Chapter 27

1041 Words
CHLOE'S POV "Tumigil na nga kayo! Para kayong aso't-pusa! at saka Brantly pag sabihan mo nga yang girlfriend mo, masyadong madaldal ang dila, kung laitin naman niya girlfriend ko ay wagas!" pag tatanggol ni Tristan saakin. "Shut up na nga kasi Margaux! Tama si Tristan, masyado kang makapag salita kay Joey.. este Chloe. Anyway, i'm sorry Chloe, dun sa nagawa ko sayong pang tutulak. I know nang hindi ikaw ang nanguna. Itong si Margaux pala talaga ang totoong may kasalanan, kaya im really really sorry, sige kung gusto mo gantihan mo ako, itulak mo din ako o sapakin nalang," seryosong sabi ni Brantly. Nakakatawa! Bakit tila naiiba ihip ng hangin ni Brantly. Nagulat naman ako sa dalawang waiter "Kayo pala yan Lance at Chandler ang dalawang naka maskara!" Sabi ko sabay tingin kay Chandler at Lance. Si Lance, hindi makatingin saakin ng maayos, pero si Chandler, ayun ganun parin, inirapan na naman ako. "Nandito yung Lance? Chloe sino diyan!? Sino diyan si Lance at uupakan ko! Bakit niya pinag tangkaang gahasain ang girlfriend ko?" Sabi ni Tristan na sabay tanong kay Chandler at Lance. Laking gulat ni Brantly at Margaux sa nadinig nilang sabi ni Tristan. "WTF! Si Lance pinagtangkaan si Chloe na gahasain?!" gulat na tanong ni Brantly. "Kakaiba naman pala ang trip nitong si Lance eh, oh baka naman Tristan nilandi niyang girlfriend mong si Chloe si Tristan, kaya naman kumagat si Lance!" naka smirk na sabi ni Margaux. Napaka ingrata talaga! "Tumigil ka nga diyan babaeng surgery!" pam babara kong sabi kay Margaux. Nakita kong pasugod na si Tristan kay Lance. "Tristan tumigil ka nga diyan! Hindi sinasadya yun ni Lance, lasing siya kaya wag ka ngang feeling superman!" sabi ko kay Tristan sabay harang kay Lance kasi sasapakin na siya ni Tristan eh. Bigla namang napatitig kay Lance si Brantly na tila ba ilang second nalang ay susugod na si Brantly. "Timawa ka Lance! Paano mo nagawa yun kay Chloe?!" Pasigaw na sabi ni Brantly sabay sapak kay Lance. *boogggs!!* "Brantly ano ba?! Bakit mo sinapak si Lance?! Pinatawad naman na siya ni Chloe ah!" Galit na sabi ni Chandler kay Brantly na sabay naman niyang tinayo si Lance, natumba kasi sa pag kakasapak ni Brantly. Nagulat ako sa ginawa ni Brantly. Ano ibig sabihin nun? Pinag tatanggol ba niya ako? "Isa ka pa Chloe! Umalis kana sa grupo namin. Isa ka pala talagang babae na nag papanggap na tomboy. Bakit? no bang dahilan kung bakit mo ginawa yun?! bakit ka sumali sa grupo namin? Anong trip mo?!" Galit na tanong ni Brantly. "Gusto mo bang malaman?" Seryoso kong tanong sa kanya sabay tingin kay Margaux. "Oo, ano?! Gusto kong malaman kung bakit?" Sagot ni Brantly. Sina lance naman at Chandler nanunuod lang saamin, samantalang si Tristan nakatitig lang kay Brantly at mukhang gulat na gulat din dahil sinapak niya nga si Lance. "May gusto ako sayo Brantly! Noon pang first year. Kahit anong gawin ko, ni hindi mo man lang ako pinapansin at halos ata lahat ng nireregalo ko sayo noon ay siguro palagi mo lang tinatapon. Hindi mo ba alam na lahat ng yun ay ipon ko nun sa baon ko. Nag titiis akong hindi kumain para lang pag ipunan yung ireregalo ko sayo. Hanggang dumating sa puntong mag panggap na akong tomboy para lang makapasok sa grupo nyo. Nakapasok naman ako pero sa isang kundisyon, magiging utusan nyo lang ako.Di'ba Brantly nag pakatanga ako para lang sayo! Tapos hanggang ngayon pala manhid ka parin! Hindi mo parin ba alam na matagal na akong may gusto sayo?! As in patay na patay nga ako sayo eh, pero ngayong may Margaux kana, labis ko yung kinalungkot, pero di parin ako tumigil baka kako sakaling mag hiwalay din kayo kaagad, tuloy tuloy parin ako sa pag papakatanga. Pero, one day natauhan na ako. Nakahanap na ako nang lalaking mamahalin ako ng lubos at yun nga itong boyfriend ko ngayon na si Trista. Kaya okay lang na tanggalin mo na ako sa grupo nyo. Nagising na ako sa katotohanan Brantly. Halos ilang taon akong nagpakatanga, lalong lalo na diyan sa girlfriend mong kung makapang lait ay wagas! Tiniis ko ang pambubully niyan! Napaka feeling! Samantalang puro naman surgery ang lahat ng kanya hmp!" Biglang napatulo ang mga luha ko pag katapos ng lahat ng sinabi ko. Mukhang wala akong choice kundi umalis na ng bahay ni Lance at bago yun ay nag salita muna ako sa kanila. "Aalis na ako. Tristan umuwi kana mag isa at wag na wag mong akong susundan, gusto kong mapag isa," sabi ko sabay alis. Tumakbo na ako papaalis doon takbo lang ako ng takbo kahit hindi ko alam kung saan ako aabutin. Para akong si cinderella na takbo ng takbo kaya naman gaya ni Cinderella ay naiwan ko din yung isang sapatos ko. Mukha akong lula dahil hindi ko na binalikan yung isa kong sapatos. Tuloy tuloy parin ako sa pag takbo na until now ay umiiyak parin ako.Grabe! Nasabi ko lahat nang yun kay Brantly?! Hindi ko inaakala yun. Ano kaya magiging reaksyon ni Brantly? Huminto ako sa may park. Halos lahat ata ng tao dito ay nakatingin saakin at sari saring bulong bulungan ang nadinig ko. "Ang ganda niya, pero bakit walang kapareha yung isang sapatos niya?" "Para siyang artista pero, mukang malungkot siya, bakit naman kaya?" "Oo nga, baka naman brokenhearted siya, kaya ganyan." "Oo nga, kahit pala ganyan kaganda nagiging brokenhearted parin" "bakit mo iniwan ang sapatos mo?" Nagulat nalang ako sa boses ng isang lalaki na sabay abot dun sa naiwan kong sapatos kanina. "B-brantly?! Sinundan mo ko?!" Bakit niya ako sinundan? Nakakagulat naman! "Totoo ba ang lahat nang yun? May gusto ka saakin at matagal na?!" Seryosong tanong ni Brantly. Nakakailang naman, bakit niya payun pinaalala. Hiyang hiya nga ako sa mga pinag sasabi ko sa kanya kanina eh, tapos ayan inulit na naman niya. "Sabi ko kanina, gusto kong mapag isa, bakit mo pa ako sinundan Brantly?" Matamlay kong tanong sa kanya. "Dahil ang nararamdaman mo ay nararamdaman ko rin!" Sagot niya na nagpalaki ng mga mata ko dahil sa gulat. "P-paanong nararamdaman mo rin ang nararamdam ko Brantly?! " pautal utal kong tanong sa kanya. Shit! Totoo ba itong nadinig ko? Nananginip ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD