Chapter 26

1964 Words
CHLOE'S POV Paglabas ko nang kwarto ko ay nakita ko nalang na napanga-nga si Tristan, kaya naman nginitian ko pa siya para lalong mag laway hahaha! "Ekey leng be? Megende be eke Tristan?" Malandi kong sabi kay Tristan. "W-wow! Ang g-ganda mo Chloe," mautal-utal na sabi ni Tristan na nag b-blink pa ang mga mata niya. "OMG! Your so beautiful," tuwang tuwang sabi ni miss Aprille. "The best ka talaga Miss Aprille, napaganda mo si Chloe!" Sabi ni Tristan na hindi parin maalis ang tingin niya saakin. Mukhang napatibok ko na ata ang puso niya hahaha! "Thank you Miss Aprille, ang galing-galing nyo pong mag-ayos," pormal kong sabi kay miss Aprille na sabay yuko, yung tipong pang-sosyal. "Wow! Ganyan nga ang gamitin mong tono at kilos Chloe, mas bagay, lalo kang nagiging pretty," sabi ni Miss Aprille. "Teka, Tristan baka naman matunaw na ako, kanina ka pa tingin ng tingin saakin ah?" Asar kong sabi kay Tristan. "Ah, eh, di lang kasi ako makapaniwala na may ibubuga ka pala. Ang ganda mo ngayon Chloe," seryosong sabi ni Tristan. "Ikaw naman kasi Tristan, wag mong minamaliit ang kagandahan ko! Ayan tuloy nganga ka ngayon sa beauty ko!" "So, paano? Mauna na ako guys, enjoy your date. Once again, Chloe your so beautiful tonight," nakangiting sabi ni Miss Aprille. "Sige po, thank you po ulit, mag-ingat po kayo sa pag mamaneho pauwi," sabi ko sa kanya. **** BRANTLY'S POV "Bakit wala pa yung kababata mo Baby? Ang tagal naman!" Maarteng sabi ni Margaux. "Papunta nayun, masyado ka namang atat!" Sagot ko sa kanya. Ano kayang problema ni Chandler at Lance? Kanina pa nagbubulungan at mukhang seryoso ang pinag-uusapan. "Baby, ang ganda ng ayos dito. Ang romantic ng place, kaya kahit papaano ginhawa na ako pag dumating yung araw na papakasalan mo ako, kasi ikaw na ang bahala sa mga gantong mga ayos. Alam mo kasi, wala akong alam sa mga pag-dedecorate, kaya paano mo napaliwanag ito sa mga mag aayos? Ang galing mo talaga. The best ka, Baby ko!" halos masamid ako saaking iniinonm ng marinig ko yung kasalan. Ang aga naman mag isip ni Margaux. "Ang advance mo naman mag-isip Margaux Hahaha! Anyway, nasabi ko na ba sayo na ang ganda mo ngayon," malambing kong sabi kay Margaux. "Ngayon lang ba Baby? Hmp! Always naman akong maganda ah!" pa cute na sabi ni Margaux. "Alam ko naman yun, pero mas naging beauty ka dahil sa ayos mo ngayon," sagot ko sa kanya. **** CHANDLER'S POV Ang OA nung dalawang mag syota dito, kaumay! Hmp! Bakit ba kasi kami pa ni Lance ang naisip niyang maging waiter. Takte, pwede naman siyang kumuha ng iba, tapos bayaran nalang niya. Kakaiba siya, kasalanan to ni baby Jillian eh, kung di niya ginawa yun kay Margaux di sana nakatanggi ako kay Brantly. "Hoy Lance, umayos ka ha?! Wag mo nang uulitin yun kay Chloe! Gago ka! Muntikan mo na siyang pag samantalahan. Alam mo bang takot na takot siya nung gabing na yun! Tsk! Dapat sayo hindi nag papaka laseng eh!" bulong ko sa kanya, katabi ko kasi siya dahil kami nga ang nautusan na waiter sa double date na ito. Actually pang limang sabi ko na ito kay Lance. "Unli?! Oo na pare, lasing lang talaga ako saka kung matino man ako, bakit ko naman gagawin yun kay Chloe. Alam mo naman na napaka protective ko kay Chloe. Hindi ko nga alam kung paano ako lalapit sa kanya at kung paano ako hihingi ng tawad kasi wala na ata akong mukhang mahihaharap kay Chloe!" sagot ni Lance saakin na tila ba hindi nga niya ginusto yung nangyari. "Bundol ka eh, ayan mag dusa ka. Alam mo bang takot na takot ng lumapit sayo si Chloe!" sabi ko pa sa kanya para lalo syang matakot. **** CHLOE'S POV Papunta na kami sa place ng double date namin. Grabe, nakakailang ang kinikilos ni Tristan ngayon. Papaano ba naman kas, habang nag mamaneho siya ay nahuhuli kong pasulyap sulyap siya saakin. "Teka, Tristan pwede bang atupagin mo muna yang pag mamaneho mo, hindi yung tingin ka ng tingin saakin, baka mamaya mabunggo pa tayo niyan, wag kang tingin ng tingin, nakakailang ka na alam mo bayun!" "Sorry, Chloe! Hindi lang kasi ako komportableng ganyan ang ayos mo. Naiilang lang din ako. Feeling ko tuloy may isang babaeng kagalang galang akong kasama sa kotse ko." Halos matawa ako sa mga pinag sasasabi ni Tristan. Grabe, nabighani na ata si Tristan nang kagandahan ko hahaha! "Ay naku, Tristan feeling ko nagayuma na kita, pero Tristan binabalaan kita, bawal kang mainlove saakin at ayoko sa lalaking makulit at abnormal at saka tinuturing lang kitang kaibigan at hanggang dun lang yun!" Biglang napa preno si Tristan sa sinabi ko. "Why? Anong nangyari? May nasagasaan ka ba?" tanong ko sa kanya. "Talaga bang hanggang friend lang ang kaya mong ibigay saakin?" Pa-puppy eyes na sabi ni Tristan. Bigla naman akong nagulat sa sinabi niya na yun, naging seryoso kasi mukha niya nung sinabi niya yun eh. "T-tristan, ilayo mo nga yang mukha mo saakin, natatakot na ako sayo! Wag mo nga akong ginaganyan, gusto mo bang umatras na ako sa double date na ito?!" sagot ko sa kanya. Inilayo nya nga yung mukha niya pero hindi parin siya tumigil sa pangungulit. "Pero, kung sakaling bang ligawan kita ay sasagutin mo ba ako?" tanong ni Tristan na kinagulat ko. "Oo, sasagutin kita basta ba yung babayad mo saaking 50 thousand ay gagawin mong 100 thousand! Ano keri mo ba yun?" Sagot ko sa kanya. Oo, ganyan na, dahil maganda na ako. Binibili na ngayon ang pangliligaw saakin. Pero biro ko lang iyon. Para kasi tumigil na siya. "Deal! Basta ba sasagutin mo ako," nakangiting sabi ni Tristan at tila talagang seryoso na siya. "Okay, sasagutin ka lang pala eh, pero wag mong aasahan na seseryosohin kita!" sagot ko sa kanya. "Aw naman! Bakit Chloe? Bakit hindi mo ako kayang seryosohin?" Naka sadface na sabi ni Tristan. "Umayos ka nga Tristan! Aatras na talaga ako sa double date na ito!" "Sige na, titigil na, basta after nitong double date, mag-uusap tayo?" sagot niya sabay tigil na. Nag maneho nalang siya nang maayos, pero hindi parin maiwasan ang hindi niya mapatingin saakin tsss.. After 20 minutes ay nakarating na din kami doon. Teka, bakit tila pamilyar ang lugar na ito? Hindi ba't bahay ito ni Lance? "Teka, Tristan, diyan ba mismo ang double date natin? Diyan sa bahay nayan?" pag tatanong ko sa kanya sabay turo sa bahay ni Lance. "Yup! What are you waiting for? Tara, na!" sagot niya. OWW-MY-GOD! Ibig sabihin ay si Lance yung makakadouble date namin. May girlfriend na pala siya at teka kelan pa naging mag kakilala sila lance at tristan? O Yung girlfriend ni Lance at si Tristan. Teka, naguguluhan na tuloy ako. "Wait, Tristan! Mag kakilala ba kayo ni Lance?" tanong ko sa kanya. "Lance? Yung nag tangkang gumahasa sayo? Hindi! Bakit naman kami magiging mag kakilala nun eh, ''di sana inupakan ko na yun dahil pinag tangkaan ka niya!" sagot niya. "Eh bakit tayo diyan mag dodouble date?" tanong ko sa kanya. "Eh, diyan sinabi ni Brantly eh, yung kababata ko. Diyan siya nakakuha ng place sa kaibigan daw niya." "OMG! Yung kababata mo ay si BRANTLY?!" Gulat kong tanong kay Tristan. "Oo, bakit? Mag kakilala ba kayo?" pag tatanong niya. "Oo, siya kaya ang leader nang sinalihan kong grupo sa school kaya nag paka tomboy ako!" Sabi ko sa kanya. "So, ibig sabihin ay dun ka kay Brantly nag ka gusto? Sa kanya ka patay na patay?!" "Yes! Tumpak! Kaya lets go na, hindi ako tutuloy diyan, ayoko na!" sabi ko sabay pasok sa kotse niya. "No! Chloe! This is the right time para makita ka na ni Brantly. Yung kung ano ka talaga. Sure akong magugulat yun. Sobrang ganda mo kaya. Chloe, pagkakataon mo ng pa ngangahin si Brantly kagaya nang pag papanganga mo saakin kanina. Saka, hindi ka niya agad agad makikilala dahil ang laki nang pinag bago mo. Hindi ka mukhang Joey na tomboy. Mukha kang Princess Chloe ngayon, kaya halika, tutuloy na tayo sa loob. FIGHT! FIGHT! FIGHT! CHLOE!" Seryosong sabi ni Tristan na nag palakas ng loob ko. Hindi na ako nakatanggi. Pinalakas ang loob ko ni Tristan pero diko parin maiwasang hindi kabahan. Habang nag lalakad kami papunta ng bahay ni Lance ay nanginginig ako sa sobrang kaba kaya naman minsan ay natatapilok ako sa suot kong hills. "Wait, Chloe basta maging mataray ka dapat sa gabing ito. Wag kang magiging tanga! Ayokong mapahiya kay Brantly kaya naman mamaya sasabihin nananatin sa kanila na Girlfriend na kita at you know na ba na sa school nyo na ako mag aaral at ako ang new member nyo, kaya mag q-quit kana sa grupo nila brantly, dahil hindi kana mag papanggap na tomboy. Simula sa lunes ay mag papanggap ka na bilang girlfriend ko, maliwanag ba?" Seryosong sabi ulit ni Tristan, kaya naman napa nod nalang ako. Tuloy-tuloy na kaming pumasok patungo sa garden nila Lance at nakita naming nakaupo nadun si Brantly at Margaux at sa gilid naman ay may dalawang nakamaskara na lalaki. Mukhang waiter ata. habang papalapit na kami ni Tristan ay halos iisa ang ekspresyon ng mga mukha nila. Lahat sila ay napanganga. "Bro! Hanep!Napakaganda naman ng girlfriend mo!" pag bati agad ni Brantly! Seryoso?! Grabe! Ako ata ang pinansin niya agad. OMG! lang talaga! Napaka ganda ko daw hahaha! Si Margaux naman napaka plastic ng ngiti saakin. "Ako paba?! Matinik ata ako pag dating sa magaganda!" Sagot ni Tristan kay Brantly. "You know baby, parang familyar yang girlfriend niya. Parang nakita ko na siya!" Sabi ni Margaux kay Brantly. Grabe! Hindi talaga nila ako nakikila Hahaha! "Alam mo, parang kilala ko yung mukha nung lalaki! Parang nakita ko na siya," nadinig naming bulong nung isang waiter na parang kaboses ni Lance. "Ako din, parang nakita ko na siya. Diko alam kung saan?!" Sabi naman nung isa pang waiter na parang kaboses naman ni Chandler. "Nais kong ipakilala sainyo ang girlfriend ko...Si Chloe," malakas na sabi ni Tristan sabay yakap saakin. Bigla namang napatayo si Brantly atMargaux at yung dalawang waiter. Nag tanggal na sila ng maskara na si Chandler at Lance pala. "J-joey I-ikaw bayan?!" Gulat na tanong ni Brantly na pautal-utal pa. "OMG! Is that you Chloe?!" gulat ding tanong ni Margaux. Lumapit na din si Lance at Chandler saamin at sabay sabay silang apat na tumitig saakin. Kaya naman ginawa ko sinalubong ko sila ng ngiti. "Yup! Ako nga ito. Ang nakilala nyong tomboy sa school. Hello sainyo! Ano bagay ba saakin ang mukhang girl?!" nakangiti kong sabi sa kanila. "Hmp! Walang pinag bago! Ganun parin! Naka wig kalang kaya wag kang etchusera! Pangit ka parin saka bakit diyan ka nag ka gusto Tristan?! Hindi naman maganda yan! Naka make-up lang yan at saka hindi naman siya sexy at hot like me, kaya hindi bagay Tristan ang makipag relasyon ka diyan. Masyado kang gwapo! Sayang naman kung diyan kalang babagsak!" Sabi ni Margaux hmp! Insecure ang peg? Bakit kaya ayaw niyang aminin na mas maganda ako kesa sa kanya? Sandali nga, masampulan ko nga itong si Margaux naito. Ito ang first time ko na tatarayan ko si Margaux, nakakairita na eh! "Hmmmm... Margaux sa tono ng pananalita mo ay parang insecure ka! Bakit ba ayaw mo matanggap na mas maganda talaga ako sa kesa sayo at isa pa, SA ISANG RELASYON HINDI NAMAN DAPAT MAGANDA, SEXY OR HOT KA! KASI LOVE STORY ANG GAGAWIN NYO, HINDI s*x VIDEO!" mataray kong sabi sa kanya with matching cross arm na nakataas pa ang kilay. Napanganga silang lahat sa sinabi ko. Sapul na sapul si Margaux na chaka! Ano siya ngayon. Wala pa iyan. May mas tataray pa ako, kaya wag ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD