta?" "I'm okay naman kuya Brantly, anyway, whos that girl?!" Sabi ni Jillian na sabay turo kay Margaux. "Ah, yan si ate Margaux mo, girlfriend ko," sagot ko sa kanya. Bigla naman napatingin si Jillian kay Chandler na sabay taas ng kilay niya. "Kuya Chandler, is that girl na tumalisod kay ate Chloe kaya nadapa siya? At kaya din nagawang itulak ni kuya Brantly si ate Chloe ay dahil nag sinungaling siya? Ito ba yun? the witch girl!" Mataray na sabi ni jillian, "Alam mo kung ano bagay sa mga witch?!" duktong pang sabi ni jillian at sabay dampot sa juice at isinaboy niya yun kay Margaux. "Yan ang bagay sayo at akin na itong ginawa kong cookies, hindi pwedeng kumain nito ang mga ugly demonyita na kagaya mo, pang beautiful angel lang to like ni ate Chloe!" sabi niya sabay kuha ni Jillian sa mga cookies na kinuha ni Chandler para saamin. Ang malditang bata. "What the..." gigil na sabi ni Margaux. "S-sorry Margaux sa ginawa ni Jillian tsk! Yung batang yun talaga!" sabi ni Chandler na halatang pinipigil ang tawa Biglang walk out si Margaux at nagpapapadyak habang papalabas. "Sorry pare! Kilala mo naman si Jillian," sabi ni Chandler. "Oo nga, tutal gumawa ng kasalanan yang kapatid mo, kailangan mong gawin yung favor na dapat ay hihingin ko sayo," sabi ko sa kanya. "Okay, sige, ano bayun?" nakakamot ulong sabi ni Chandler. "Magiging waiter kayong dalawa ni Lance sa double date namin ng kababata ko bukas at sa house ni Lance magaganap iyon. Nakausap ko na si Lance at pumayag narin siya. Ikaw nalang ang kulang. Saka dont worry, naka maskara naman kayo eh, kaya hindi ka mahihiya. Saka after nun, papakilala ko din kayo sa kababata ko. Tiyak na magkakasundo kayo nung bundol nayun, saka by monday sa school nadin natin siya papasok kaya may bagong member na papasok sa grupo natin." pagpapaliwanag ko kay chandler. Hindi na nakatanggi si Chandler dahil hiyang hiya siya sa ginawa ng kapatid niya kay Margaux. "Oo, sige na mauna na ako at may pupuntahan pa ako, baka kanina pa nag aantay yung kasama ko sa mall. Paki sabi ulit kay Margaux na sorry. Sige na, aalis na ako, "sabi ni Chandler sabay alis, grabe iniwanan ba naman ako dito sa bahay nila. **** CHLOE'S POV "Baka naman nagugutom ka na Chloe? Kumain muna tayo," pang aaya ni Tristan. "Mabuti pa nga," sagot ko sa kanya. Kumain kami ni Tristan sa mang inasal dahil hinihikayat daw siya nang model ng mang inasal. Ang ganda-ganda daw ni angel locsin, parang kahawig daw ni miss author Hahaha! Nag unli rice kami ni Tristan. Halos naka tatlong kanin ako, pero si Tristan naka isa lang, busog na siya nun, kakaiba siya.. Nagulat nalang ako nang mapatitig si Tristan sa akin, kaya naman napatigil ako sa pag kain ko. "B-bakit Tristan?!" Tanong ko sa kanya, inilapit na niya ang mukha niya sa mukha ko at ramdam na ramdam ko na ang mainit niyang hinihinga at sabay nun ay pag hawak niya sa labi ko saka siya nag salita, "May kanin kapa sa gilid ng labi mo. Ang baboy mong kumain," mahinahon niyang sabi. Ang buong akala ko ay hahalikan na niya ako, handang handa pa naman na ang labi ko charot! "Ano, tapos ka na ba? Ang takaw takaw mo talaga! Pwede ba, minsan mag diet ka naman. Kaya hinding hindi ka magiging sexy eh," nakasimangot niyang sabi. Kanina pa kasi siya tapos eh, naiinip na siguro. "Ayan na nga po!" sabi ko. Bigla naman siyang napatitig sa likod ko na tila nakakita siya ng multo. "C-chloe, nandito yung ex-ko na minahal ko nang tunay, halos lahat binigay ko sa kanya pero niloko lang ako, ayan nga't may new boyfriend na naman siyang kasama tsk! Napaka dali talaga niyang mag palit ng lalaki. T-teka, Chloe alam mo may similarity kayo niyang ex kong si Trixie, pero mas maganda siya. Pero talagang may hawig nga kayo. Ayun siya oh, tignan mo," sabi niya sabay turo sa girl at aba may pag kakahawig nga siya saakin, pero mas maganda nga siya, sexy pa at hmm yung lalaki gwapo, singkit at t-teka, si Chandler?! What?! May girlfriend pala si Chandler! May girlfriend na siya?! Bakit??! Bakit hindi niya ata nasabi saakin yun? Bakit tila ata bigla akong nalungkot at parang may karayom na biglang tumusok sa puso ko. "Hala, ayan lalapit sila saatin, kailangan natin mag panggap na sweet tayo, Chloe gusto kong ipakita kay Trixie na kaya kong kalimutan siya at hindi ko siya kailangan sa buhay ko," sabi ni Tristan sabay tabi saakin at sabay akbay. "Uy, Tristan ikaw bayan? Wow! kamusta kana at sino yang kasama mo? Girlfriend mo ba yan?!" tanong nung girl at bigla nalang napatingin si Chandler saakin at nagulat. Nanlaki yung singkit niyang mata. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya! "Ah, oo naman, Girlfriend ko siya Trixie, bakit mukha bang hindi?" Sabi ni Tristan at lalo nang nagulat si Chandler sa nadinig niya, pero bakit ganun? Bakit hindi kami nag papansinan ni Chandler. "Mukhang hindi Tristan, kasi para siyang tomboy eh, kahit naka pang girl siyang damit," sabi ni Trixie. Takte, sapukin ko kaya mukha nitong babaeng toh. "Okay, kung ayaw mong maniwala pwes, papatunayan ko sayo," sabi ni Tristan. Bigla akong iniharap ni Tristan sa kanya at bigla niyang hinawakan ng kanyang dalawang kamay ang aking mga pisngi. "Tristan anong gagawin mo?!" sabi ko sa kanya ng pabulong. "Umakting ka na lang, babayaran kita mamaya after nitong gagawin ko sayo," sagot niya ng pabulong din. Nagulat ako sa ginawa ni Tristan. He kiss me passionately. Ngayon lang ako nakaranas nang gantong kakaibang halik. Mukhang sanay na sanay si Tristan pag dating sa halikan. Damang dama ko ang kakaibang feeling sa halik niya. Hindi ko na tuloy namalayan na nandito pala si Chandler kaya pag katapos nang halik ni Tristan saakin ay agad akong lumingon kay Chandler. Nakita kong nakataas ang kilay niya at bigla nalang niya akong inirapan. "Mabuti pa, PINSANG Trixie ay sa ibang kainan nalang tayo kumain!" sabi ni Chandler sabay akay doon kay trixie na pinsan pala niya. What the f**k! Pinsan pala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD